NAGTAKA si Raine pagkalabas niya ng kuwarto nang gabing iyon at hindi nakita si Riley. Pasado alas-otso pa lamang ng gabi, imposibleng natutulog na agad ito. Hindi ba at inaalam muna ng lalaki kung tulog na siya bago ito magpahinga?
Bumaba siya ng hagdan at natigilan pa nang makarinig ng pagsisigawan sa parte ng bahay kung saan naroroon ang library. Kumunot ang noo ni Raine at maingat na naglakad patungo doon. The library's door was ajar, kaya pakinig pa rin ang usapang nagaganap. Naririnig niya ang tinig ng mga magulang na tila nagtatalo. Hindi niya naman magawang maintindihan ang pinag-uusapan ng mga ito.
Napailing na lang si Raine at nagpasyang lumayo na sa lugar na iyon. Siguradong mapapagalitan siya kapag nahuling nakikinig sa usapan ng mga ito. Kung anuman ang pinagtatalunan ng mga magulang ay malamang na patungkol na naman sa negosyo.
Lumakad siya patungo sa pinto ng pool area. Nakasalubong niya naman si Manang Mylene na nagulat pa pagkakita sa kanya.
"Raine, hija, hindi ka pa pala natutulog?" tanong ng yaya.
"Hindi pa ako inaantok," sagot ni Raine. "Saan ka galing, 'Ya? Nakita mo ba si Riley?"
"Chine-check ko lang ang mga lock," ani Manang Mylene. "Ang alam ko ay nagpapahinga na ang bodyguard mong 'yon. Sinabi niya sakin kanina na medyo masama raw ang pakiramdam niya."
Nagulat si Raine sa sinabi ng yaya. "Ganoon po ba?" tumango-tango siya. Bakit hindi man lang sinabi sa kanya ng lalaki ang patungkol doon? "Sige, magpahinga na po kayo. Ako na ang magla-lock sa pintong 'to."
"Oh, siya, sige," pagpayag ng yaya. "Magpahinga ka na rin."
Nang mawala na sa paningin si Manang Mylene ay mabilis nang lumakad si Raine patungo sa bungalow house na kinaroroonan ni Riley. Maingat siyang pumasok sa loob.
Pagkatapat sa pinto ng kuwarto ng bodyguard ay marahan siyang kumatok. Hinihiling niya na sana ay hindi mahuli ng iba pang guards na naroroon. Ilang minuto ang lumipas bago niya nakita ang pagbubukas ng pinto.
Nagulat si Riley pagkakita sa kanya. "Anong ginagawa mo dito?" pabulong na tanong ng lalaki.
Hindi ito sinagot ni Raine at tuluyan nang pumasok sa loob.
Isinara ni Riley ang pinto, nasa mukha ang pagkainis nang muling humarap sa kanya. "Raine, bakit ba basta-basta ka na lamang—"
Napatigil ang lalaki nang salatin niya ang noo nito. "Hindi ka naman mainit," wika niya. "Sabi ni Manang Mylene masama raw ang pakiramdam mo."
Lumayo sa kanya si Riley para maupo sa kamang naroroon. "Maayos na ako, kailangan ko lang magpahinga," tumingin ito sa kanya. "Kaya magpahinga ka na rin sa kuwarto mo," iyon lang at nahiga na ito.
Lumabi si Raine subalit hindi sinunod ang lalaki. Naglakad siya palapit sa kama nito at sumampa doon. "I want to sleep here," sabi niya pa.
Hindi makapaniwalang napatingin sa kanya si Riley. "Hindi puwede," mabilis na tugon nito. "Bumalik ka na sa kuwarto mo ngayon. Hindi ko na gustong matulog na katabi ka."
Nakaramdam ng hindi maipaliwanag na lungkot at sakit si Raine sa sinabing iyon ng lalaki. "Bakit ang sama uli ng ugali mo ngayon?" naiiyak na tanong niya. Hindi niya na napigilan ang pangingilid ng sariling mga luha.
Iniiwas lang ni Riley ang tingin sa kanya subalit hindi tumugon.
Mariing ikinuyom ni Raine ang mga kamay. "I hate you," she hissed. Akmang bababa na siya ng kama para umalis ng lugar na iyon nang maramdaman ang pagpigil ni Riley sa braso niya.
"Huwag ka na ngang umakto na parang bata, Raine," wika ng lalaki sa mahinang tinig.
Pilit niyang binabawi sa lalaki ang brasong hawak. "Huwag mo akong sabihan kung paano ako aakto!" sigaw niya.
"Huwag kang sumigaw," saway nito.
Hindi pinakinggan ni Raine ang lalaki. She was so mad. Pinagpapalo niya sa dibdib si Riley habang paulit-ulit na sinasabi kung gaano ito kasama. They kept on fighting on the bed hanggang sa mapansin niya ang kanilang posisyon.
She was now sitting astride him, nakahiga na ang lalaki sa kama. Hinuli ni Riley ang dalawa niyang kamay at marahas siyang hinila palapit dito. Bumagsak si Raine sa katawan ng lalaki. Her body pressed so hard against him, her face leveled to his, their position so intimate she could hardly breathe.
Nanatili lamang silang nakatitig sa mga mata ng isa't isa. They kept on breathing each other's breath, hearing each other's heartbeat.
Nanlaki ang mga mata ni Raine nang maramdaman ang matigas na bagay sa kinauupuan. Subalit bago pa niya magawang makapag-isip ay mabilis nang nabago ni Riley ang posisyon nila. She was now lying down beside him.
Nagpatuloy lamang ang malakas na kabog ng puso ni Raine sa loob ng dibdib. Maya-maya ay naramdaman niya na ang mahigpit na pagyakap sa kanya ng lalaki. Ito na mismo ang nagsubsob ng kanyang mukha sa leeg nito.
"Go to sleep now, Raine," sambit ni Riley. "Bago pa magbago ang isip ko at sapilitan kang buhatin pabalik sa kuwarto mo."
Hindi napigilan ni Raine ang mapangiti. Awtomatikong yumakap ang kamay niya sa katawan ng lalaki at higit pang ninamnam ang init na ipinagkakaloob nito. She knew she had gone totally crazy. She had gone completely addicted to this man. And there was no turning back.
![](https://img.wattpad.com/cover/208230085-288-k924270.jpg)
BINABASA MO ANG
[Completed] Sweet Coffee Princesses 2: Raine, The Bodyguard's Bratty Princess
RomansaRaine was considered a total brat for everyone. She loved partying and having fun. Ilang beses na rin siyang papalit-palit ng boyfriends. But despite that, she was a loving and caring friend. She could also be a loving and obedient daughter if only...