MAHIGIT tatlong linggo na ang dumaan, pakiramdam ni Raine ay patuloy lang na nadadagdagan ang sakit na bumabalot sa kanyang buong pagkatao. Sa loob ng mga linggong iyon ay wala siyang ginawa kundi ang magkulong sa sariling kuwarto. Hindi niya rin gaanong nakakain ang mga pagkain na dinadala ng mga katulong. Hindi rin niya nagagawang makatulog ng ayos dahil sa sakit at mga panaginip kung saan hinahanap-hanap rin ang presensiya ni Riley.
Hirap na hirap na siya. Gusto niya nang umalis sa lugar na ito at makita ang lalaki. Miss na miss niya na si Riley. Naiisip din kaya si Raine ng nobyo? Nami-miss din kaya siya nito?
Muli ay nagsipatakan na naman ang luha sa kanyang mga pisngi. Napatingin si Raine sa pinto ng kuwarto nang makarinig ng pagkatok. Hindi niya iyon sinagot.
Bumukas ang pinto at pumasok ang isa sa kanilang mga katulong na may dalang tray ng pagkain. Lumapit ito sa bedside table para palitan ang tray ng pagkain na hindi pa nagagalaw doon.
"Ma'am Raine," narinig niyang wika ng katulong. "Kumain naman po kayo. Baka tuluyan na kayong magkasakit n'yan."
Puno ng kalamigan ang tinging ipinukol niya dito. "Hindi ba sinabi kong 'wag n'yo akong pakialaman?" mataray na wika ni Raine.
Napayuko ang katulong. "P-Pero, Ma'am, n-nag-aalala lang naman po kami sa inyo. Halos hindi n'yo na nagagalaw ang mga pagkain na ito."
Bumangon sa pagkakahiga si Raine. "Walang nag-aalala sa akin dito," mariing sabi niya pa. "Sinabi nang ayokong kumain! Ayoko!" Ibinato niya pa ang mga unan sa sahig at tuluyang napaiyak. "Hindi ko gusto dito! Mga wala silang puso!"
Natahimik naman ang katulong at nagpatuloy lang siya sa malakas na pag-iyak. Animo'y sasabog na ang kanyang puso dahil sa matinding sakit.
Humihikbi na lang si Raine nang muling mapatingin sa katulong. "M-May cell phone ka ba diyan?" mahinang tanong niya.
Gulat na napatingin sa kanya ang katulong bago umiling. "Wala po, Ma'am. H-Hindi po kami pinapayagang gumamit ng cell phone dito kapag may trabaho."
Tila naubos na ang lahat ng lakas ni Raine at muling humiga sa kama. Her tears just won't stop falling. "G-Gusto ko na siyang makita," hikbi niya, tinutukoy si Riley. "G-Gusto ko siyang makausap," ipikit niya ang mga mata. Pipilitin niya na lamang na matulog para pansamantalang mawala ang sakit na nararamdaman. "Umalis ka na," utos niya sa katulong.
Ilang sandali lang ay narinig na naman ni Raine ang pamamaalam ng katulong at ang muling pagsara ng pinto. Nanatili na lamang siyang nakapikit at tahimik na umiiyak hanggang tuluyang makatulog.
Wala pa sigurong dalawang oras siyang nakakatulog nang muli na namang magising dahil sa isang masamang panaginip patungkol na naman sa aksidenteng naganap sa kanila ng kanyang Kuya Steve. Subalit kakaiba ang panaginip na iyon dahil hindi niya nagawang makita ang mukha ng kapatid. Ang tanging nakita lang ay ang isang katawang tumaklob sa kanya.
Bumangon si Raine at sumandal sa headboard ng kama. Pinunasan niya ang mga luha sa pisngi. Tiningnan niya ang tray ng pagkain na tuluyan nang lumamig. Kahit pilitin niya ay hindi pa rin mahanap ang gana sa pagkain.
Nalipat ang kanyang tingin sa pinto ng kuwarto nang makita ang pagbukas niyon. Pumasok sa loob ang kanyang Mama Lucy na halatang nagulat pa pagkakita sa kanya. Siguro ay inaasahan nito na tulog na siya at may balak na namang kunin sa mga gamit niya.
"Anong ginagawa mo dito?" puno ng kalamigan at galit na tanong ni Raine.
Sumulyap si Mama Lucy sa tray ng pagkain na nasa bedside table. "Sinabi sa akin ng mga katulong na hindi ka raw kumakain ng ayos," wika nito. "Balak mo ba talagang sirain na lang ng ganito ang buhay mo, Raine?"
Umismid si Raine. "Huwag kang umakto na nag-aalala ka sa akin, kayo ni Papa. Kunin mo na lang ang gusto mong kunin at umalis ka na. Hindi ko kayo gustong makita."
Iniiwas ng ina ang tingin sa kanya. "Tigilan mo na ang pag-akto na parang bata, Raine. Kumain ka na at—"
"Ayokong kumain! Gusto kong magpakamatay dito sa gutom para maging mas masaya na kayo," marahas na putol niya sa ina. "Iyon naman ang gusto n'yo, 'di ba? Ang pahirapan ako, ituring na parang isang alagang aso na puwede n'yong talian at pasunurin sa lahat ng gusto n'yo! Ni minsan hindi n'yo ako itinuring na anak! Hinihiling n'yo siguro na ako na lang ang namatay at hindi si Kuya noon!" muli na namang bumukal ang kanyang mga luha sa mga mata.
Bumahid ang pagkagulat sa mukha ni Mama Lucy. "Raine, ano bang—"
"Get out of here!" hindi na hinayaan ni Raine na makapagsalita pa ito. Ayaw niya nang maragdagan pa ang sakit na kanyang nararamdaman. "I hate you more and more! Kayo ni Papa!" pagkasabi niyon ay mabilis na siyang bumaba ng kama para magtungo sa sariling banyo.
Doon siya nagkulong at umiyak ng umiyak. She hated them so much. She hated this life of hers so much. Bakit pa ba siya hinahayaang mabuhay sa mundong ito para lamang patuloy na pasakitan?
BINABASA MO ANG
[Completed] Sweet Coffee Princesses 2: Raine, The Bodyguard's Bratty Princess
RomanceRaine was considered a total brat for everyone. She loved partying and having fun. Ilang beses na rin siyang papalit-palit ng boyfriends. But despite that, she was a loving and caring friend. She could also be a loving and obedient daughter if only...