Aliah's POV2 weeks na ang dumaan na andito ako sa leyte. Sa 2 weeks na yun andito parin yung sakit. Kahit diko na nakikita yung taong nanakit sakin pero andito padin.
Mag coconcert na ang xyz gustong gusto ko manood pero napakasaya ko na sa kanila.
Nag bakasyon din sila mama at Papa dito dahil nag alala sila sakin,
Hindi Kasi ako lumalabas ng kwarto.
Walang nagawa si daddy nung sinabi nya Kay mommy na pabalikin ako sa manila.Kahit ngayon lang payagan nila akong manood ng concert ng xyz, kahit sa susunod Hindi na.
Gustong gusto ko kasing maranasan ang manood ng concert.Naka higa lang ako ngayon sa Kama ko at walang plano na lumbas.
Pagka dating ko palang dito sa leyte nag kulong ma agad ako sa kwarto."Baby" katok ni daddy sa pinto.
"Baby kumain kana"
"Wala akong gana" sagot ko
"Ano ba gusto mo para kumain kana?"
"Gusto ko bumalik sa manila"
"Pero ayaw ng mommy mo"
Binuksan ko yung pinto para maka pasok si daddy sa kwarto ko.
"Daddy please concert bukas ng XYZ gusto ko ma nood kahit ngayon lang" pag mamakaawa ko kay daddy.
"Pero baby magagalit ang mommy mo"
"Dad please kahit ngayon lang po"
"Hindi pwede baby magagalit sakin Ang mama mo" si daddy sabay lumabas sa kwarto ko.
"Dad please!!" Nangingiyak kong Sabi.
Wala akong magawa kundi mag kulong sa kwarto ko tutal di nila ako papayagan.
Mabuti pa sigurong tatakas nalang ako.
Kahit ngayon lang mamaka nood ako ng concert, na ibili na ako ni Shane ng ticket kaya Wala ng problema.
Ang problema nalang ay Kung paano ako makakatakas dito.Kahit ngayon Lang, kahit Hindi na nila ako papuntahin sa manila ok lang Basta maka nood ako ng concert nila.
Matagal ko na kasi 'tong pangarap Ang maka panood ng concert nila.Sana ngayon makakanood na ako, Hindi ko na aalsayahin ang panahon na'to. Kahit magalit sila sakin ayos Lang Basta tapos na akong makapanood ng concert ng mga idol ko.
Bumangon ako sa Kama at kinuha ang itim na bag ko. Nag impaki ako para sa pag takas ko mamayang Gabi.
Di ako makakapayag na Hindi ako makanood ng concert nila.Kahit magalit sila mommy sakin bahala na basta makakanood ako.
Bat ba Kasi Hindi nila ako tanggapin bilang anak nila na fan girl?
May masama ba sa ginawa ko?Lahat ng kailangan ko ay na isilid ko na sa bag ko.
••••••••
Alas 12 na ng Gabi Kaya bumaba na ako, soot ko ang black jeans at black hoodie ko. All black ako ngayon para pag may nakakita sakin di nila ako makikilala.
Pumunta muna ako sa kusina at binuksan ang refrigerator saka kumuha ng pagkain at isinilid sa bag ko.
Madali akong nakalabas sa bahay dahil walang bodyguard dito.
Pag kalabas ko sa bahay agad ako pumunta sa bus station.Sasakay ako ng bus papunta sa airport.
May naipon naman akong pera malaki laki din to para maka rating ako sa manila.
Wala pang katao tao dito sa bus station dahil alas dose pa Kaya mag hihintay muna ako.
Sakakahintay ko dinalaw ako ng antok Kaya humiga muna ako sa upuan.

BINABASA MO ANG
The Secret Fan Girl
Подростковая литератураKung ang isang secret fan girl na patago lang ang kanyang pag hanga sa kanyang mga inidolo ay makikilala sya Hindi lamang sa kanyang inidolo kundi sa lahat. Ano Kaya Ang mangyayari sa ating beda? Masaya ba sya na makilala sya ng ibang ka fan girl ny...