chapter 41

94 3 0
                                    


Nang maka pasok na kami sa entertainment nila agad naman akong binitawan ni chester.
Nag lakad sya papasok sa elevator Kaya sumunod ako.
Walang nag sasalita samin ayaw ko naman mag salita dahil kinakabahan ako.
Malakas pa kasi yung tibok ng puso ko parang aatakihin ako ng heart attack sa subrang lakas.

Tahimik lang kami hanggang makarating na kami sa tapat ng pinto ng office ng manager nila.
Tumingin sya sakin at nag smile Kaya bumilis ulit yung tibok ng puso ko.

Nako naman chester gusto mo talaga akong mamatay!

Binuksan nya na yung pinto Kaya mas Lalo tuloy akong kinabahan.
Nakita ko si manager na naka upo at seryoso ang mukha nya.
Pumasok kami at agad umupo sa sofa sa tapat ni manager.

"Bakit nyo kami pinatawag?" Agad na tanong ni chester.

Bumuntong hininga si manager at nag salita.

"Ege-guest kayo mamayang gabi"

O_o

Nabigla ako sa sinabi ni manager.

"What!?" Gulat na saad ni chester.

"Kaya mag handa na kayo Kung anong isasagot nyo, Basta act like a real couple Yan ang dapat gawin nyo" paliwanag ni manager.

Nag katinginan lang kami ni chester pero agad nya naman itong iniwas.

For real talaga!? Ege-guest kami?
Nako naman to the highest level na'to!
Bat may pa ganyan ganyan pa?

"Pero sir di ako sanay sa mga ganyan?" Saad ko

"Si chester na balaha sayo"

Tinignan ko si chester parang wala sya sasarili nya.
Hayssst! Ang weird nya.

"Chester ikaw na bahala Kay Aliah dapat mapapaniwala nyo sila na couple talaga kayo." Si manager

••••••

Lumabas na kami sa office ni Manager.
Wala akong ka alam alam sa guest guest na Yan!
Tas wala akong isusuot!
Puro lang Kasi t-shirt short jeans yung mga damit ko.

"Ehmm.. chester ano bang dapat isuot"lakas loob kong tanong habang nag lalakad kami pa punta sa elevator.

"Casual dress meron ka?" Sagot nya.

"Wala eh" sagot ko

Eh! Wala akong ganayan Hindi Kasi ako hilig sa mga ganyang damit.
Subrang babae Kasi tignan pag naka casual dress.

Nang nakababa na kami agad kaming sumakay sa kotse nya.
Tahimik lang kami habang nasa biyahe.

Alam nyo guys ang weir nya pansin nyo Yun?
Kasi kanina nung nasa school pa kami sya yung kumakausap sakin.
Ngayon ang tahimik nya.
May nasabi ba akong mali bess?

Hininto nya yung kotse nya Kaya napatingin ako sa labas nasa mall kami.
Hala bat dito nya ako dinala ano bang gagawin namin dito?

Agad akong tumingin sa kanya bat kami andito sa mall madami pa namang tao dito.

"Anong gagawin natin dito?" Tanong ko.

"Ibibili Kita ng damit para mamaya" sagot ko

"Nako wag na manghihiram nalang ako Kay Shane meron naman siguro sya nun" sagot ko

Hindi sya sumagot bumaba sya sa kotse nya para pag buksan ako ng pinto.

Nilahad nya yung kamay nya kaya inabot ko naman may mga naka tingin Kasi samin.
Kaya aarti kami na mag jowa talaga.
Sinara nya naman yung pinto ng makalabas na ako.

The Secret Fan GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon