chapter 80

92 3 0
                                        


Aliah's POV

Dumaan ang dalawang araw at naka uwi na ako sa condo ko.
Nag paalam Naman sakin sila mommy busy Kasi sila sa kumpanya.

Sa dalawang araw na yun Hindi ko na Kita si chester Kaya miss na miss ko na sya.

Kinuha ko yung phone ko at tinawagan sya.
Nag riring lang sya walang sumagot hanggang na call indeed na.

Busy ba sya bat Hindi nya sinagot?
Isa panga.

Naka tatlong tawag na ako Wala paring sumagot Kaya medyo kinabahan na ako.

Chill ka lang aliah busy lang siguro sya. Medyo wala naring gagawin sa school dahil malapit na yung grad namin. Buti nalang talaga naka pasa ako.

Wala akong magawa dito sa bahay kaya nag desesyon ako na mag luto ng pag kain at dalhan si chester sa bahay nila.
Hindi na Kasi tumutuloy si chester dito sa condo nya, Ewan ko ba kung bakit.

Nag luto ako ng sisig at atubo nag YouTube pa ako kung anong mga ingredients ang dapat ilagay.

Diba napaka effort ko? Hehehe

Dalawang oras din ako nag luto at sawakas na tapos narin.
Inilagay ko yung mga niluto ko sa maliit na topperwer.

"Uhmmm.. Ang bango naman ano niluto mo?" Tanong ni shane pag pasok palang sa condo.

"Para sakin ba yan?" Lapit nya sakin saka kumuha ng niluto ko kaya tinapik ko yung kamay nya.

"Hindi to para sayo"

"Eh para kanino?"

"Para Kay Chester pupunta ako sa bahay nila" masaya kong Sabi.

"Nako ikaw talaga dapat si chester yung mag hahatid sayo"

"Dibali na gusto ko rin naman sya Makita at maka usap" sagot ko.

"Oo na oo na Basta tirhan mo ako kahit kunti" si Shane sabay pumunta sa kwarto nya.

Nang matapos na akong mag balut ng pagkain nag palit na ako ng damit naka jeans at black croptop lang ako saka white shoes.

Nang makasakay na ako ng taxi hindi ako mapakali gustong gusto ko na talagang makita at maka usap si chester.

Sana ma gustohan nya 'tong niluto ko pinag hirapan ko panaman to.

Hindi ko namalayan nandito na pala kami sa tapat ng bahay nila chester Kaya kinabahan na ako na excited na Makita sya at sabihin na Hindi tuloy yung kasal namin ni mj.

Nag bayad na ako kay manong at agad bumaba dina talaga ako makapag hintay na Makita sya.

Nasa tapat na ako ng gate nila, bumuntong hininga muna ako bago ako ng doorbell.

Binuksan naman ng guard nila yung gate para papasokin ako.

Nang maka pasok na ako napakatahimik ng bahay nila parang walang ka tao tao.

Walang tao kaya pumasok na ako sa bahay nila baka sakali na makita ko si tita.

Subrang tahimik ang bahay nila parang walang ka tao tao pero nag patuloy parin ako sa pag lilibot dito sa bahay nila.

Nang nasa kitchen banda ako may narinig ako na nag tatawanan kaya pumunta ako dun.

Pagkarating ko sa kitchen nagulat ako sa nakita ko si chester at Erika, kinikiliti ni chester si Erika Kaya tawang tawa si Erika.

Nabitawan ko yung dala kong pagkain dahil sa nakita ko.
Di ako makapaniwala na Ang saya saya nila tignan.
Kanina lang Hindi sumasagot si chester sa tawag ko akala ko busy.
Nga naman busy Kay Erika.

Nagulat din sila ng Makita nila ako pinilit kong wag umiyak para ipamukha sa kanila na malakas ako.
Pero ang sakit sakit na talaga!
Kaya pala Hindi bumisita sakin si chester nong nasa hospital ako pero ok lang naman yun sakin dahil akala ko busy sya.

Akala ko ba magiging ok na ang lahat dahil sasabihin nya sa magulang nya na ako ang mahal nya at gusto nyang pakasalan?

"A-aliah" utal na banggit ni chester sa pangalan ko.

"Anong ibig sabihin nito?" Pinilit kong mag salita kahit sa kaluobluoban ko gusto ko ng tumakbo at umiyak.

Napatingin sya kay Erika at  sumeryoso yung mukha nya.

"Bat ka naparito?" Seryoso na tangong nya.

"Dapat pa talaga yan itanong chest?" Nanginginig na boses ko.

"Yeah pumunta ka dito ng walang pasabi?" Sagot nya

"Tinatawagan Kita pero ayaw mong sumagot kaya pumunta nalang ako dito."

"Sana hindi kanalang pumunta dito tapos na tayo"

Hindi ko Alam ang nararamdaman ko nang hihina yung tuhod ko nanlambot yung katawan ko sa sinabi nya.

Anong tapos pinag sasabi nya?
Kakarating ko palang dito tapos na kami?

Lumapit ako sa kanya at hinawakan yung kamay nya.

"Chest diba ako ang mahal mo diba yon Ang sabi mo?" Nag mamakaawa ako na sabihin nya na oo na ako Lang Mahal nya.

"No aliah" hinila nya kamay nya Kaya nabitawan ko.

"Akala ko ikaw Ang Mahal ko pero nung bumalik si Erika dito naliwanagan ako sya pala talaga ang Mahal ko simula Bata palang kami."
Sagot nya.

Bumuhos ang mga luha ko sa masakit na sinabi nya.
Pinilit ko sa isip ko na nag sisinungaling Lang si chester.

"No chest diba Sabi mo sakin ako lang Mahal mo at papakasalan mo please chester don't do this to me. Bawiin mo sinabi mo" pag mamakaawa ko, Wala akong paki kung nag mumukha na akong kawawa.

"Kung gusto mo lumuhod ako para sabihin mo Lang sakin na nag sisinungaling ka Lang at ako talaga Mahal mo" dugtong ko pa.

Lumuhod ako sa harap nya pero hinila nya lang ako patayo.

"Chester please nag mamakaawa ako Hindi ko alam ang gagawin ko kung mawawala ka sakin" humagulhol na ako ng iyak.

"Nag mamakaawa din ako sayo aliah na lubayan mo na ako kami ni Erika.
Si Erika lang Mahal ko sorry sa mga sinabi ko sayo pero lahat yun Hindi totoo" seryoso nyang Sabi.

"No no chest wag Kang mag sorry Alam ko totoo sinabi mo sakin"

Pinilit ko sasarili ko na nag sisinungaling lang sya.
Hindi ko na alam ang gagawin ko!

"Tama na aliah tanggapin mo nalang na Hindi talaga Tayo ang para sa  isat Isa."

"Chester please alam mo bang nasasaktan na ako, Ang sakit sakit ng pinag sasabi mo."

"Kung ayaw mong masaktan umalis kana dito! Next week na kasal namin ni Erika kaya tanggapin mo na na Hindi talaga Tayo ang para sa isat Isa!"

"Chester please sabihin mo sakin na ako lang Mahal mo" nag mamakaawa na ako.

"Please sabihin mo sa harap ko ngayon please gusto kong marinig"

Hinawakan ko yung mukha nya.

"Sabihin mo sakin ngayon habang nakatingin sa mata ko na ako lang Mahal mo" nag mamakaawa ako baka bawiin nya lahat Ang masasakit na sinabi nya sakin.

Pero nag kakamali ako tinulak nya ako palayo sa kanya.

"Si Erika ang Mahal ko at sya lang ang papakasalan ko Kaya umalis kana" seryoso nyang Sabi.

"Aalis ako ngayon pero babalik ako ipag lalaban kita, Mahal na mahal Kita chester at alam mo yun" Sabi ko at tumalikod na sakanila.

Alam ko nag sisinungaling lang si chester Hindi sya makatingin sa mata ko habang sinasabi nya ang mga katagang iyon.

_______________________
To be continue.............


The Secret Fan GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon