Chapter 3.1

3.1K 82 1
                                    

MALUNGKOT na napabuntong-hininga si Raine habang nilalaro ang mga petals ng roses na nakalutang sa tubig ng glossy pebble shaped bathtub na kinaroroonan sa loob ng bathroom ng kuwarto niya. Halos isang oras na siyang nakababad lamang doon.

Tanghali na siyang nagising ng araw na iyon at nais lamang na manatili sa loob ng kuwarto. Wala siya sa mood na lumabas matapos ang nangyari nang nagdaang gabi sa isang bar na pinuntahan.

Hindi pa rin magawang paniwalaan ni Raine na pinagbintangan siyang kabit ng babaeng umatake sa kanya. Oo, marami siyang naging past boyfriends subalit may hangganan ang pakikipag-relasyon niya. Ni minsan ay hindi siya nag-two-timing o 'di kaya ay nang-agaw ng karelasyon ng iba. Sinisiguro niya muna kung wala siyang masisirang relasyon. At kapag nalaman niyang may karelasyon ang mga naging nobyo na itinago sa kanya ay agad niya nang hinihiwalayan.

Ipinikit ni Raine ang mga mata at ilang minuto pang kinalma ang sarili bago nag-desisyong mag-shower na at lumabas ng banyo. Pagkalabas ay nagsuot na lamang siya ng pambahay.

Siguro ay aabalahin niya na lang muna ang sarili sa pagpipinta ng mural sa isang parte ng dingding. Makakabawas din iyon ng stress na kanyang nararamdaman.

Mahigit kalahating oras na siguro siyang abala sa pagpipinta nang biglang bumukas ang pinto ng kanyang kuwarto. Ganoon na lamang ang pagkagulat ni Raine nang makita ang pagpasok ng mga magulang. Ang buong akala niya ay nasa trabaho ang mga ito.

Nagtaka pa siya nang makita ang tila pagpipigil ng Mama Lucy sa kanyang Papa Raymart.

"What the hell is this?!" galit na galit na sigaw ni Papa Raymart at itinapon sa harapan niya ang hawak na tabloid.

Ibinaba ni Raine ang hawak na palette at brush sa maliit na mesang naroroon bago inabot ang tabloid na nasa sahig. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang isa sa mga headline na naroroon.

Actor Fred Sullivan and wife, Sunnie Lawrence-Sullivan, caught in a mess with the daughter of the owners of Garcia Organization in a bar in Quezon City.

Nakalagay doon na siya raw ay kabit ng actor na si Fred at sinugod ng asawa nito. May larawan pa doon na kuha ng ginawa niyang pagtulak sa Sunnie na iyon at pagsampal kay Fred. Hindi magawang paniwalaan ni Raine na kilalang mga tao ang mga ito. Hindi niya rin inaasahan na pagpipiyestahan kaagad ng media ang pangyayaring iyon.

Tila nanlambot ang kanyang mga tuhod at nanghihinang napaupo sa ibabaw ng kama. Hindi niya rin magawang ibalik ang tingin sa ama. Alam niyang pulang-pula na ang kanyang mukha dahil sa pagkapahiya.

"How dare you do this to us?!" bulyaw pa ni Papa Raymart. "Pinalampas ko ang lahat ng mga ginawa mo noon pero hindi ko akalain na magpapakababa ka sa isang kabit!"

Marahas na ini-iling ni Raine ang ulo. "N-No..." sinubukan niyang tingnan ang ama. "H-Hindi niya ako kabit, Papa. This article is not true!" ibinato niya pa ang hawak na diyaryo sa sahig.

"Not true?" sarkastiko pang ulit ng ama. "Naririyan ang pagmumukha mo pero hindi pa rin totoo? Huwag mo akong gawing tanga, Raine! Napakalaking kahihiyan nitong ginawa mo!"

"No!" nagsipatakan na ang mga luha sa kanyang mukha. She felt so hurt, so incapable. Pero kailangan niyang idepensa ang sarili. Hindi siya papayag na maparatangan ng bagay na hindi naman totoo.

Tumayo si Raine at pinilit na magpakatatag sa harapan ng mga magulang. "Maniwala kayo sa akin, hindi ako kabit ng kung sinomang aktor na iyan. Sila..." she sobbed. "Sila ang lumapit sa akin kagabi. Sila ang nagsimula ng gulong ito. Wala akong alam! Wala akong kasalanan!"

Nag-igting ang mga bagang ni Papa Raymart. "Kung hindi ka man kabit ng lalaking iyan, may ginawa ka pa rin para sugurin ng asawa niya," mariing wika nito. "Kung nakinig ka sa akin na tigilan mo na ang kapupunta sa mga lugar na 'yan, hindi mangyayari ang gulong ito. This is your fault, too!"

Hindi makapaniwalang napailing si Raine. Paanong nagagawa ng amang isisi lang sa kanya ang lahat? Marahas niyang pinahid ang mga luha sa pisngi. "Right, pointing out what's wrong with me is easier for you," sumulyap siya sa ina na nakayuko lamang. "F-For both of you."

Pagod na siyang magpaliwanag ng magpaliwanag sa mga ito. Bahala na ang mga itong isipin ang mga nais isipin. Wala rin namang magbabago.

"Fine," pagsuko ni Raine. "I'm wrong. Pasensiya na kayo kung namantsahan ng issue na 'yan ang inaalagaan n'yong pangalan," she added in a slurred voice.

Nakita niya ang pagtaas ng isang kamay ng ama para sampalin siya. Ipinikit ni Raine ang mga mata at hinintay na dumapo ang kamay nito sa pisngi niya subalit hindi iyon nangyari.

Nang imulat niya ang mga mata ay nakababa na ang kamay nito subalit nanginginig pa rin sa galit ang katawan. "Hindi mo na nga nagagawang makatulong sa amin, nagdadagdag ka pa ng problema," puno ng kalamigang wika ng ama. "You're grounded from leaving this house, Raine. I'll freeze all of your accounts as well. Gusto kong sundin mo na ako simula ngayon," ma-awtoridad na utos nito.

Hindi magawang paniwalaan ni Raine ang lahat ng sinabi ng ama. Hanggang sa makalabas ang mga ito sa kuwarto ay nakanganga pa rin siya doon na hindi alam kung ano ang gagawin.

Pabagsak siyang napaupo sa sahig at malakas na napahagulhol. They never believed her. They never cared for her. At ngayon ay aalisan na rin siya ng mga ito ng mga bagay na tanging nagagawa niya sa buhay? Ng kanyang kalayaan? How could they do this to her? How could they be so cruel?

[Completed] Sweet Coffee Princesses 2: Raine, The Bodyguard's Bratty PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon