chapter 81

64 2 0
                                    


Chester POV

Napa upo ako ka agad sa lamesa diko inakala na masasabi ko yun kay aliah.
Ramdam ko yung sakit na nararamdaman nya kanina sa mga masasakit na katagang binitawan ko.

I don't want to hurt her pero kailangan.

Hinding Hindi ko makakayanan na sarili kong ama tatalikuran ko dahil Kay Aliah.

I love her, I love her so much!

Masakit sakin na sabihin yun pero Wala akong choice kundi sabihin yun para lubayan nya ako.

Gustong guso kong punasan yung mga luha nya kanina pero pinipigilan ko Lang.

Gusto Kong bawiin lahat ng sinabi ko at sabihin sa kanya na Mahal na mahal ko sya, pero hindi pwede.

Ipit na ipit na ako sa sitwasyon nato!
Nahihirapan din ako na makitang  umi-iyak ang babaeng Mahal ko.

Ito lang Kasi ang paraan para masalba ko yung company namin.
Ang companya nalang yung nag bibigay saya Kay daddy Kaya ipag kakait ko pa ba?

Sorry aliah sinaktan na naman kita ulit. Hindi ko intensyon na saktan ka pero wala akong magagawa.
Mahal na mahal kita kaso sa sitwasyon na'to si daddy ang pipiliin ko.

"Are you okay oppa?"

"Don't mind me I'm okay" sagot ko kay Erika.

"So itutuloy na natin yung lulutuin natin?"

Bumuntong hininga ako saka tumayo.

"Let's go" Saad ko.

•••••••••••••••

Aliah's POV

Tatlong araw nalang kasal na nila chester at Erika.
Bukas narin yung graduation namin pero wala akong gana para mag prepared.

Iniisip ko parin hanggang ngayon yung mga sinabi sakin ni chester.
Hindi ako na niniwala sa kanya. kitang kita ko sa mga mata nya na nasasaktan sya, kaya hindi sya makatingin ng deretcho sakin.

Pero masakit parin yung mga sinabi nya sakin.
Alam kong hirap na hirap na sya sinabi narin sakin ni Kurt na para sa kumpanya nila Kaya napilitang mag pakasal si chester kay erika.

I love him so much kaya di ako mag papatalo ipag lalaban ko sya.
Napaka weird man dahil babae ako at ako yung nag hahabol, Wala eh Mahal ko sya Kaya kahit ano gagawin ko.
Alam ko naman na mahal nya rin ako pero hindi nya kayang talikuran ang daddy nya para sakin, kaya na iintindihan ko sya.

Mag hahanap ako ng paraan para hindi ma tuloy ang kasal nila.
Gagawin ko ang lahat para kay chester.

Ganyan naman ang nag mamahal diba? kahit masakit, kahit nahihirapan kana pag Mahal mo talaga hindi mo bibitawan.
Sa lagay namin ngayon ni chester mahal namin ang isat isa di nya lang kayang talikuran ang daddy nya.

Ayaw ko naman na talikuran nya ang daddy nya para sakin, pero nasasaktan parin ako dahil hindi ako ang pinili nya.
Pero na iintindihan ko naman sya.

Kinabukasan....

"Aliah bilisan mo na Jan" tawag sakin ni Shane.

"Sandali lang"

"Bilisan mo jan excited na ako" sigaw ni shane.

Lumabas na ako sa kwarto ko, agad naman akong hinila ni shane.
Muntik na nga akong natalisod ikaw ba naman kaladkarin.
Hindi naman halata na excited sya diba? Hahahaha

Ngayon na pala yung graduation namin kaya napaka excited ni Shane sya Lang naman yung top 1 samin.
Ganyan ka talino si shane.

Pag karating namin sa school tulad parin ng dati naka tingin silang lahat sakin. Alam kasi ng lahat na ikakasal na si chester bukas kaya ganyan nalang sila maka tingin at mag bulongan sa harap ko.

"Kawawa naman Hindi kayang ipag Laban"

"Hindi naman Kasi mahal Yan ni chester"

"Oo nga sya lang yung patay na patay Kay chester"

"Pwede ba tumigil na kayo? At isa pa ha hindi nyo alam ang buong kwento kaya tumigil na kayo!" Sita naman no Shane Kaya nag si takbuhan yung mga babae.

"Dapat hinayaan mo nalang sila" Saad ko.

"Hindi pwede yun, hindi ko hahayaang saktan ka nila!"

"Wow sweet naman"

"Naman what's friends for?"

"Ayiieeee kinilig na ako hahahaha"

"Parang tanga Tara na nga!" Sabi nya at hinila na ako.

Na una na kami susunod nalang daw Kasi sila mommy at daddy.
Yung parents ni shane hindi makaka dalo dahil nasa state sila.
Okay lang naman yun ni shane naiintindihan nya naman yun.

Fast forward.......

Natapos na yung graduation namin lahat kami dito nag pipicture nalang.
Selfie dito selfie doon ang saya says nila tignan.

Akalain nyo yun nakapag tapos na ako ng high school parang kahapon lang nang mag transfer ako dito.
Ang bilis talaga ng panahon akalain nyo yun graduate na ako.

Umuwi narin sila mommy at daddy dahil busy sila sa business dumalon lang talaga sila pang bawi lang sa nakaraang mga taon na Hindi nila ako naka sama.

Alam na din nila mommy at daddy na ikakasal na si chester kay Erika Kaya nag alala sila sakin.

Andito pala si chester madaming nag papa picture sa kanya last day na Kasi namin dito sa school na'to kaya sinusulit na.

Mamimiss ko 'tong paaralan na'to dito ko kasi maranasan ang katulad sa mga Wattpad story.
Napaka memorable ang taon na ito madaming nangyayare sa buhay ko.

Tinitignan ko lang si chester sa malayo yung tipong di nya ako mahahalata na tinitignan sya.
Gustong gusto ko syang kausapin o lapitan kaso hindi pwede anjan Kasi si erika.

Ang saya saya nila tignan parang mag asawa na.
Nakakainggit!

Siguro oras na na bitawan ko si chester, masya naman sya kay Erika.
Siguro tama na yung naranasan ko na mapansin ako ng iniidolo ko.
Siguro Hindi talaga kami para sa isat isat.

Diba napaka bilis ng desisyon ko kanina lang umaga ayaw na ayaw ko na makasal sya kay erika.
Ngayon bibitawan ko na sya.

Na realize ko kasi na baka di talaga kami para sa isat Isa.
Siguro hanggang don lang talaga kami.

Mahirap ma na tanggapin na Hindi ako yung para Kay Chester, pero dapat tanggapin ko nalang.

Inggit na iingit ako kay erika nasakanya yung taong Mahal na mahal ko. 

Napaka unfair ng buhay diba?
Bakit ba Hindi nalang kasi pag gusto mo Ang isang tao dapat gusto Karin nya at agiging kayo habang buhay.

Ang unfair!!

"Hoyy,... Okay kalang ba jan" siko sakin ni Shane.

"Parang napaka lalim ng iniisip natin ah?" Dugtong pa nya.

"Ano ba Kasi iniisip mo?" Tanong nya .

"Wala " sagot ko.

"Wala daw tas tulala"

"Wala nga Tara na nga sa Jollibee" sabi ko at agad na tinalikuran sya.

Good bye chester Sana maging masaya ka kay Erika pinapalaya na Kita.

Ganun Naman talaga eh, dapat masaya tayo kung San masaya ang Mahal mo.
Dapat tanggapin natin ang katutuhanan na hindi natin makukuha ang lahat ng gusto natin.

_______________________
To be continue............

The Secret Fan GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon