chapter 37

103 5 0
                                    


Nandito kami sa loob ng elevator walang nag sasalita saming dalawa.
As usual nahihiya parin ako na kausapin sya baka sabihin nya na feeling close ako.

"Nagugutom ka ba?" Pag sasalita nya

"Ha?" Agad kong sagot at napatingin sa kanya.

"Kumain muna Tayo bago Kita ihatid sa condo mo" Saad nya na Hindi tumitingin sakin.

"Ay nako wag na baka may maka Kita pa satin" Saad ko.

"Ang bilis mo namang makalimot" Saad nya.

"Ha?"

"Diba simula ngayon mag kunware Tayo na couple?" Saad nya.

"Ahhhhhhh...... As in ngayon na talaga?" Saad ko.

"Hayssssst ewan ko sayo" Saad nya.

Huminto naman yung elevator at bumukas Kaya na una na sya lumabas pero hinabol ko naman sya.

"Wait nga akala ko kasi Hindi pa ngayon mag umpisa" Saad ko habang palapit sa kanya.

Napahinto naman sya Kaya huminto din ako. Napatingin ako sa tinitignan nya at agad akong napa Tayo ng maayos. Jusko talagang mga media to Hindi talaga umalis.

Nagulat naman ako ng may biglang humawak sa kamay ko.
Tinignan ko ito shittyyy mga bess si chester hinawakan kamay ko.
Nag init naman yung pisngi ko kaya napa duko na ako.

Myghaddd!! Talaga bang totohanin nya ang lahat ng yun?
Nako po aatakihin talaga ako nito ng heart attack!

"Kalma kalang jan act normal para Hindi ka mahalata" saad nya na Hindi tumitingin sakin.

Nako!! Pano ako kakalma kung hawak mo ngayon ang kamay ko!
Yung dating pangarap ko Lang naging totoo na lahat sinong kakalma don!
Nako pag alam mo lang kung gaano mo pinalakas ang tibok ng puso ko!

"Are you ready?"

"Uhm.." sagot ko

Nag lakad na kami pa labas ng entertainment kasama mga bodyguard nya.

Nang makalabas na kami dinumog na kami ng mga reporters Kaya napa higpit ang pag kahawak ko sa kamay ni chester.
Nagulat naman ako sa ginawa nya ng yakapin nya ako sa bisig nya at prinoprotiktahan.

*Tugdug tugdug tugdug*

Wala akong ibang narinig kundi ang tibok ng puso ko.
Kahit maingay ang paligid ang tibok ng puso ko parin ang nangingibabaw.

Hindi na normal 'tong nararamdaman ko para kay chester.
Parang iba na, parang Hindi na idol ang Toring ko sa kanya.
Iba yung tibok ng puso ko bilang fan nya, pero ngayon ibang iba Hindi ko ma intindihan.

Binuksan nya ang pinto ng kotse nya para maka pasok ako.
Pumasok ako ka agad at sinara Naman nya ang pinto.
Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa subrang bilis ng pag tibok nito.

"Ok ka Lang?"

Hindi ko na malayan na naka upo na pala si chester sa tabi ko dahil sa mga iniisip ko.

"A-ah oo" sagot ko at agad nag seatbelt.

"San mo gusto kumain?" Saad nya

"Kahit saan ikaw bahala" sagot ko.

Pinaandar nya ang kotse nya hanggang makarating kami sa  restaurant.
Hindi lang to ordinary restaurant kundi mamahaling restaurant.
Talaga bang dito kami kakain?
Napaka shosyal kasi ng restaurant na'to.

Buti nalang at Hindi kami na sundan ng mga reporter Kaya free kaming maka labas sa kotse.

Lumabas si chester sa kotse Kaya lumabas narin ako.
Nauna syang nag lakad papasok sa restaurant Kaya sumunod nalang ako.

The Secret Fan GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon