Maaga akong nagising, maaga o sadyang Hindi talaga ako nakatulog ng maayos dahil sa kakaisip ko?
Parihas na din yun!
Basta maaga akong nagising kaya nag handa na ako ng almusal namin.
Nag luto Lang ako ng itlog at bacon saka nag timpla ng gatas."Wow himala ah Ang aga natin gumising" si Shane na palapit sa lamesa.
"Parang excited ata Tayo ngayon anong ganap?" Saad Ni Shane saka umupo sa umpuan nya.
"Guess what! Mag prapractice kami sa bahay ni Chester!!" Masayang Saad ko.
"Waaaaaaaaaa! Really kyaaaaaaaah Ang swerte mo Naman!" Napatili na si Shane.
"Hehehe Naman! At ito pa kami yung mag partner sa gagawin naming video" pag mamalaki ko.
"Naks naman napaka swerte ahhh! Kwento mo sakin kung ano hitsura Ng bahay nila ah" si Shane sabay kumain na.
"Yaw ko nga balaka" Saad ko saka kumain narin.
Pagkatapos naming kumain maaga kaming nakarating sa school dahil Hindi traffic.
Excited na Kasi ako mamaya sa practice namin.
Sawakas makakaapak narin ako sa bahay ni Chester! Napaka swerte mo talaga aliah!Dahil maaga pa naman napag desesyonan ko munang mag libot libot dito sa school.
Nauna na pala si Shane sa room.Nag lakad lakad Lang ako, hanggang marating ko Ang likod ng building namin.
"Wowww!" Napa wow ako sa ganda ng nakikita ko.
Mala garden ang ganda ng likod ng building namin.
Fresh na fresh yung hangin na galing sa mga puno at halaman na naka palibot dito.Pumunta ako sa may bench sa ilalim ng puno para umupo.
Napagod Kasi ako sa kakalakad Kaya uupo muna ako.Ganda talaga dito madaming bulaklak at malamig ang simoy ng hangin.
Napaka sarap tambayan.
Dito na Kaya ako mag tambay simula ngayon?"Psssst"
Napa lingon lingon ako ng may sumitsit sakin.
Wala Naman akong nakikita baka guni guni ko lang yun oo Tama guni guni lang yun.Patuloy Lang ako sa pag tingin tingin ng mga magagandang bulaklak dito ng may sumitsit ulit.
"Pssssst"
Napatayo na ako dahil malakas na Yung sitsit.
Parang nasa malapit lang."Sino yan?"
"Sino ka mag pakita ka? Engkanto kaba? O baka angel ka lumabas ka jan!" Sigaw ko para na akong baliw dito.
"Ayaw mo talagang lumabas ah! Ay wag kana palang lumabas baka matakot Lang ako!" Saad ko.
Kanina pa ako salita Ng salita dito pero walang aumasagot sakin.
"Engkanto ka engkantada Naman ako sa ganda! Kaya bagay Tayo Kaya lumabas kana Jan!"
"Hahahaha!" Malakas na tawa galing sa itaas ng puno.
Napatingala naman ako at nakita ko si mj na tawang tawa.
"Hahaha para Kang baliw!" Tumatawa nyang Sabi.
Hindi ako naka pag salita agad dahil na gulat ako.
Si MJ oo si MJ sa xyz! Andito sya sa itaas ng puno.
Ano Naman Kaya ginagawa nya Jan sa itaas?"Hahahaha!" Tawa nya.
"Nakakatawa?" Tanong ko.
"Hahahaha para Kang sira" tawa nyang Sabi.
"Wag mo akong tawanan close ba tayo"
BINABASA MO ANG
The Secret Fan Girl
Teen FictionKung ang isang secret fan girl na patago lang ang kanyang pag hanga sa kanyang mga inidolo ay makikilala sya Hindi lamang sa kanyang inidolo kundi sa lahat. Ano Kaya Ang mangyayari sa ating beda? Masaya ba sya na makilala sya ng ibang ka fan girl ny...