Chapter 14.2

2.7K 69 1
                                    

HUMUGOT ng malalim na hininga si Riley nang mapatapat sa pinto ng kuwarto ni Raine. Hawak-hawak niya ang cell phone ng dalaga na ipinaaabot sa kanya ni Manang Mylene matapos niyang kumain ng cookies na gawa ni Raine. Naiwan daw iyon ng babae sa kusina.

Kanina pa hindi bumababa si Raine kaya naisipan niya nang akyatin ito. Baka abala na naman ito sa paggawa ng mga mural. Hindi na siya nag-abalang kumatok at agad na binuksan ang pinto ng kuwarto.

Riley was startled to see Raine dripping wet, totally naked. Malakas na napasigaw ang babae sa hindi inaasahang pagkakita sa kanya. Mabilis nitong itinaklob sa katawan ang hawak na tuwalya samantalang siya ay mabilis na tumalikod.

Ramdam na ramdam niya ang tumatagaktak na pawis sa buong mukha ng mga oras na iyon. Damn it, bakit ba hindi siya kumatok? Hindi niya alam na madadatnan sa ganoong ayos ang babae. Ano na lang ang sasabihin niya dito?

"W-What are you doing here?!" histerikal na tanong ni Raine. Sigurado siya na pulang-pula na ang mukha ng babae. Pakiramdam din ni Riley ay biglang nag-init ang sariling mukha.

"I-I'm sorry," iyon lang ang salitang lumabas sa mga labi niya bago nagmamadaling lumabas ng kuwarto.

Para siyang isang magnanakaw na dali-daling bumaba ng hagdan para magtungo sa labas at lumanghap ng sariwang hangin. Nang makarating sa labas ay kinalas pa niya ang ilang butones ng suot na polo para makahinga ng ayos.

Ipinikit ni Riley ang mga mata at ilang ulit na bumuntong-hininga. Damn, nakikita niya pa rin sa isipan ang basang katawan ni Raine. Nasulyapan niya lamang ang magandang hubog ng katawan nito subalit pakiramdam niya ay sinisilaban na siya.

He gritted his teeth. Ano na naman ba itong nagawa niya? Mukhang mas higit siyang mahihirapan sa pagtulog ngayon. Iyon pa nga lamang na malasahan ang mga labi ng babae ay sapat na para guluhin ang kanyang isipan, paano pa kaya itong nakita niya ngayon?

Ginawa ni Riley ang lahat para pigilan ang sarili, but, hell, his body was reacting so much. Hindi. Hindi niya dapat nararamdaman ito para sa babaeng pinagsisilbihan. Mali ito. He was working for Raine. Kailangan niyang maging propesyonal pagdating sa trabaho, hindi siya maaaring pumalpak.

Nang magawang kumbinsihin ang sarili na mali ang lahat ng iyon ay nagdesisyon na siyang tumungo muna sa bungalow house na tinutuluyan. He needed a cold shower to calm his burning desire. He needed to think straight. Ipapaabot niya na lamang kay Manang Mylene mamaya ang hawak na cell phone ni Raine. Magdadahilan na lamang siya kung bakit hindi iyon naibigay kanina.

[Completed] Sweet Coffee Princesses 2: Raine, The Bodyguard's Bratty PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon