Nag paalam na ako kila Shai at Shane dahil pupunta na ako sa bahay nila chester para mag practice.
May practice din sila pero dito Lang sa campus gagawin yung practice nila.*Tot*
Kinuha ko yung phone ko at binasa Yung text sa gc namin.
Address ng bahay ni Chester yung message.
Pumara na agad ako ng taxi malayo layo din Yung bahay nila chester.Ilang minuto din yung dumaan sawakas nakarating na ako.
Nag bayad muna ako bago lumabas ng taxi.Pag labas ko hinanap ko yung number ng bahay nila chester.
Grabe ang yayaman ng mga bahay dito ang lalaki.
Ang laki ng mga gate nila Kaya mahihirapan akong hanapin ang bahay ni chester."14756" basa ko sa number Ng bahay nila chester.
Nag lakad lakad lang ako nag tatanong din ako sa mga guard dito.
Baka Alam nila kung saang banda yung bahay ni chester."Manong guard pwede mag tanong" lumapit ako Kay manong guard.
"Ano po yun maam"
"Alam nyo po ba Kung saang banda tong number na'to?" Pinakita ko yung number.
"Ahhh Yan ba kila lapaz Yan, dumiritso kalang Jan tas liko ka sa may kanto pakanan tas Kung may nakita kang itim na gate na pinaka malaki Yan Yung bahay nila." Paliwanag ni manong guard.
"Sige po maraming salamat talaga manong" pasalamat ko saka nag lakad na.
Sinunod ko lang yung Sinabi ni manong at tama nga sya may malaking gate na itim dito.
Subrang laki ng gate Hindi tulad ng mga nakikita ko dito.
Yaman talaga ng hubby ko hehehe.Tumingala ako sa laki ng bahay ni chester.
Sinisilip ko rin yung number Ng bahay nila baka Hindi Tama."Maam may hinahanap ka?" Yung guard
"Opo ito ba ang bahay nila chester lapaz?" Tanong ko.
"Si sir chester po ba ang hinahanap mo?" Tanong nya.
"Opo dito kasi gagawin yung project namin" sagot ko.
"Ahh sige maam pasok po kayo ma'am"
Bumukas yung gate.
Wow ha automatic!
"Salamat po manong" Saad ko saka pumasok na.
Pag pasok ko palang namangha na ako sa ganda ng bahay nila.
Napaka laki nito at Ang ganda Ng mga naka palibot na bulaklak.
Alagang alaga talaga yung mga nakatanim na bulaklak dito.
Naalala ko tuloy yung mga tanim ko na bulaklak sa leyte.
Inaalagaan pa kaya yun ni lola?Nasa tapat na ako ng malaking pinto Ng bahay nila chester.
Naka bukas Lang ito.Hindi ko alam Kung papasok ba ako o hindi.
Kung papasok ako Wala akong respeto Kasi nga diko Naman to bahay.
Pero Ang weird ng bahay nato napaka tahimik.
Dapat marami silang maid dito, pero wala akong nakitang nag kalat na maid.
Nakatayo Lang ako sa tatapat ng pintuan na naka bukas para akong timang dito."Tao po"
Walang taong sumagot.
Bahay ba talaga to ni chester?
Baka na Mali Lang ako?Fine lalabas nalang Kaya ako tas hihintayin ko nalang mga kasama ko.
Tumalikod na ako para mag lakad na ng may tumawag sakin."Iha"
Napalingon ako agad at nakita ko Ang magandang babae na may idad na.
Parang sing-edad lang ni mommy pero ang ganda nya.
Maganda din Naman si mommy parihas lang sila."Po" Saad ko.
Lumapit sya sakin na nakatingin.
Grabe parang may kamukha sya kamukha nya si chester.
Mommy nya ba Ito?
Ito naba ang future mommy ko?
Myghaddd aliahhhh umayos ka!
BINABASA MO ANG
The Secret Fan Girl
Novela JuvenilKung ang isang secret fan girl na patago lang ang kanyang pag hanga sa kanyang mga inidolo ay makikilala sya Hindi lamang sa kanyang inidolo kundi sa lahat. Ano Kaya Ang mangyayari sa ating beda? Masaya ba sya na makilala sya ng ibang ka fan girl ny...