chapter 32

98 6 0
                                    


Nag kwentohan lang kami ng mama ni chester.
Tawang tawa yung mama ni chester sa pinag sasabi ko.

"At yun nga po pinalo ako ni lola dahil
Sinira ko po yung mga tanim nya. Kasi po Hindi ko pa po alam Kong ano yung ginagawa nya Kaya yun galit na galit si Lola sakin non" kwento ko.

"Hahahaha napaka kulit mo pala " tawa ng mama ni chester.

"Yun Ang sabi nila Ang kulit ko daw po nun Bata pa ako"

"May naalala tuloy ako sayo" nakangiting Saad ni tita.

"Oh ito tikman mo to"

Napatingin ako Kay chester na may hawak na tinidor na may cake.

"Tikman mo to luto ko to" Saad nya

"Tikman mo na Marie masarap Yan" saad Ni tita.

Naiilang ako sa tawag sakin ni tita ayaw na ayaw ko pa Naman tawagin na Marie.
Pero sige na nga pinapayagan ko sya pero sya lang wala ng iba!
Total future mommy ko naman sya Kaya ok lang.

"Sige po" nakangiti kong Saad at kinain yung nilahad sakin ni chester.

Nginuya nguya ko yung cake shittt Ang sarap! Pero mas masarap talaga si chester! Hahahah!

"Masarap ba?" Si tita

"Opo masarap ang ana... Cake ni chester" sagot ko

"Magaling talaga yan mag luto" proud na sabi ng mama nya.

"Hi tita hi chest" napatingin kami sa dumating sila lovely at mga ka klase ko lang pala.

"Lovely, kim long time no see?" Tumayo si tita at sinalubong si lovely at kim ng yakap at biso biso sila.

"Kakarating lang po namin last week kumusta na tita ganda parin ah walang pinag bago" nakangiti na Saad ni lovely.

"Ganun talaga, ikaw din gumanda ka Lalo" si tita.

"Hahaha ikaw talaga tita" si lovely.

"Hi chest hi antie" bati ng mga kaklase ko.

Nginitian naman sila ni chester.

"O sya mag practice na kayo" si tita.

"Sige po tita, patikim ako ng luto mo tita" naka ngiting saad ni lovely.

"Sige mamaya pag katapos ng practice nyo" sagot Ni tita

"Sige po" si lovely

Na una ng nag lakad si chester sumunod naman kami sa kanya.
Nginitian naman ako ni tita kaya gumanti din ako ng ngiti.

Nakarating na kami sa likod ng bahay nila chester namangha naman ako sa laki ng swimming pool nila at ganda ng view.

Umupo kami sa may lamesa na may malaking payong sa gitna.
Kasya kaming sampo dahil malaki Naman yung lamesa.

"So alam nyo naman siguro Ang love warning nila third at jubjang? Alam ko nakita nyo na Yun?" Pag uumpisa Ng lovely.

Nag tango lang kaming lahat.

"So ganito iibahin natin kami nila Bernadette at bea kami ang mga kuntrabida. Kami Ang aapi sayo" Sabi nya sabay turo sakin.

"Sila Kurt, Sean, josh at chester sila ang f4 bubulihin ka nila pati kami bubully sayo" 

"Ikaw naman Kim kaibigan ka ni nerd" dugtong pa ni lovely.

"Asan sila Kurt at Sean?" Tanong ni chester.

"Sabi nila susunod lang sila" si lovely

"Sige ready na? Ganito since Wala Tayo sa school dito muna sa pool muna tayo" si lovely

The Secret Fan GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon