Nakakabulag ang mga ilaw na nagmumula sa itaas ng boxing ring. Pagod na ako. Ramdam ko ang bawa't tagaktak ng pawis sa aking katawan, sunud-sunod silang tumutulo. Pero hindi ko na lang ito ininda. Hindi naman yun ang importante. Ang mahalaga ay mapatumba ko ang kalaban ko ngayon. Bakit? Kasi sa simula pa lang ng Boxing career ko, bawa't isang panalo ko ay KO na. Dun ako sikat. Dun ako kinikilala sa mga universities at sa lahat ng contest na sinasalian ko.
At hindi lang sa Boxing nagtatapos ang Knock-out streak ko.
Every sport I play, I excel. Hindi porke't babae ako, magpapatalo na ko. That idea is too feminist. Name a sport and I promise I'll give you a fight you won't forget.
And I don't just excel in sports. I excel in my acads too. Yun ang pinagmamalaki ko sa lahat ng tao.
Two things I really suck at? Beauty pageants and love.
Actually, hindi ko maintindihan yang dalawang mundong yan. I've never been a fan of pageants or my uninteresting love life. Wala akong balak baguhin yon.
Well, that was until I met a group of guys who changed my life.
Hi, I'm Cheska Jarencio.
And yes, I'm the only daughter of Coach Pido.
The group of guys I'm talking about? You guessed it right. They're the Growling Tigers.
*~*
"Cheska, ayoko na talaga! Hindi ko na kaya eh." Pagreklamo ni Alyson sa tabi ko. Alam ko na ang binubungaga nitong kaibigan ko. Lovelife nanaman siguro. Jusko. Eh normal naman na 'to. Wala ng bago.
"Sino nanaman yan ngayon?" Tanong ko habang binabasa yung bagong issue ng Sports magazine na kabibili ko lang kanina sa may 7-11 sa labas ng UST.
"Maniniwala ka ba pag sinabi ko sa'yong si Jeric Fortuna yung bagong nanggugulo sa isip ko?" At this point, naka-luhod na si Alyson sa tabi ko, ako naman naka-indian sit sa harap niya.
"Sino naman yun?" Ang ganda naman ng bagong bike trail na 'to. Ma-try ngang yayain yung mga pinsan ko next time. Pwede siguro this sembreak? One month din naman yun. Malamang sa gym nanaman ako tatambay nito.
"Alam mo minsan Cheska, hindi ko alam kung sa bundok ka talaga nakatiro o ano eh. Hello, pati ba naman yung team na kino-coach ng papa mo hindi mo alam? Ah oo, sa gubat ka nga pala nakatira. Amazona ka eh." Saka niya tinawanan yung sarili niyang joke. Ano ba 'to. Siya na nga nag-joke. Siya pa tumawa.
"Sorry ah, sa amin kasi ni Papa, ibang sports ang usapan. 'Di lang puro basketball. At saka allergic na ko sa basketball. Yun ba naman kasi kalakihan kong sport di ba?" Amazona? Ako? Magaling ako sa sports pero hindi naman ma-muscle ang katawan ko. 'Di naman kasi ako body builder. Sports enthusiast lang talaga.
"Eh ewan ko talaga sa'yo. Pero siguro naman kilala mo yung team 'di ba?" Tanong nanaman niya. Akala ko ba nasagot ko na yung tanong niyang yun kanina?
"Hindi nga eh. Ang kulit mo." Saka ko itinuloy ang pagbabasa ko sa magazine na hawak ko.
"Hay nako, girl. Alam mo, napaka-laking advantage niyan sa'yo kasi lahat ng game pwede kang manood. Tapos may excuse lang tumambay sa QPav dahil nandun yung papa mo. Bakit 'di mo gamitin yung perks na makukuha mo sa pagiging anak ng Coach ng Tigers?" Pangungulit pa rin ni Alyson.
"Alam mo namang ayoko ng nagte-take advantage sa kahit na anong sitwasyon. Kaya kahit mabait si Papa at ibibigay sa akin ang lahat kasi ako ang nag-iisang anak niya, ayoko pa rin. Gusto ko sariling sikap." Sana naman tumahimik na siya.
"Sus. Oo na. Sinasabi ko lang naman." Naka-simangot na siya at umayos ng upo sa tabi ko.
What can I say? I like to keep my Dad's business away from my own.
BINABASA MO ANG
Lagot Ka Kay Coach
FanfictionPaano kung ang nag-iisang anak ni Coach Pido ang center of attention ng Growling Tigers? Paano kung biglang magka-interes kay Cheska Jarencio ang Captain ng team na si Jeric Fortuna? Isa lang naman ang kailangan mong tandaan pag niligawan mo si Ches...