chapter 42

80 4 0
                                    


Chester's POV

Nakangiti akong pumasok sa condo diko alam kung bakit.

"San ka galing?"
Nakita ko si kim na naka upo sa sofa.

"Sa mall" maikling sagot ko.

"Sinong kasama?"

Hindi ako sumagot dahil alam kong mag aaway na naman kami nito.

"Si Aliah na naman?" Naiirita nyang Sabi.

"Why are you here?" Iniba ko na yung topic dahil hindi nya na naman ako titigilan pag sinabi kong oo.

"Answer me, si aliah na naman ba?" Tumaas na yung boses nya.

Nag lakad ako papuntang kitchen para uminom ng tubig, sumunod naman si Kim.
Kumuha ako ng tubig sa refrigerator at nag salin sa baso para inumin.

Alam kong hindi nya ako titigilan lagi nalang Kasi kaming mag aaway pag tungkol na kay aliah.

"Sagutin mo ang tanong ko"

"Oo si Aliah" walang gana Kong sagot.

"Kaya pala nakangiti ka kanina?"

"So?"

"Alam nya naba na girlfriend mo ako?"

"No "

"Why you didn't tell her?"

"I'm protecting my career kaya hindi ko na sinabi" sagot ko

"Ok kung ayaw mong sabihin ako nalang ang mag sasabi. Na iirita na Kasi ako Lage na lang kayo ang mag kasama"

"Are you jealous?"

"Oo nag seselos ako wala kanang time sakin" naka busangot nyang Sabi.

"Sorry kim kailangan ko kasing protiktahan ang career ko, pero..." Nag lakad ako palapit sa kanya, at hinawakan ang mukha nya.

" Pero pag natapos na ang lahat nang to ipapakilala na kita na ikaw ang girlfriend ko. Kaya wag ka nang sumimangot" nakangiting Saad ko.

"Talaga?" Nakangiti nyang saad.

Niyakap ko sya kaagad Mahal na Mahal ko 'tong babaeng to.
Kahit sinaktan nya ako sya parin ang Mahal ko.

"I love you chest" malambing na Saad nya.

"I love you too Kim"

•••••••

Nag ayos na ako para sa interview namin ni aliah.
Hindi ko alam ang nararamdaman ko ngayon na e-excite ako na makita si Aliah na suot yung damit na pinili ko sa kanya.
Alam ko kasing babagay yun sa kanya.

Pagkatapos kong mag ayos lumabas na ako sa kwarto ko nakita kong nag hihintay si Kim sa sofa.

Napatingin sya sakin at ngumiti Kaya nginitian ko sya pabalik.
Lumapit ako sa kanya at nilahad ang kamay ko, napangiti na naman sya at kinuha ang kamay ko saka tumayo.

"Gwapo ng future hubby ko" sabi nya at kinurot ang ilong ko.

Nginitian ko sya at nag lakad na kami palabas.
Binitawan nya naman yung kamay ko dahil naka labas na kami sa condo ko.
Wala kasing nakaka alam sa relasyon namin maliban sa fabulous girls at sa mga kaibigan ko.

Ipapa alam ko na sana yun kaso lang na udlot dahil dumating yung issue samin ni aliah, Kaya pinag usapan namin ni Kim na wag nalang muna.
Pumayag naman si Kim kaso lagi kaming nag tatalo pag lagi kaming mag kasama ni aliah.
Alam kong nag seselos sya Kaya nya ako inaaway, I hate this situation! Ayaw na ayaw kong masira kami ni Kim dahil lang sa issue na'to.

The Secret Fan GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon