chapter 73

74 2 0
                                    


Shane's POV

Pumunta akong kusina para kumuha ng lulutuin namin ngayong hapon.
Pag bukas ko ng ref kunti nalang yung laman. Itlog hotdog at meat nalang.

"Aliaaaaaah!" Tawag ko kay Aliah

"Ohhhh bakit!" Sigaw nya

"Kunti nalang laman ng ref!"

"Ikaw na pumunta sa grocery pagod ako!"

Tssssk umiral na naman katamara nya!

Sinara ko yung ref at pinuntahan sya.
Nakita ko syang nag lalaro ng Temple run.

"Tumayo ka jan samahan mo ako mag aalas syete na"

"Eh ikaw nalang kasi tinatamad ako"

"Ah bahala ka mag gagatas nalang ako" Saad ko sabay lalabas na sana ng kwarto nya.

"Kainis ka natalo tuloy ako! Sige na nga sasama na!" Inis nyang Sabi saka tumayo.

"Buti nga sayo!" Saad ko sabay labas ng kwarto.

Nang naka labas na kami ng condo pumara kami agad ng taxi.

Pag karating namin sa groceries store agad kaming pumuntang vegetable area. Kuha lang kami ng kuha sa mga gusto namin. Pag katapos sa vegetable area pumunta kami sa mga dilata.
In case na umiral katamaran namin kaya bibili kami ng dilata para Kain agad ganun.

"Luhhh diba si chester ng xyz yun"

Napalingon ako sa dalawang babae na nag bubulongan.

Panay kuha Lang si aliah sa mga gusto nya kaya Hindi nya siguro na rinig yung usapan ng dalawang babae.

Nag simula ng nag ingayan yung mga tao pero Hindi Naman ganun ka ingay dahil bawal mag ingay sa private groceries store.
Parang sa Korean lang ang pig.

Nag bulongan Ang lahat saka sinundan nila si chester.
Diko naman kita si chester Kaya tinawag ko na si aliah para maki sawsaw din.

Ano naman Kaya gagawin ni chester sa ganitong oras diba?

"Pssst! Aliah andito daw si chester"

"Huh? "

"Bingi kaba andito si chester"

"What!! Ok lang ba yung suot ko, yung mukha ko ok lang ba?" Natataranta nyang tanong.

"Ang oa mo girl"

"Ito naman nag tatanong lang baka asi ang pangit ko"

"Alam mo baka umalis na yun dimo makikita"

"Asan ba sya?"

Hinanap namin si chester hanggang nakita namin yung nag kumpulan na tao. Hindi naman as in nag kumpulan Hindi rin naman sila nag papahalata.

Yung iba kinukunan sya ng picture hanggang sa may umabot ng Ice cream kay chester, Kaya napalapit kami agad.

Hindi Kasi namin kita yung nag abot dahil natabunan sya.
Pag lapit namin na bigla kami sa nakita namin pinahid ni chester yung gilid ng labi ng babae.

Oo tama kayo ng pag basa babae talaga as in girl mga bess!

"Chester" banggit ko ng pangalan ni chester kaya napalingon sila samin.

Napatingin ako kay aliah na luluha na sya at nanginginig yung kamay nya.
Ibinalik ko ang tingin ko kila chester.

Mag sasalita na sana ako ng bigla akong hinila ni aliah palabas.

"Aliah!" Tawag ni chester.

Binitawan ako ni aliah tyaka tumakbo sya ng mabilis.

"Aliah!" Sigaw ko

The Secret Fan GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon