Chapter 1.2

4.3K 93 2
                                    


NAGHIHIKAB pang pumasok si Raine sa loob ng banyo ng kuwarto niya nang umagang iyon. Alas-sais pa lang pero minabuti niya nang mag-ayos na ng sarili.

She stepped into the shower area that was made of bronze tiles, making everyone feel like a royalty. The whole bathroom was eased by the fresh simplicity of modern white sanitary ware.

Ginugol niya ang kalahating oras sa loob ng banyong iyon. Pagkalabas ay agad siyang nagtungo sa isa pang pinto doon kung saan naroroon ang lahat ng damit niya at mga gamit sa pag-aayos. That was her wardrobe room – an extension of her bedroom. Sa dami ng mga dresses, make-ups, sandals and shoes na naroroon ay aakalaing isa iyong store sa mall.

Raine loved shopping. Isa rin iyon sa mga nakakapagtanggal ng stress niya. She loved spending money dahil iyon lang naman ang tanging nakukuha niya bilang anak nina Raymart at Lucy Garcia. She picked a light pink dress and black sandals for her attire. Plano niyang makipagkita sa current boyfriend niyang si Jerry para makipaghiwalay na dito.

Wala pa yatang dalawang linggo niyang karelasyon ang lalaki pero nagsawa na agad siya sa company nito. He was just a big pervert. Walang ibang lumalabas sa bibig nito kundi ang kahusayan daw nito sa kama. Akala siguro ng lalaki ay makikipag-sex na agad siya dito dahil lamang sa pumayag siyang makipag-relasyon.

Raine was considered a player, yes. Pero ni minsan ay hindi siya nagpadala sa ibabaw ng kama. Gusto niya lang humanap ng kasiyahan sa company ng mga karelasyon subalit palagi na lang siyang nabibigo. All of her past boyfriends never understand what she wanted. Isa lang ang nais ng mga ito – ang madala siya sa kama. Nais niya lang naman ng taong makakaintindi sa kanya at masasandalan subalit mukhang imposible nang makahanap ng ganoon.

Lumabas si Raine ng wardrobe room at naupo sa kama para doon ituloy ang pagsusuot ng sandals. Napatigil siya nang marinig ang pagkatok sa pinto.

Itinuloy niya muna ang pag-aayos ng sarili bago tumungo sa pinto. Sumalubong sa kanya ang nakangiting mukha ni Manang Mylene. Pinasadahan nito ng tingin ang kabuuan niya. "Mukhang balak mo na namang umalis, hija," napailing pa ito.

She straightened her dress. "Yeah, may aasikasuhin lang ako," tugon niya.

Tumango-tango si Manang Mylene. "Mag-umagahan ka muna. Handa na ang mesa, naroon na rin ang mga magulang mo. Batiin mo naman sila."

Iniiwas ni Raine ang tingin sa yaya. "Hindi na kailangan," malamig na wika niya. "Ayokong—"

"Raine," putol ni Manang Mylene at hinaplos ang braso niya. "Kahit magkape ka lang. Siguradong wala pang laman ang sikmura mo kagabi pa. Sige na," may pagmamakaawa na sa tono nito.

As if on cue, Raine felt her stomach growled. Tama, wala pa talaga siyang kinakain simula kagabi. Tanging alak at finger foods lamang mula sa bar na pinuntahan kagabi. Wala na siyang nagawa nang igiya siya ni Manang Mylene patungo sa hagdan.

Pagkababa nila at pagkarating sa dining area ay agad niyang nakita ang mga magulang na nasa harap na ng hapag-kainan. Sumulyap sa kanya ang Mama Lucy na abala na sa pagkain. Ang Papa Raymart niya naman ay abala sa pagbabasa ng newspaper habang umiinom ng kape.

Hindi na nag-abala si Raine na batiin ang mga magulang dahil halatang wala namang pakialam ang mga ito sa kanya. Umupo na siya sa isa sa mga dining chairs na naroon at hinayaang pagsilbihan ng isa pa sa mga katulong ng pagkain.

Tahimik lang siyang kumain ng agahan. The dining area was fully furnished with light wood tones to keep the atmosphere light. May malaking pendant lights chandelier na nakasabit sa kisame niyon. Malaki rin ang hapag-kainan na kakasya ang isang dosenang tao.

[Completed] Sweet Coffee Princesses 2: Raine, The Bodyguard's Bratty PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon