Chapter 30.1

3K 58 0
                                    

HINDI naman nagtagal ay agad ding bumalik ang kamalayan ni Raine. Napasinghap siya para lumanghap ng hangin. Ibinaba niya ang tingin sa katawan ni Riley na nakadagan sa kanya. Malakas siyang napaiyak nang makitang hindi gumagalaw ang nobyo.

"R-Riley, Riley," itinaas ni Raine ang isang kamay para marahang yugyugin ang katawan ng lalaki. "No... n-no... please, wake up!" She was already hysterical.

Sobrang tindi na ng takot na bumabalot sa kanya. Hindi! Hindi puwedeng mangyari na naman ito. Images of her dead brother's body covering her flashed in her mind. Nanginginig na si Raine habang patuloy lamang sa pag-agos ang mga luha sa kanyang pisngi.

"Riley," she sobbed, hinang-hina na siya at umiikot na ang kanyang paningin. "W-Wake up," pagmamakaawa ni Raine. "H-Huwag mo akong iwan... R-Riley..."

Napatigil siya sa pag-iyak nang marinig ang pag-ubo ng nobyo. Biglaan ang pagtalon ng puso ni Raine nang makitang ini-angat nito ang mukha para tingnan siya.

"R-Raine," Riley's voice was weak. "A-Ayos ka lang ba?"

Muli na namang nag-unahan sa pagpatak ang mga luha ni Raine habang nakatitig sa lalaki. He was alive. Hindi siya nito iniwan. Sunod-sunod ang ginawa niyang pagtango bilang sagot sa tanong nito.

Sinubukan ni Riley na gumalaw subalit agad ding napangiwi. "Ang binti ko," nahihirapang usal nito.

Napuno ng pag-aalala ang puso ni Raine sa kaisipang nasaktan ang lalaki. Sa nangangatal na mga kamay ay tinilungan niya itong makagalaw pero napahikbi nang marinig ang pagsigaw nito sa sakit.

Tumingin siya sa kapaligiran at sa windshield na nakabukas. Umuusok pa rin ang unahan ng kanilang kotse. "Tulong! Tulungan n'yo kami!" histerikal na sigaw ni Raine. "Parang awa n'yo na, tulungan n'yo kami!"

Ganoon na lamang ang pasasalamat ni Raine nang makita ang pagtigil ng ilang sasakyan doon. Hindi pa rin natitigil ang kanyang pag-iyak hanggang sa makalapit ang ilang mga lalaki upang matulungan sila sa paglabas.

Labis-labis ang pagdarasal ni Raine habang maingat na inilalabas ng mga lalaki si Riley na may fracture sa binti. Isinunod ng mga ito siya na may ilan lamang galos dahil sa mga nabasag na bubog ng sasakyan.

Dahil sa tulong din ng mga magagandang loob na mga taong naroroon ay agad din silang nadala sa pinakamalapit na ospital. Kahit na ganoon ang nangyari ay lubos-lubos pa rin ang pasasalamat ni Raine sapagkat buhay silang dalawa ni Riley. Nagpapasalamat siya sa Diyos dahil hindi Nito hinayaang mawala ang kasiyahan na matagal nang inaasam.

[Completed] Sweet Coffee Princesses 2: Raine, The Bodyguard's Bratty PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon