chapter 49

89 5 1
                                    

Nag umpisa na yung party nag sayawan naman yung iba.
Panay Kain lang ang ginawa ko dahil Hindi naman ako mahilig sa sayaw.

"Sayaw Tayo" yaya ni Shai.

"Sige ikaw aliah sasayaw ka?" Tanong ni Shane sakin.

"Kayo nalang dito nalang ako" sagot ko.

"Dapat nag e-enjoy tayo ngayon first time natin to" si Shai.

"Oo nga aliah tara na sayaw na tayo" si Shane.

"Kayo muna nahihiya ako"

"Ayaw mo talaga?" Si shai

"Sige dito ka lang ha " si Shane

"Panoorin mo nalang kami na sumasayaw" si Shai.

"Sige" sagot ko

Nag lakad na sila at pumunta sa dance floor.

Kain lang ako ng kain dito hanggang huminto yung music at pinalitan ng sweet music.

Bumalik naman sila shane at shai dahil nga wala silang ka sayaw.

"Kakainis pinalitan kaagad!" Inis na Sabi ni Shane pag dating nila sa mesa.

"Oo nga nag eenjoy pa naman tayo!" Si Shai.

"Hanap kayo ka sayaw" Saad ko habang ngumunguya.

"Ayaw ko nga gusto ko si Kurt Lang kasayaw ko!" Si Shai

"Ako din si Vishnu lang gusto Kong isayaw!" Si Shane.

Napaka taas ng pangarap nila kailan Kaya iyon ma tutupad?
Asa pa sila na isayaw sila eh may ka date yun, ka date nila ang fabulous girls.

Huminto yung sweet music at nag salita na naman ang mc.

"NAG ENJOY BA KAYO? SO NGAYUN PAPANOORIN NATIN ANG XYZ NA MA ISAYAW NILA ANG KANILANG KA DATE" Yung mc

Kinabahan naman ako sa sinabi ng mc. Isasayaw Kaya ako ni chester?

Napatingin ang lahat sa xyz, tumayo ang xyz maliban kay chester at vishnu at nag lakad pa punta sa mesa ng fabulous girl. Nilahad nila ang kamay nila sa fabulous girls at tinanggap naman nila ito.
Pumunta sila sa gitna at sumayaw.

Tahimik lang kaming lahat na nanood.
Si Shai naman nag seselos dahil nga hindi sya yung inisayaw ni Kurt.

"Kainis " si Shai.

"Buti pa si Vishnu ko loyal sakin" si shane.

Napatingin ako kay chester na ngayoy nakatingin din pala sakin.
Nginitian ko lang sya saka umiwas ng tingin.

"Pwede ko 'bang isayaw ang girlfriend ko?"

Napalingon ako sa nag salita, Hindi ako nag kakamali si chester to.
Nakangiti sya na inilahad ang kamay nya sakin.

Ang bilis nya Naman atang naka punta dito?

Kinilig na naman yung maharot kong mga sells Kaya napa oo na ako kaagad.
Diba ang harot! Dapat Kasi nag papakipot pa hahah!

"Ayiiiieeeeh!" Si Shane at Shai.

"Papayag nayan" kinilig na sabi ni Shane.

"Bilis na wag ng mag pakipot" si Shai.

Ngumiti ako sa kanya at kinuha ko yung kamay nya.
Tumayo ako at nag lakad kami pa puntang gitna.

Kinakabahan ako nang makarating na kami sa gitna.
Hindi ko Kasi alam ang gagawin ko at nahihiya ako Kay chester ngayon dahil Hindi ako marunong sumayaw.

Inilagay ni chester yung kamay nya sa bewang ko kaya lumakas na naman Ang tibok ng puso ko.
Parang kenuryente ako ng hawaka nya yung bewang ko.

"Wag kang mahiyang tumingin sakin"

The Secret Fan GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon