chapter 34

112 5 0
                                    

Pag karating ko sa condo ko pinindot ko na yung code ng condo ko para maka pasok na.

Pag pasok ko nakapatay na ang ilaw Kaya dumiritso na ako sa kwarto.
Pagkarating ko sa kwarto nag bihis na ako ka agad at humiga sa Kama.

Hindi parin maalis sa isip ko yung Sinabi ni chester tungkol kay Marie at tita. Nakakalungkot talaga.

Pinilit ko yung mata ko na matulog at dahil pagod ako kaya nakatulog na ako agad.

*Krrrrrinnnggg kringggggg* alarm clock.

"Uhgggg.." ungol ko

Kinapa ko yung alarm clock at pinatay saka bumalik sa pag tulog.

"Aliaaaaaah marieeeeeeee!" Sigaw ni Shane sa tapat ng nakasarang pintuan ko.

Eeeehh! Tinakpan ko yung tinga ko gamit Ang unan ko pero na ririnig ko parin yung malakas na boses nya.

"Aliaaaaaah mariiiiieeeeeeee!" Sigaw nya.

Inis akong bumangon at pumunta sa pintuan para buksan ito.

Pag bukas ko pa lang ng pintuan,
Hinawakan agad ako ni Shane sa mag kabilang balikat ko.
At seryosong nakatingin sakin ng deritcho.

"Alaih sumagot ka" seryosong Saad nya.

"Ano" walang gana kong saad at napahikab pa ako.

"Ang baho ng hininga mo!" Sabi nya sabay napa takip sa ilong nya.

"Alam mong kakagising lang ano ba Kasi yun binubulabog mo ang magandang pag tulog ko!" Inis kong Sabi habang kinakamot ang tyan ko.

"Anong ibig sabihin nito?" Ipinakita nya yung phone nya.

Lumaki ang mata ko sa nakita ko.
Kaming dalawa ni chester kasama Ang mama nya nag tatawanan.
Sino naman Kaya Ang kumuha ng litrato na Yan?

"Ipaliwanag mo nga Yan?" Seryoso Saad ni Shane.

"Wala akong Alam Jan" taranta kong Sabi.

"Alam mo bang trending kayong dalawa? At maraming galit sayo" si shane.

"At ito pa " si Shane at nag kalkal sya sa cellphone nya at hinarap agad sakin.

"Ipaliwanag mo Yan"

Nakita ko yung picture na bumaba ako sa kotse ni chester.

Holyshit! Juscolord! Sinong kumuha ng mga picture na'to?
Napalakad ako pabalik sa Kama ko na Parang wala sasarili.
Umupo ako sa kama at inisip ng maigi yung mga nangyare.

Pinag sisihan ko yung nangyare kahapon sana Hindi nalang ako pumayag na ihatid nya ako.
Siguro hindi to nangyare lahat.

Sana panaginip Lang to!

Paano na pano na kung malaman nila mommy at daddy to?
San ako pupulutin?
Bibabalik nila ako sa leyte?
Pano na pano na ang pag fafan girl ko?

Sana nga panaginip nalang ang lahat ng to!

"Sampalin mo ko Shane "

*Pak*

"Aray! Bwesit ka bat mo ko sinampal!" Inis kong Sabi na nakahawak sa pisngi ko.

"Sabi mong sampalin kita, kaya sinampal Kita." Sabi nya.

"Akala ko panaginip lang ang lahat ng to!" Malungkot kong Sabi.

"Pano na yan pag Yan naka abot kela tita pano na?" Malungkot din na Saad ni Shane.

"Hindi ko alam, Sana Hindi nalang ako pumayag sa sinabi ng mama nya" Sabi ko

The Secret Fan GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon