Chapter 10.2

3K 69 0
                                    

MATAPOS kumain ni Raine ay pinagmasdan niya lamang si Riley na mukhang nagustuhan ang kanyang niluto. Hindi niya napalampas na nakailang bulos din ito ng kanin. Siguro ay gutom na gutom talaga ito.

Ilang minuto lang ay natapos na rin naman ang lalaki sa pagkain. Sumandal ito sa sandalan ng upuan habang umiinom ng juice. "Iyan na yata ang pinaka-masarap na pagkain na nakain ko sa buhay ko," puri pa nito. "Hindi ko alam na mahusay ka palang magluto. Salamat."

Raine tucked her hair on her left ear. Hindi niya napigilan ang mapangiti dahil sa papuring iyon ng lalaki. Sigurado rin siya na kumikislap ngayon ang kanyang mga mata.

"Ako na ang maghuhugas ng pinagkainan natin," pag-ako ng binata.

Hindi na nagawang makatutol ni Raine dahil agad na itong tumayo para gawin ang sinabi. Pinagmasdan niya na lang ito hanggang sa makatungo sa loob ng kusina.

Dahil hindi niya nais na mag-isa kaya mabilis din siyang sumunod kay Riley. Nadatnan niya na itong nagsisimulang maghugas ng pinagkainan. He looked so good even in that. Nakatupi lang hanggang siko ang long-sleeved polo na suot habang may nakalagay na apron sa harapan.

Lumakad si Raine palapit sa lalaki para panoorin ito sa paghuhugas. Sumulyap si Riley sa kanya. "Hindi ka pa ba magpapahinga?" tanong nito.

"Hindi pa ako inaantok," sinabayan niya pa iyon ng iling.

Tumango na lamang ang lalaki at ipinagpatuloy ang ginagawa.

"Sumali ako noon sa isang cooking contest sa school namin noong high school," naisipan ni Raine na mag-kuwento. "Doon ako nagsimulang mag-enjoy sa pagluluto pero hindi ko naman madalas gawin iyon dahil wala naman akong ipagluluto dito sa bahay."

"Ang mga magulang mo?" tanong ng lalaki habang inilalagay sa lalagyan ang mga hinugasan.

Napaismid si Raine. "Nakita mo naman ang relasyon namin, hindi ba? Hindi anak ang turing nila sa akin." Nais man niyang itago ang lungkot sa tinig subalit alam niyang hindi siya nagtagumpay. "Bata pa lang ako ay ganoon na ang relasyon namin ng mga magulang ko. Mas gusto nila si Kuya Steve at alam ko iyon. Kaya mas lalong lumayo sila noong mawala ang kapatid ko."

Napatingin siya kay Riley nang maramdaman ang marahang paghaplos nito sa buhok niya. Natanggal na ng lalaki ang suot nitong apron. "Siguradong nag-aalala pa rin naman sila sa iyo," mahinahong wika nito. "Hindi nila ako kukunin para magbantay sa'yo kung wala na silang pakialam."

Lumabi si Raine at ini-iling ang ulo. "Kinuha ka nila para masubaybayan ako at maiwasang huwag na uling makalikha ng gulo. Lahat ng ito ay para sa ikabubuti nila."

Ilang sandali muna siyang pinakatitigan ng lalaki bago ito tumango-tango. "Bakit hindi ka na lang magtayo ng restaurant?" pag-iiba nito sa usapan.

Mabilis siyang umiling. "Hobby ko lang ang pagluluto, ni minsan ay hindi ako nangarap na makapagtayo ng restaurant. Parang sa pagtugtog ng violin, hobby ko lang din 'yon."

"Mukhang marami kang talents, ah?" wika pa ni Riley.

Nahihiyang ngumiti si Raine. "H-Hindi naman. Si Kuya Steve ang nagturo sa akin na mag-violin. Mas mahusay siya sa akin pero may mga awards naman akong natanggap noon dahil doon," tiningnan niya pa ang bodyguard na may pagkasabik sa mga mata.

Hindi na magawang maalala ni Raine kung kailan siya huling nag-kuwento ng patungkol sa mga achievements na natanggap noong bata pa. Tinigilan niya na ang pagmamalaki ng mga bagay na iyon dahil wala rin namang nais na makinig sa kanya.

"Talaga?" may nahihimigan nang interes sa tinig ng binata.

Masayang tumango si Raine. "Nasa kuwarto ko pa ang mga plaques at certificates na natanggap ko. Gusto mo bang makita?" Hindi niya magawang ipaliwanag ang pagkasabik na nararamdaman ng mga oras na iyon. Pakiramdam niya ay bumalik siya sa pagkabata kung saan ipinapakita sa mga kakilala ang achievements na nakuha.

[Completed] Sweet Coffee Princesses 2: Raine, The Bodyguard's Bratty PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon