Chapter 29.3

2.9K 65 0
                                    

"SIGURADO ka bang ayos ka lang?" narinig ni Raine na tanong muli ni Riley nang makapasok sila sa hotel na pansamantalang tutuluyan ng lalaki ngayong gabi. Kararating lang nila sa Manila at nag-check-in dito para magpahinga. Bukas na lang daw pupuntahan ng nobyo ang apartment na tutuluyan. At dahil nais pang makasama ang lalaki kaya nagdesisyon na rin siyang matulog dito.

Nilingon niya ang lalaki. "Oo nga sabi," natatawang sagot ni Raine. Kanina habang nasa biyahe ay ikinuwento niya sa nobyo ang lahat ng nalaman patungkol sa tunay na pagkatao, maging ang pagkakilala sa tunay na ama kahapon. "Ang mahalaga sa akin ay unti-unti na namang umaayos ang relasyon ko sa mga magulang ko at nakabalik na ako sa piling mo," iniyakap niya pa ang mga braso sa baywang nito.

Pinakatitigan siya ni Riley, tila ba inaalam kung totoong ayos lang siya. Maya-maya ay ngumiti na naman ito at ikinulong ang kanyang mukha sa magkabilang palad. "Good," kinintalan nito ng mabilis na halik ang kanyang mga labi.

Buong magdamag ay napakarami niyang ikinuwento sa lalaki. Masayang-masaya si Raine dahil muli itong nakasama. Hinihiling niya na sana ay manatili habang-buhay ang kasiyahang iyon.

Kinaumagahan, nagising si Raine na wala na sa tabi si Riley. Nag-iinat pa siyang bumangon at napangiwi dahil sa pananakit ng katawan. Hindi niya na maalala kung ilang beses siyang inangkin ng nobyo kagabi.

Napatingin siya sa pinto ng banyo ng hotel room na kinaroroonan nang marinig ang lagaslas ng tubig mula doon. Akmang aabutin niya ang kumot para itapis sa katawan nang matigilan pagkakita sa isang bagay na nasa kaliwang kamay.

Napasinghap si Raine nang makita ang isang white gold ring na may diamond sa ibabaw sa kaliwang palasingsingan. Nangilid ang mga luha sa kanyang mga mata nang maisip na si Riley ang nagsuot niyon habang natutulog siya.

Napapitlag siya nang marinig ang pagbukas ng pinto ng banyo. Nang lumingon siya doon ay agad na nakita ang nobyo na may nakapulupot ng tuwalya sa ibabang parte ng katawan. Mukhang nagulat din si Riley pagkakitang gising na siya.

"G-Gising ka na pala," anito bago lumakad palapit. "Gusto mo na bang um-order ako ng almusal sa 'baba?"

Tiningnan ni Raine ng masama ang lalaki at itinaas ang kaliwang kamay. "Gusto kong malaman kung bakit mayroon ako nito," sa halip ay tugon niya.

Iniiwas ni Riley ang tingin sa kanya, tila biglang nabalisa. "B-Binili ko 'yan para sa'yo," nauutal na wika nito.

Hindi niya napigilan ang mapangiti. He looked so cute being shy like that. "At bakit naman?" patuloy na pagtatanong niya.

Marahas na napabuntong-hininga si Riley bago naupo sa gilid ng kama. "Kailangan mo pa bang itanong 'yan, Raine?" tanong nito. "Hindi pa ba halata?"

Lumawak ang pagkakangiti ni Raine at lumapit sa lalaki para maupo sa kandungan nito. "Gusto ko pa ring marinig," aniya. Sobrang bilis na ng tibok ng kanyang puso sa pag-asam ng mga salitang matagal nang nais marinig mula sa mga labi ng nobyo.

Riley stared deep into her eyes, there was nothing but pure seriousness and love there. "Matagal ko nang nabili ang singsing na 'yan," panimula nito. "Plano ko sanang ibigay sa'yo noon sa Australia pero naunahan ako ng takot," tumawa pa ito. "Naisip ko na mas mabuti kung iayos muna natin ang sitwasyon bago ako mag-propose. Ngayong naririto ka na, wala nang dahilan para matakot pa ako. Marry me, my brat princess."

Tears welled in Raine's eyes because of too much joy, happiness and love. Sunod-sunod ang naging pagtango niya. "Yes, Riley," buong pusong sagot. "Of course, I will marry you." Matagal niya nang hiniling na dalhin ng nobyo ang relasyon nila hanggang pang-habang-buhay, hindi niya palalampasin ang katuparan ng pangarap na iyon.

Kitang-kita ni Raine ang matinding kasiyahan na bumahid sa mukha ni Riley. Niyakap siya nito ng buong higpit at hinalikan ang kanyang buhok. "I love you so much, Raine," he murmured.

She buried her face into his neck. He smelled of soap and after-shave – a scent that would forever be etched in her memory. "I love you too, Riley. So much."

[Completed] Sweet Coffee Princesses 2: Raine, The Bodyguard's Bratty PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon