chapter 61

127 5 0
                                    


Chester's POV

Tahimik lang kaming tatlo habang nasa biyahe.
Mahaba haba pa ang biyahe namin Kaya inaantok na ako.
Tinignan ko si mj naka tingin sya kay Aliah, Kaya pasimple ko syang kinalabit saka tinignan ng masama.
Nakangisi lang sya, iniinis talaga nya ako.

Humikab hikab na si aliah mukhang inaantok na sya.

"Inaantok kaba?" Tanong ni mj Kaya sinamaan ko sya ng tingin.

"Hindi" sagot ni aliah.

Hahahaha buti nga napahiya pa sya.

"Sabihin mo lang kung inaantok ka, pwede Kang humiga sa balikat ko" nakangiting Sabi ni mj at pasimple na tumingin sakin.

Nang iinis talaga to! Well naiinis na talaga ako sa kanya!

"Ehmmm...!" Panira moment ko sakanilang dalawa.

Tumahimik naman sila Kaya ibinaling ko yung tingin ko sa labas.
Maganda Ang tanawin na nadadaanan namin parang nasa probinsyana na kami.
Siguro sariwa ang hangin dito dahil sa mga kahoy na naka palibot.

Sa tagaytay pala ang field trip namin Sana maging ok ang lahat at Sana masabi ko na ang gusto kong sabihin kay aliah.

Binalik ko yung tingin ko kay aliah, paduko duko na sya mukhang inaantok na sya.

Hahawakan ko nasana yung ulo nya ng tinapik ni mj Ang kamay ko at inihiga nya nasana ang ulo ni aliah sa balikat nya pero pinigilan ko.
Tinapik ko ng malakas Yung kamay ni mj Kaya napa bitaw ito at sinamaan ko sya ng tingin.

Kinuha ko yung ulo ni aliah at dahan dahang inihiga sa balikat ko.
Hindi pa ito naka patong sa balikat ko ng biglang kinuha ni mj at agad inilagay sa balikat nya.
Sinamaan ko sya ng tingin, nginisihan lang nya ako.

Gumalaw yung ulo ni aliah at inihiga nya ito sa balikat ko kaya na gulat ako.
Napatingin si mj sakin Kaya binilatan ko akala nya ah.

Walang nagawa si mj Kaya tumigil na sya, dapat lang sakin lang si aliah!

Nakangiti akong pinag masdan sya mahimbing syang natutulog sa balikat ko.  Hindi ko Kita yung buong mukha nya dahil natatabunan ito ng buhok nya. Pasimple kong inilagay yung mga hiblang ng mga buhok nya sa likod ng tainga nya.

Tinapik naman ni mj yung kamay ko kaya napa bitaw ako.
Pinang dilatan nya ako ng mata kaya sinamaan ko sya ng tingin.

Akala nya ha, sakin parin si aliah!

••••••••••••••••

Vishnu POV

Pag ka upo ko palang sa upoan ko nabigla ako ng umupo si Shane sa tabi ko Kaya biglang tumalon yung puso ko.

"Hi" bati nya sakin.

"H-hi" langya na uutal ako.

"Katabi pala Kita napaka swerte ko Naman" naka ngiti nyang Sabi.

Hindi ako nakasagot dahil kinakabahan ako.
Ina talaga sya sa ibang babae Kaya ko sya na gustohan.

Nung unang Kita ko palang sa kanya sa room iba na yung tingin ko sa kanya Bigla bigla nalang Kasi tumitibok ang puso ko.
Hindi ko alam kong bakit kaya palihim ko lang syang tinitignan sa malayo. At nalaman ko narin na ako yung bias nya sa xyz Kaya subrang na tuwa ako ng malaman ko yun.

"Hoy! Anyare sayo natulala ka? Natulala ka sa kagandahan ko? Ahahah" tawa nyang Sabi.

"Ha? Ma-may iniisip lang ako" utal kong Sabi.

Bakit ba na uutal ako? Napaka halata mo na Vishnu!

"Ahhh, ako ba iniisp mo?"biro nyang Sabi.

"Oo ay iste hindi"

The Secret Fan GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon