Aliah's POVTatlong araw na ang nakalipas hindi parin ako lumabas ng kwarto ko.
Pipiliin ko nalang na mawala kesa pumayag sa gusto nila.Nanghihina narin yung katawan ko kaya nakahiga nalang ako sa kama ko.
Siguro maging masaya sila pag nawala ako.
Ganun din naman yun diba? Pinamigay nga nila ako sa taong diko gusto parang pinatay na nila ako nun."Tita si aliah Hindi pa lumalabas ng kwarto niya tatlong araw na nag alala na ako sa kalagayan nya." Narinig kong sambit ni Shane.
"Opo Hindi pa po sya kumakain tatlong araw na din"
"Please po puntahan nyo na po sya dito parang ayaw nya makinig sakin." Naiiyak na sambit ni Shane.
"Sige po salamat po"
Ano na naman Kaya 'tong plano ni Shane? Papapuntahin nya dito sila mommy? Alam ko naman na walang pake yun sakin.
Ilang minuto ang dumaan may narinig akong nag doorbell.
"Aliah, aliah anak" rinig ko yung boses ni mommy sa labas ng kwarto.
"Baby buksan mo 'tong pinto" si daddy.
"Aliah anak mag usap Tayo buksan mo Ang pinto" si mommy sabay katok nya sa pinto.
Dumaloy na naman ang mga luha ko dahil na alala ko na naman yung gusto nila. Wala naman akong kwentang anak diba bakit pa sila nag aksaya ng oras para puntahan ako.
Dahi ba pag nawala ako masisira plano nila para sa kumpanya?"Anak buksan mo na to please" pag mamakaawa ni mommy.
"Hindi nyo naman ako anak diba! Dahil Kaya nyo naman akong ipamigay kahit kanino?" Sigaw ko sa kanila habang umiiyak.
"Anak Hindi sa ganun" si daddy.
"Ganun narin yun! Kaya umalis na kayo mas mabuti pang mamatay na lang ako!" Humagulhol ako ng iyak.
"Anak lumabas ka dyan mag usap Tayo" si mommy
"Ayaw ko! Kahit kailan gusto nyo parin ang masusunod! Wala naman akong kwentang anak diba? Ginawa nyo lang ako para lumago yang kumpanya nyo! Hindi nyo ako Mahal kaya pabayaan nyo na ako!" Letaniya ko habang umiiyak.
"Sige kung ayaw mo makasal i-uurong namin yun, buksan mo lang 'tong pinto" si daddy.
"Oo anak gagawin namin lahat wag ka lang mawala samin" umiyak na si mommy.
"Anak buksan mo na'to please" pag mamakaawa ni daddy.
Hindi ko kayang marinig na umiyak si mommy it's felt like breaking my heart. Kaya dahan dahan akong tumayo sa kama.
Pag tayo ko nahihilo ako parang nanlambot yung mga paa ko.
Yung paningin ko parang umiikot.Pinilit kong maglakad hanggang naka hakbang ako ng isang beses.
Humakbang uli ako, dumilim yung paningin ko kaya natumba ako.*Blaaaaaag*
Tumama yung ulo ko sa may kanto ng study table ko kaya tuloyang nanghina yung katawan at pandinig ko.
"Aliaaaahhh" sigaw ni mommy sa labas ng kwarto ko.
"Kunin mo yung duplicate ng susi" utos ni mommy Kay Shane.
"Opo tita"
"Anak anong nangyare sayo?" Si daddy.
Dinalaw ako ng antok kaya ipinikit ko na ang mata ko para ma tulog.
•••••••••••••••••••••••••
Shane's POV
Tumakbo ako sa kwarto ko at agad kinuha yung duplicate ng kwarto ni aliah. Pinapatago Kasi lahat sakin ni aliah yung mga duplicate dito sa condo.
Ayaw ko naman gamitin tong duplicate para buksan yung kwarto ni aliah lalo na pag gusto nyang mapag-isa.
Binigay ko kaagad Kay tito yung susi, pag bukas ni Tito sa pinto bumungad samin si aliah na nakahandusay at dugoan yung ulo.
"Aliahhh!" Sigaw ni tita at nilapitan agad si aliah.
Agad naman akong tumawag ng ambulance.
"Emergency diamond hotel #138" tawag ko.
"Aliah anak gumising ka" humagulhol na ng ikay si tita habang yakap yakap si aliah na walang malay.
Napahilot naman sa sintido si tito at sinuntok yung pader.
Naiyak nalang ako sa kalagayan ngayon ni aliah.
Sana hindi nila pinilit ang anak nila para hindi nangyare to lahat.Wala akong karapatan sisihin sila dahil anak nila yan.
Dumating agad ang ambulance kaya isinakay nila kaad si aliah.
Sumama si tita at tito nag paiwan muna ako para linisin yung dugo na andito sa sahig.Kumuha ako ng basahan at pinunas yung dugo.
Nanginginig yung kamay ko habang pinunas ko yun.
Awang awa ako ngayon kay aliah subrang nasaktan sya sa mga nangyayare.Ayaw kong mawala ang kaibigan ko!
Sana binuksan ko na kaagad yung pinto para hindi nangyare ang lahat ng to! Sising sisi ako sa sarili ko! Dahil bilang kaibigan nya Hindi ko sya kayang protektahan!•••••••••••••••••••••
Aliah's POV
Masakit ang ulo ko kaya napahawak ako sa ulo ko.
"Uhmmm"
Iminulat ko yung mata ko at nakita ko ang puti lahat!
Patay naba ako? Waaaaaaah!!! Seryoso patay na ako!??
Noooooo wayyyy!! Papakasalan pa ako ni Chester!!"Aliah buti gising kana" nakita ko si Shane na naka ngiti.
Pati si Shane patay na? Anong kinamatay nya?
"Multo kana rin Shane?" Tanong ko.
"Ha? Multo saan bat kapangalan ko pa!?" Takot na Sabi ni Shane.
"Bat andito ka sa langit?"
"Anong langit pinag sasabi mo?"
"Dito! Diba nasa langit na Tayo? Anong kinamatay mo?"
"Pinag sasabi mo baliw!" Si Shane at binatukan ako ng mahina.
"Aray Naman!" Reklamo ko dahil medyo masakit yung pag batok nya.
"See may patay bang nasasaktan loka to!" Pag tataray nya.
"Oo ngano isa panga" Saad ko at binatukan ako ulit ng medyo may kalakasan.
"Aray bat mo nilakasan!" Inis Kong Sabi.
"Sinabi mong batukan Kita Kaya sumunod lang ako nag reklamo kapa!"
"Anak" napatingin kaming dalawa ni Shane sa may pinto.
Napaiyak naman ako ka agad ng malala ko na naman yung kasalan thingy!
"Sssssssh" lumapit sakin si mommy at niyakap ako.
"Please mommy wag nyo na po akong ipakasal" humagulhol kong sabi.
"Ssssssshh tahan na oo Hindi na baby" si mommy at hinagud nya yung likod ko para patahanin ako.
"Mahal ka namin anak kaya wag kang mag isip na hindi ka namin mahal ng daddy mo" si mommy sabay hinalikan nya yung noo ko.
"Mahal na mahal Kita baby tandaan mo yan" si daddy at hinalikan ang noo ko.
"Mahal ko din po kayo"
"Tahan na ha" si mommy at pinunas nya yung mga luha ko.
"Wag nyo na po akong ipakasal sa kahit kanino"
"Yes baby hinding hindi na" si daddy.
__________________________
To be continue....................
BINABASA MO ANG
The Secret Fan Girl
Teen FictionKung ang isang secret fan girl na patago lang ang kanyang pag hanga sa kanyang mga inidolo ay makikilala sya Hindi lamang sa kanyang inidolo kundi sa lahat. Ano Kaya Ang mangyayari sa ating beda? Masaya ba sya na makilala sya ng ibang ka fan girl ny...