Chapter 9.1

2.8K 75 1
                                    

"MABUTI na lang at pinayagan na tayo nina Papa at Mama na umuwi..."

"Gusto ko umuwi na din. Maglalaro tayo, Kuya, please?"

"Gabing-gabi na at—"

Blood... Crashing metals... more blood... Ang katawan ni Kuya Steve na wala nang buhay...

"K-Kuya," nanghihinang wika ni Raine. Hindi niya magawang igalaw ang katawan dahil sa sakit na nararamdaman. "K-Kuya," paggising niya sa kapatid.

"Kuya... K-Kuya... N-No... n-no..."

"Ms. Garcia," singit ng isang tinig sa panaginip na iyon.

Iminulat ni Raine ang mga mata at nasalubong ang nag-aalalang mukha ng bodyguard na si Riley. Mabilis siyang umupo at napahikbi dahil sa pagka-alala sa panaginip na iyon.

"A-Ayos ka lang ba?" narinig pa niyang tanong ni Riley, puno na ng pag-aalala ang boses. "You're having a nightmare kaya ginising na kita."

"My pillow," hikbi ni Raine, tinutukoy ang unan na palaging kayakap para mawala ang mga nightmares na iyon. "I don't have my pillow."

Ibinaling niya ang tingin sa lalaki nang maramdaman ang marahang paghagod nito sa kanyang likod. Hindi niya na napigilan ang sarili at lumapit dito para yumakap ng mahigpit. She needed comfort. Gusto niyang maramdaman na may kasama siya ngayon.

Naramdaman ni Raine ang pagkagulat ni Riley subalit hindi naman nagtagal ay naramdaman niya na ang pagganti nito ng yakap. His one hand kept on patting her back. "T-Takot na takot na ako," hikbi niya. "Ayoko nang mapanaginipan 'yon. Ayoko nang maalala 'yon."

"Ssshhh..." pagpapatahan ni Riley. "Huwag ka ng umiyak. Kasama mo ako, huwag ka nang matakot," pagpapatahan nito.

Isang mahabang sandaling katahimikan ang namagitan sa kanila bago naramdaman ni Raine ang muling paghiga ng lalaki, kasabay siya. Isiniksik niya pang lalo ang sarili sa katawan nito para namnamin ang init na nagmumula doon.

Tumingala si Raine sa lalaki at nakitang nakayuko rin ito sa kanya. Puno pa rin ng pag-aalala ang itim na mga mata nito. Subalit unti-unti namang nawawala ang takot na nararamdaman niya dahil sa pagtitig sa mga matang iyon.

Isinubsob niya ang mukha sa leeg ni Riley para hindi nito mapansin ang kapayapaang nadarama niya sa pagkakapaloob sa matitipunong mga bisig ng lalaki. She had never been this close to a man before that she could even hear his beating heart.

Ipinikit ni Raine ang mga mata nang maramdaman ang isang kamay ng lalaki na marahang humahaplos sa buhok niya, trying to make her fall asleep again. Humugot siya ng malalim na hininga para kalmahin ang muli na namang bumibilis na pagtibok ng puso. Bakit ba ganito na lang siya kabilis mag-react sa lahat ng ginagawa ng lalaking ito ngayon? Nasaan na ang galit at pagkainis niya dito?

"Hindi ko nadala ang paborito kong unan," pagbasag ni Raine sa katahimikan. "Hindi ko naman inaasahan na hindi kaagad tayo makakauwi sa bahay."

Bumuntong-hininga si Riley. "Aalalahanin na natin iyon ngayon," bulong nito.

"Ibinigay sa akin ni Kuya Steve ang unan na iyon," patuloy na pagku-kuwento niya. Hindi alam ni Raine kung bakit nais niyang sabihin sa lalaking ito ang dinadalang kalungkutan ng puso. "Sinabi niya noon na nakakapagpaalis daw ng masasamang panaginip ang unan na iyon," tumingala siya kay Riley at bahagyang ngumiti. "Alam kong hindi naman iyon totoo pero nakakatulong naman talaga ang unan na iyon tuwing niyayakap ko. Siguro dahil naniwala ako sa kapatid ko. Palagi ko naman siyang pinaniniwalaan noon."

Kumunot ang noo ni Riley. "Hindi ko alam na may kapatid ka," mahinahong wika nito. "Nasaan na siya?"

Namukal ang mga luha sa mga mata ni Raine sa pagka-alala sa nangyari sa nakatatandang kapatid na si Kuya Steve. "W-Wala na siya," garalgal na sagot niya. "N-Namatay siya sa isang car accident noong bata pa ako." Ikinuwento niya sa lalaki ang naganap na trahedya noon na patuloy na bumabangungot sa kanya, kung ano ang naging epekto niyon sa kanya at maging ang kalungkutang patuloy na nadarama tuwing naaalala ang pagkawala ng pinakamamahal na kapatid.

Humikbi si Raine at nakita ang pagtaas ng isang kamay ni Riley para pahirin ang luhang naglandas sa kanyang pisngi. She looked at his eyes and saw sadness in there as well. Tila ba ipinapaabot nito na naiintindihan ang kanyang nararamdaman.

Hinigpitan niya ang pagkakayakap sa katawan ng lalaki. She liked the way his hard body was pressed on hers. It was comforting her. "I-Iyon ang dahilan kaya hindi ko gustong umupo sa passenger's seat ng isang sasakyan," pagpapatuloy ni Raine. "Naaalala ko doon ang ginawang pagsangga sa akin ni Kuya Steve para protektahan ako," ini-iling niya ang ulo. "H-Hindi ko pa rin maunawaan kung bakit. Bakit niya ginawa iyon? Bakit niya ibinigay ang kanyang buhay para sa akin?" napahagulhol na siya ng tuluyan sa harapan ng lalaki.

"Dahil kapatid ka niya," sagot ni Riley. "Mahal ka ng kapatid mo kaya ginawa niya 'yon. Kung ako ang nasa kalagayan niya ay ganoon din ang gagawin ko para sa aking nakababatang kapatid."

Muling tinangala ni Raine ang lalaki. "Mahal na mahal ko rin si Kuya Steve," malungkot na wika niya. "S-Siya lang ang tanging umiintindi sa akin noon. Siya lang ang pumapansin sa akin, ang gumagabay sa akin. Dapat ay hindi na lang ako sumama sa kanya noon para hindi na rin siya—"

"Ssshhh," inabot ni Riley ang ulo niya para muli iyong isubsob sa leeg nito. "Nasa mabuting kalagayan na ang kapatid mo. Hindi mo rin dapat sinisisi ang sarili mo dahil sa nangyari. Iyon siguro ang dahilan kaya patuloy ka pa ring binabangungot ng nakaraang iyon. At sigurado rin ako na hindi nagugustuhan ng Kuya Steve mo na ganito ang nangyayari sa'yo dahil sa bagay na iyon. Alam ko na nais ka niyang maging masaya."

Ipinikit na lang muli ni Raine ang mga mata. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na binanggit niya sa ibang tao ang patungkol sa namayapang kapatid. Kahit sa mga matalik na kaibigan na sina Megan at April ay hindi niya binuksan ang usapang ito. At dahil doon ay si Riley lang din ang nag-iisang tao na dumamay sa kanya sa kalungkutang ito. Hindi man gusto ni Raine na masanay sa ganitong kakaibang damdamin na pinukaw ng lalaki, hindi niya naman alam kung paano pipigilan ang sarili.

[Completed] Sweet Coffee Princesses 2: Raine, The Bodyguard's Bratty PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon