chapter 39

106 4 0
                                        


Nang makapasok na kami sa school lahat ng studyante na nadadaanan namin ay napapatingin samin.
Naka holding hands lang naman kami Kaya ganyan nalang sila nakatingin sakin.
Galit na galit yung mga tingin nila sakin, pero Hindi ko naman yun pinansin.
Siguro sasanayin ko nalang ang sarili ko dahil ako lang naman ang maaapiktohan pag pinansin ko sila.

Bakit pa kasi may pa holding hands holding hands pa syang nalalaman.
Pwedi naman ata sabay lang kaming mag lakad diba?
Pero aaminin ko kinikilig ako ngayon mga bess.
Diko inakala to, akala ko kasi hindi nya seseryosohin yung sinabi ng manager nila.
Pero sa ginawa nya ngayon parang cenareer nya ata pagiging fake boyfriend ko.

Pagkarating namin sa room namin Yung mga ka klase ko na nag iingay napa tahimik ng makita nila kami.

"Myghaddd! Totoo 'bang sila na?"

"Omygassssh I can't breath is this real?"

"Waaah chester idol pa Naman Kita!"

"Nakakainggit naman si Aliah"

Yan yung naririnig ko nang nakapasok na kami sa room.
Hinatid ako ni chester sa upoan ko Kaya kinikilig na naman ang ate nyo.
Sa simpling pag papakilig nya Lang kinikilig na talaga ako ng bungga Hindi ko lang Pinapahalata.

Nag smile sya sakin at pumunta na sa upoan nya at umupo.
Yung mga kaklase ko naman panay bulongan sila akala naman nila Hindi ko naririnig eh ang lakas maka bulong.

"Hoy kinikilig ka no?" Kalabit sakin ni Shai Kaya napatingin ako sa kanya.

"Ha? Hindi ah" agad kong sagot.

"Ay Hindi parin? anong klasing babae kaba Aliah bat dika kinikilig? Si chester na yan no poging nilalalang Yan" si Shai

"Kung ako nasa lugar mo baka nag lumpasay na ako sa kilig ! Ang swerte mo kaya" dugtong pa ni shai

"Mag kaiba Kasi kayo" singit ni Shane.

"Totoo bang kayo na ni chester?" Tanong ni Shai.

"Oo bess sila na " sagot ni Shane.

"Ikaw ba si Aliah? Diba hindi kaya wag kang sumagot" si Shai.

Natawa naman ako sa kanilang dalawa parang mga Bata.

Napatingin ako kay chester naka talikod sya sakin kaya free ako na titigan sya ngayon.
Kahit naka talikod napaka pogi nya parin tignan ganun ba talaga pag gwapo ka?

*Clap clap clap*

Napatingin ako sa pintuan ng classroom namin ng may pumapalakpak.
Nakita ko ang fabulous girl na papasok at nasa gitna nila si queen.
Pumapalakpak si queen habang papasok sya sa room namin.

"Well andito na pala ang malandi, how's your day together with chester? Are you enjoying flirting him?" Mataray na sabi nya at nag crossarm.

"May mukha ka pa talagang ihaharap malandi ka!"dugtong pa nya.

Binaling ko naman yung tingin ko sa bintana. Ayaw ko nang away ngayon kaya diko nalang papansin si queen ngayon.

"Wag mo nga akong snobin Aliah!" Inis nyang Sabi at narinig ko yung footsteps nila palapit sakin.

"Hey! Are you listening to me!"bulyaw nya sakin dahil Hindi ko sya binalingan ng tingin.

"Ano ba pinamukha mo talaga akong stupid!" Galit nyang Sabi at hinila ang buhok ko kaya napa harap ako sa kanya.

"Ano bang gusto mo!" Bulyaw ko nakakainis na Kasi.

"Bitawan mo nga ako!" Saad ko at pinipigilan ko ang kamay nya na hilain ang buhok ko.

The Secret Fan GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon