Chapter 2.2

3.3K 87 1
                                    


INABOT ni Raine ang baso ng tequila na ibinigay sa kanya ng lalaking kanina pa kasayaw sa bar na kinaroroonan. May sinasabi ito sa kanya na hindi magawang maintindihan dahil sa lakas ng tugtog na bumabalot sa paligid. Nasa gitna sila ng dance floor at abala pa rin sa walang humpay na pagsayaw.

Hindi niya naman talaga kilala ang lalaking nasa harap at wala siyang balak alamin kung sino iyon. Nagpunta lang siya sa isang kilalang bar na ito sa Quezon City para magpakasaya at kalimutan ang pag-aaway na naganap na naman sa kanila ng kanyang ama kanina.

Tinungga niya ang lamang tequila ng baso. Kanina pa siya umiinom at medyo nahihilo na siya. Mukhang kailangan niya nang umalis at umuwi sa bahay.

Raine walked her way in the crowd of dancing people and went straight to the bar corner. Ipinatong niya doon ang basong hawak at napalingon sa lalaking kasayaw na nakasunod lang sa kanya.

"Want more drinks?" nakangising tanong nito habang hindi inaalis ang malagkit na pagkakatitig sa katawan niya.

Nakasuot siya ng itim na cocktail dress na hanggang tuhod ang haba. Alam ni Raine na nababakat doon ang hubog ng kanyang katawan kaya maraming lalaki ang hindi maalis ang tingin sa kanya. Well, sanay na naman siya sa ganoong mga tingin ng opposite sex. Iyon lang naman ang atensiyong nakukuha niya kaya hinahayaan na lamang.

Binigyan niya ang lalaki ng isang matamis na ngiti. "Hindi na, kailangan kong pumunta sa powder room," iyon lang at lumakad na siya palayo. Wala siya sa mood para makipag-flirt sa kahit na kanino.

Nang makarating si Raine sa girl's powder room ay mabilis niya nang inayos ang sarili para sa pag-uwi. Tiningnan niya ang suot na relo at nakitang alas-onse na ng gabi. Siguro naman ay tulog na ang kanyang mga magulang o hindi kaya ay nakakulong sa kanya-kanyang home office.

Pagkatapos mag-ayos ay mabilis na siyang lumabas. Habang naglalakad ay hinihiling niyang huwag na muling makita ang lalaking kasayaw kanina. Hindi niya gustong may bumubuntot sa kanya.

Laking pasasalamat naman ni Raine nang maluwag siyang nakalabas ng bar. Naglalakad na siya patungo sa kinapaparadahan ng sasakyan nang may biglang humanggit sa braso niya. Ganoon na lang ang kanyang pagkagulat nang makita ang lalaking kasayaw kanina.

"Aalis ka na agad?" tanong pa nito. "We've been dancing all night pero iiwanan mo lang ako ng gano'n lang?" may bumahid ng pagkainis sa tinig ng lalaki.

The feeling was mutual. Tiningnan ni Raine ng masama ang lalaking nakahawak pa rin sa braso niya. "Hindi dahil nakipagsayaw ako sa'yo ng ilang oras ay puwede mo na akong isama kahit saan," hinigit niya ang braso. "I'm tired. Gusto ko nang umuwi."

Pero mukhang hindi marunong umintindi ang lalaking nasa harap dahil hinarangan pa nito ang daraanan niya. "Oh, come one, little bitch," pang-uuyam nito. "Huwag ka nang magpa-hard-to-get. Matagal na kitang napapansin sa bar na ito at alam kong ilang lalaki na rin ang sinasamahan mo," pinasadahan pa nito ng tingin ang kabuuan niya. "How much do you want? I can give you every luxury you want."

Sarkastiko siyang tumawa. "I have every luxury I want, asshole," puno ng galit na sagot ni Raine.

Nakita niya ang pagsiklab ng galit sa mga mata ng lalaki. Pero ilang sandali lang ay ngumisi na ito. "That's why I like you more, Garcia," sabi nito.

Nagulat si Raine sa kaalamang kilala siya ng lalaki. Pero ano pa bang aasahan niya? Maraming nakakakilala sa kanya sa bar na iyon, siguradong nakarating din sa lalaking ito kung sino siya. Mukhang matagal na ring customer ng bar na ito ang lalaki base sa mga sinabi kanina.

Itinaas ng lalaki ang isang kamay para marahang haplusin ang buhok niya. "You're hotter up close, darling," magaspang na wika nito.

Akmang tatabigin ni Raine ang kamay ng lalaking nasa buhok nang maramdaman ang paghigit sa kanya mula sa likod. Ganoon na lang ang kanyang pagkagulat nang dumapo ang isang malakas na sampal sa pisngi niya.

Napatingin si Raine sa babaeng gumawa noon. "Anong—"

"Bitch!" histerikal na sigaw ng babaeng sumampal sa kanya. Tumingin ito sa lalaking kausap niya. "Ito ba ang babae mo, Fred?!" nanlilisik ang mga matang ibinalik ng babae ang tingin kay Raine. "Walanghiya ka!" inabot nito ang buhok niya para sabunutan.

"Ouch!" Pakiramdam ni Raine ay mabubunot ang buhok niya mula sa anit dahil sa higpit ng pagkakasabunot ng babae. "What the hell are you doing? Let me go!"

"Hayop kang babae ka!" patuloy na pagwawala ng babae. "Papatol ka na nga lang ay sa may asawa pa! Walang hiya ka!"

Inabot ni Raine ang buhok ng babae at ginantihan ito. "Pakawalan mo sabi ako!" Nang magawang ilayo ang ulo sa mga kamay nito ay malakas niyang itinulak palayo ang babae.

Pasalampak itong napabagsak sa semento. Agad naman siya nitong pinagbabato ng hawak na handbag at maging ng suot na sandals. Kitang-kita ni Raine ang mga taong nakapalibot na sa kanila para maki-usyoso.

Ibinaling niya ang tingin sa lalaking tinawag na Fred na nakatayo lamang doon at gulat na nakatingin sa nagwawalang asawa. Umusbong ang matinding galit sa puso ni Raine dahil sa kahihiyang inabot.

"You whore!" narinig pa niyang sigaw ng babae.

Hindi na iyon pinag-ukulan ng pansin ni Raine at humakbang palapit sa Fred na iyon. Nang iangat ng lalaki ang tingin sa kanya ay agad niyang pinadapo ang isang malakas na sampal sa pagmumukha nito.

Nang ibalik ni Raine ang tingin sa asawa nitong nakasalampak pa rin sa semento ay may pagkagulat na sa mukha ng babae. "Hindi ako ang kabit ng asawa mo," mariing wika niya. "Ang asawa mo ang lumapit sa akin ngayong gabi," pinaglipat niya ang tingin sa mga ito. "Morons," iyon lang at dali-dali na siyang tumalikod at lumapit sa sasakyan.

Pagkapasok sa loob ay agad nang pinaharurot ni Raine ang sasakyan para makaalis sa lugar na iyon. Ramdam na ramdam niya ang pag-iinit ng mukha dahil sa galit, inis at kahihiyang nararamdaman. Gusto niyang magwala at umiyak. How dare those people do this to her?!

[Completed] Sweet Coffee Princesses 2: Raine, The Bodyguard's Bratty PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon