chapter 36

91 3 0
                                    


Aliah's POV

Habang nag iisip ako Kung ano Ang dapat Kong gawin para ma lutas ang problemang to, may biglang nag door bell.

Napabalikwas ako ka agad.
Agad akong kumuha ng walis at pumunta sa pintuan.
Tinignan ko muna yung camera Kung sino yung nasa labas.
Hindi naman to si shane, Kasi pag si Shane to papasok na sya kaagad Kasi Alam nya naman yung code ng condo ko.

Pag tingin ko muntik lumuwa yung Mata ko dahil nakita ko si chester sa tapat ng pinto ko.
Agad ko naman binuksan yung pinto, pag bukas ko naka ngiti pa sya.

"Hi" nakangiting Sabi nya.

"H-hi" sagot ko.

"Akala ko pumasok ka" Saad nya

"Ayaw ko munang pumasok baka bogbogin pa ako ng mga fans mo" sagot ko.

"Sorry dahil sakin napa absent ka" Hindi ko Alam kung malungkot yung mukha nya.

"Hindi mo naman yun kasalanan, kasalanan ng sinumang kumuha nang picture natin yun! At agad agad nalang ina-upload kahit di naman Alam ang totoo!" Gigil kong Sabi.

Natahimik kaming dalawa Ang awkward tuloy ng sistema.

"Ehm.. naparito pala ako dahil inimbitahan ka nang manager namin kakausapin daw nya Tayo."Saad nya.

Huwaaaat! Kakausapin kami ng manager nila?
Ulit ulit ka aliah rinig mo Naman diba!

"Ah ganun ba? Ngayon naba?"
Tanong ko, tumango Naman sya.

"Hala wait lang hindi pa ako naka bihis!" Taranta Kong Saad.

"Mag bihis kana hihintayin nalang Kita" Saad nya.

Patay aliahhh! Nakakahiya naman pag Hindi mo Pina pasok si chester sa loob habang nag hihintay?
Ehhh! Kung papasokin ko Naman sya makikita nya yung mga mukha nila sa loob! Hindi Yun pwede Kaya sa labas ko nalang sya paghintayin kahit nakakahiya.

"Aaaaah pwede dito ka nalang mag hintay sa labas?" Nahihiya kong Sabi.

"Sure" Saad nya.

"Sige mabilis Lang ako mag bihis mga 5 minutes" Saad ko saka sinirado yung pinto at agad kumaripas ng takbo pa puntang kwarto.

Pag ka pasok ko sa kwarto agad Kong kinalkal damitan ko at kumuha ng jeans at black T-shirt.
Wala ng ligo ligo sinuot ko na agad yung jeans at t-shirt saka nag sapatos.
Pagkatapos nag suklay, nag pabango nag toothbrush.
Nag liptint ako kunti at agad kinuha Yung bag ko saka lumabas na at kumaripas ng takbo pa punta sa pinto at binuksan.

"Tara na" Saad ko at sinara ang pinto.

Nag tango Naman sya at na una nag lakad.

May pag ka cold din sya.
Bipolar din sya Kasi kanina nakangiti  ngayon Wala ng reaction Yung mukha nya.

Nang andito na kami sa parking lot lumingon lingon muna ako baka may kukuha na Naman ng picture.
Pumasok si Chester sa kotse nya Kaya pumasok narin ako.

Pag ka pasok ko nag seatbelt na ako at bumuntong hininga.
Kinakabahan ako baka anong sabihin ng manager nila.

Bakit Kasi nangyare pa'to sa amin!
Hindi ko Naman to ginusto kahit baliw na baliw ako Kay chester.
Ayaw Kong masira ang career nya dahil Lang sa fake news na kinalat!
Malalaman ko lang Kung Sino ang may gawa nito bubuhosan ko sya ng mainit na Tubig!

Walang nag sasalita samin.
Pinigilan ko Naman sarili ko na kausapin sya baka isipin nya na feeling close ako! Tas baka isipin nyarin na gusto ko yung nangyare.
Kahit fan nya ako Hindi ko parin gusto ang nangyare.
Ayaw ko namang gulohin Ang buhay nya at ayaw ko din ng magulo na buhay.

The Secret Fan GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon