Chapter 21.3

2.9K 75 1
                                    

"HINDI ba sinabi ko na sa'yo na 'wag kang magpapaka-lasing?" pagalit ni Riley kay Raine habang tinutulungan itong lumabas ng sasakyan. Kagagaling lang nila sa isang party na dinaluhan nito.

"Sinabi ko rin sa'yo na hindi ako lasing," Raine hiccuped. Tumawa pa ito. "K-Kaunti lang ang nainom ko. Matagal na nga lang akong hindi nakatikim ng champagne kaya—"

Napatigil ito sa pagsasalita nang pangkuin niya. Lumakad si Riley papasok sa loob ng bahay.

Muling tumawa si Raine at ikinawit ang mga braso sa leeg niya. "Mmm, my boyfriend is so sweet," ani pa nito bago inihilig ang ulo sa dibdib niya.

Humugot ng malalim na hininga si Riley at hindi na nagsalita hanggang sa makarating sa kuwarto ng babae. Marahan niyang inilapag si Raine sa ibabaw ng kama nito.

Pinagmasdan niya lang ang babae sa loob ng ilang sandali. Yes, he was her boyfriend now. Kaya hindi niya mapigilan ang makaramdam ng inis dito simula pa nang dumating ang dating nobyo nitong si Terrence. Hindi naman talaga siya naiinis kay Raine kundi sa lalaking iyon.

Halos buong gabi ay wala nang ginawa ang Terrence na iyon kundi ang magpahangin kay Raine. Nanatili lang siyang nakatayo at pinipigilan ang sariling magpakita ng galit. Kailangan niya pa ring umaktong propesyonal pagdating sa trabaho.

Bumangon si Raine sa pagkakahiga sa kama. "Nakalimutan ko ang purse ko sa sasakyan," ungot nito.

Muling ibinalik ni Riley ang babae sa pagkakahiga sa kama. "Ako na ang kukuha, magpahinga ka na," utos niya.

Ngumiti si Raine, namumungay na ang mga mata. "Come back fast," malambing na wika nito.

Tumango na lamang siya at lumabas ng kuwarto para magtungo sa sasakyan. Nang makarating siya doon ay agad niyang kinuha ang purse na nasa passenger's seat.

Napatigil si Riley sa pagbalik sa loob ng bahay nang makita ang pagparada naman ng sasakyan ng mga magulang ni Raine. Magalang niyang binati ang mga ito nang makalabas ng sasakyan.

Tumigil sa harapan niya si Sir Raymart habang ang ina ni Raine ay nagtuloy na sa loob ng bahay. "Lasing na naman ba ang batang 'yon?" tanong nito.

"Ngayon lang naman po uli siya uminom at dumalo sa isang party," sagot niya. "Nagpapahinga na po siya sa kanyang kuwarto."

Tumango-tango si Sir Raymart. "Hanggang ngayon ba ay nagta-trabaho pa rin siya sa fashion company na iyon?"

"Opo."

"Hindi mo ba siya mapipigilan sa pagpasok doon?" tanong uli nito.

Iniyuko ni Riley ang ulo. "Hindi ko po magagawang pakialaman ang desisyon ng anak n'yo, Sir."

Napailing si Sir Raymart. "Kung sabagay, hindi naman talaga marunong sumunod ang batang 'yon," tinapik nito ang kanyang balikat. "Sige, magpahinga ka na rin."

Nagpasalamat siya dito. Naghintay muna si Riley ng ilang minuto bago pumasok na rin sa loob ng bahay. Maingat ang mga hakbang niya hanggang sa makapasok sa kuwarto ni Raine.

Subalit ganoon na lang ang kanyang pagkagulat ng salubungin siya ng babae na nakabalot na lamang sa isang kumot. Sigurado siya na nahubad na nito ang lahat ng saplot sa katawan.

"Ang tagal mo naman," reklamo pa ni Raine bago hinayaang bumagsak sa sahig ang kumot na nagsisilbing taklob sa katawan. "Naiinitan ako kanina pa."

Muli ay pinagsawa na naman ni Riley ang mga mata sa napakagandang hubog ng katawan ng babae. Mabilis niyang inabot ang seradura ng pinto para i-lock iyon. Lumapit sa kanya si Raine at kinuha ang hawak na purse para basta na lang itapon sa sahig.

"I've missed you all day," she moaned while unfastening the buttons of his long-sleeved polo.

Pinagmasdan niya lang ang namumungay na mga mata ng babae hanggang sa mahubad nito ang suot niyang polo. Agad na bumaba ang mga kamay ni Raine sa sinturon ng kanyang pantalon para kalasin iyon.

Pinatigil niya ang babae sa ginagawa para buhatin at ilapag sa ibabaw ng kama. Hindi niya na magawang pigilan ang sarili. He wanted to take her now. He was already hard as a rock.

Ibinaba ni Riley ang mukha para sakupin ang naghihintay na mga labi ng nobya. Naghinang lamang ang kanilang mga labi sa loob ng mahabang sandali. Then his lips went down to her neck. He gently nibbled her soft flesh before moving down to her wonderful breasts.

Napatigil siya sa paghalik sa mga dibdib ni Raine nang maramdaman ang banayad nitong paghinga. Nang i-angat niya ang tingin sa babae ay napag-alamang tuluyan na itong nakatulog dahil sa kalasingan.

Pinigilan ni Riley ang sarili na suntukin ang kama dahil sa pagbalot ng matinding inis sa buong pagkatao. "Damn it," he hissed. "Damn." Paanong nagawa siyang tulugan ng babaeng ito pagkatapos pag-initin ang buo niyang katawan?

Pabagsak siyang nahiga sa tabi nito. Kahit gustong-gusto niya nang angkinin ang babae ay hindi naman maaaring gawin iyon ng natutulog ito. Mukhang kailangan niya na lamang kontrolin ang sarili.

Maingat na bumaba si Riley sa kama para lumipat sa sahig. He needed to do some push-ups in order to ease his burning desire. Ito na lang ang tanging magagawa. Damn you, Raine. Pagbabayaran mo ang pagpapahirap mong ito sa akin.

[Completed] Sweet Coffee Princesses 2: Raine, The Bodyguard's Bratty PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon