Chester's POVAndito ako ngayon sa kwarto ko, tinitignan ko yung isusuot ko sa kasal.
Hindi mapakali ang isip ko dahil hanggang ngayon wala pang balita kay aliah.
Wala akong magawa para iligtas si aliah sa mga kidnapper na yun.Awang awa ako sa sarili ko dahil di ko man lang magawa yung gusto kong gawin. Naging sunod sunodan lang ako kay daddy, para akong robot na kutrolado nya lahat ng kilos ko.
Wala na wala ng pag asa pa na maging kami ni aliah.
Napaka sakit man pero siguro dapat kong tanggapin na hindi talaga kami para sa isat Isa.Subrang hirap man pero kailangan.
Ako na ata ang pinaka duwag na lalake sa buong mundo.
"Nak chester" tawag sakin ni mommy.
Pinunas ko yung luha ko.
Sa subrang inis ko di ko na pansin na umiiyak na pala ako."Mom" sagot ko.
"Gusto mo tulongan na kita?" Si mommy
"Sige po mom"
Sinuot ko na yung black pants and black toxido ko.
Nilagay naman ni mommy yung necktie."Excited ka naba nak?"
Hindi ako maka sagot sa tanong nya.
"Alam mo nak, alam kong di mo to pag sisihan" nakangiti na sabi ni mommy.
"I don't know mom, I don't love Erika I mean I love her pero parang kapatid lang ganun"
"Alam ko nak, pero sana wag kang umatras"
"I do mom wala naman akong magagawa" malungkot na sagot ko.
"Ayan poging pogi na ng anako ko" naka ngiti na saad ni mommy.
"Salamat mom"
"Don't be sad, dapat masaya ka ngayon nak" si mommy
"Sorry mom di ko ma iwasang hindi mag alala kay aliah"
"I know aliah is fine hinahanap na sya ng kapulisan"
"Sana nga mahanap na sya"
"Ohsya honey maiwan muna kita, good luck" Saad ni mommy na naka ngiti.
Umalis na si mommy Kaya napa upo nalang ako bigla sa kama ko.
Napahilamos na lang ako sa mukha ko.••••••••••••••••••••••••••
Aliah's POV
Na gising nalang ako ng may biglang humila sa dalawang kamay ko.
"Bitawan mo ko!"sigaw at pumipiglas ako.
"Dahan dahan lang wag nyong saktan anak ko" si mommy.
"Mom please don't do this to me!" Pag mamakaawa ko.
"Sorry baby para sa companya natin to" si mommy.
"Mom! Mom!" Sigaw ko ng binuhat ako ng isang lalaki at kinarga na parang isang sakong bigas.
Dinala nila ako sa ibang kwarto.
Kitang Kita ko yung naka ready na gown mga alahas at bulaklak.Naiyak ako sa nakita ko.
Bakit?? Bakit ginawa nila sakin to!
Naalala ko yung kasal nila chester at Erika ngayon.
Alam ko subrang saya na nila ngayon dahil ikakasal na sila.Napa upo nalang ako sa sahig at humagulhol ng iyak.
Ako nalang kasi! Bakit hindi nalang ako!
"Baby tahan na, sorry dahil nagawa namin to" si daddy
"Dad, bakit ganun subrang pinag kaitan ako ng kasiyahan?" Niyakap ako ni daddy at mommy.
"Alam ko may plano ang panginoon sayo anak, Sana tanggapin mo na hindi talaga kayo para sa isat isa ni chester." Sagot ni daddy Kaya na iyak ako Lalo.
Sana lahat ng to ay panaginip lang!
Yung tipong natulog lang ako sa leyte at nanaginip.
Sana nga panaginip lang to dahil subrang sakit na!"Dad Mahal na mahal ko talaga si chester" humagulhol ako ng iyak.
"Anak ikakasal na si chester ngayon kaya please lang bitawan mo na sya" si mommy.
"Di nyo kasi maramdaman kung gaano ako ngayon na sasaktan!"
"Let him go baby, binitawan ka na nya. Kaya please lang anak bitawna mo narin sya" si daddy.
"Pero ang sakit dad" lalo akong na iyak.
"Masakit pero dapat tanggapin mo ang katutuhanan na hindi talaga kayo" si mommy.
Wala akong maisagot dahil tama naman talaga sila.
Dapat bitawan ko na si chester dahil binitawan nya na ako.
Ako lang ang lumalaban saming dalawa, sinasaktan ko lang yung sarili ko.Subrang sakit na bitawan sya pero ano pang laban ko sya na yung unang bumitaw saming dalawa.
Pinunas ko lahat ng luhang nasa pisngi ko at tumayo saka umupo sa tapat ng salamin.
Huminga ako ng malalim upang palakasin ang luob ko.
"Mom dad I'm ready" Saad ko.
Agad naman kumilos yung mga taohan nila mommy at inayusan ako.
Wala ako sa sarili ko habang inayusan nila ako.
Di parin kasi mawala sa isip ko kung gaano sila kasaya ngayon na ikakasal na sila."Ma'am wag ka pong umiyak masisira yung make up" saad ng babaeng nag mamake up sakin.
Ilang oras din yung tinagal na tapos narin yung make over at buhok ko.
Iniwan muna nila ako dito sa kwarto para isuot tong gown na nasa kama.
Tinignan ko yung gown subrang ganda. Siguro matutuwa akong suotin to pag si chester yung ipapakasal sakin.
Hindi ko ma iwasang hindi ma luha dahil sa subrang bigat na nararamdaman ko ngayon.
Hinaplos haplos ko yung gown, subrang iyak ko dahil na alala ko na mag susuot din si Erika Ng ganito ka ganda na gown sa harap ni chester.
Ayaw tumigil ng mga luha ko sigurado ako na ang pangit ko na dahil sa nag kalat na make up sa mukha ko.
Isinuot ko na yung gown habag umiiyak sakto naman pumasok si mommy para tulongan ako.
"Ssssshhh stop crying baby everything is gonna be alright" si mommy sabay pinunas nya yung mha luha ko gamit kamay nya.
"Sana nga mom, subrang bigat talaga Ng nararamdaman ko Kaya diko mapigilang Hindi umiyak" humihikbi kong Sabi.
"I understand you baby, pero Sana kahit ngayon lang wag ka munang umiyak nag kalat na tuloy yong make up sa mukha mo"
Pina upo ako ulit ni mommy sa tapat ng salamin para make upan ulit.
•••••••••••••••••••
Chester's POV
Andito na ako sa simbahan lahat ng family, friends ko at family ni Erika andito na.
Hinihintay nalang namin si Erika para ma umpisahan na yung kasal.
Subrang lungkot ko ngayon dahil humarap ako sa simbahan nato na Wala sa sarili at mag sisinungaling.
Pinangarap ko pa naman dati kapag kinsal na ako dapat yung ihaharap ko sa altar yong taong mahal na mahal ko.
Alam kong mag kakasala ako sa gagawin Kong to, dahil mag papakasal ako sa Hindi ko naman Mahal at manganga ko sa panginoon na puro lamang kasinungalingan.
"Anjan na ang bride" saad ng bodyguard.
Bigla akong kinabahan sa di ko ma ipaliwanag na dahilan.
___________________________
Itutuloy...........

BINABASA MO ANG
The Secret Fan Girl
Ficção AdolescenteKung ang isang secret fan girl na patago lang ang kanyang pag hanga sa kanyang mga inidolo ay makikilala sya Hindi lamang sa kanyang inidolo kundi sa lahat. Ano Kaya Ang mangyayari sa ating beda? Masaya ba sya na makilala sya ng ibang ka fan girl ny...