chapter 35

116 5 1
                                    

Shane's POV

Nang makarating ako sa school madaming nag aabang na fans ng XYZ
Yung iba mga outsider.
May mga dala silang water gun, itlog kamatis.

Alam ko kung para kanino yan para kay aliah Yan.
Naawa ako kay best friend ko dahil nga dun sa photo nila chester na kumalat.
Nag alala ako na baka malaman ng mga magulang nya, Alam kong mahigpit sila tita pag dating sa mga pag fafan.
Kesho daw masira ang pag aaral ni aliah. Eh pinag bubutihan nga nya yung pag aaral nya.

Hayssssst! Sino ba kasing kumuha ng picture nayon!
Pag talaga nalaman ko kung sino kumuha ng picture na yun ilulublob ko talaga sya sa acido!
Walang hiya sya! Inggit lang sya Kay aliah! Naiinis talaga ako! Lalo na sa nababasa kong comments!
Hindi na makatao yung iba papatay talaga sila dahil lang sa picture na yun! na wala silang alam kung ano Ang totoo?

Tssssss!

Bagay naman sila aliah at chester inggit lang talaga sila!

"Ang tagal naman ng bruhang Yun!"

"Natakot na ata mag pakita!"

"Mag pakita lang sya sisiguraduhin kong babalik sya sa sinapupunan ng nanay nya!"

"Bwesit syaaaa Ang tagal!"

Yan yung naririnig ko dito.
Sarap kulamin tong mga bruhildang to!

"Shane" napalingon ako dahil may tumawag sakin.

"Alam mo na yung balita?" Agad na Saad Ni Shai ng makalapit na sya samin.

Nag tango lang ako bilang sagot.
Wala akong gana makipag usap ngayon.

"Kawawa naman si Aliah, kumusta sya?"

"Ayun nasa bahay lang Hindi ko pinapasok" sagot ko.

"Totoo ba na may relasyon sila ni chester? Ang sweet kasi nila tas Parang boto yung mommy ni chester"

"Hindi Yun totoo hinatid Lang Ni chester si Aliah Yun Ang utos ng mama nya, tas yung nasa kusina nag uusap lang sila nun Wala silang relasyon! Ma issue lang talaga yung mga tao!"inis Kong sagot.

"Hayssssst! Oo nga naaawa ako kay aliah" malungkot na Saad nya.

"Basta Alam natin Ang totoo na Hindi nilandi ni aliah si chester" Saad ko

"Tama Tama!" Si Shai.

Nang maka pasok na kami sa room agad akong hinarang ni queen.

"Asan na yung kaibigan nyong malandi!" Nakataas na kilay na Sabi nya.

"Hindi sya papasok" sagot ko at nilagpasan na sya.

"Buti nga sa kanya napaka landi Kasi!" Diin nyang Sabi.

"Alam mo ba na si kim lang Ang gusto ni chester? Kawawa Naman ng friends nyo daming nag babash!" Nang aasar na Saad ni queen.

"Tama na yan queen!" Si Kurt.

"Shut up! Sabihin mo sa kaibigan mo na mag pakalayo layo na Hindi pa yan aabuti nya! Hahahaha!" Sabi nya sabay tumawa habang pabalik sa upuan nya.

"Bwesit ka!" Sigaw ko saka tumakbo at hinla ang buhok nya.

"Aaaaaaah!" Sigaw nya dahil kinaladkad ko sya pa atras Kaya napa sunod sya sakin.
Dapat Lang sumunod sya para Hindi sya ma kalbo.

"Araaaaaay bitawan mo koooo!" Sigaw nya.

"Ikaw ba ang may kagagawan ng lahat ng Yun!" Hinarap ko sya at sinigawan.

Nang gigigil ako sa hayop na'to!
Gusto Kong kalbuhin to!

"Tama na Yan" awat ni Kurt at mj.

"Wag kang makisali dito!" Sigaw ko sa kanila.

Hindi ko na mapigilan ang sarili ko pag ang kaibigan ko na ang ginago!
Lagi akong pinag tatanggol ni aliah kaya sya naman ngayon ang ipag tatanggol ko sa hayop na bruhang to!

"Araaaaaay! Ano ba! bitawan mo ko nasasaktan na ako!" Sigaw ni queen.

"Masasaktan ka talagang hayop ka!" Bulyaw ko sa pag mumukha nya saka tinulak ng malakas.
Sinalo Naman kaagad nila Kurt Kaya Hindi na tumba.

"Pag babayaran mo 'tong ginawa mo sakin!" Galit nyang Sabi at lumabas sa room.

Tssssk! Inumpisahan mo Kaya tataposin ko lang bwesit ka!

"Wala pala yung kaibigan nyong bruha!" Pang iinis ko sa mga kasamahan nya saka inayos Ang sarili ko at umupo na sa upuan ko.

"Hintayin nyo ang higanti ni queen!" Si angel.

Nag role eyes Lang sila at lumabas sa room.
Tssssk! Simula ngayon Hindi na ako mag papaapi sa kanila!
Lalaban na kami! Sino ba sila para katakutan!

Matapos ang lahat ng morning class Kaya niligpit ko na lahat ng gamit ko.
Para maka punta na sa canteen gutom na ako nagutom ako sa ginawa ko kanina.

Lumabas na kami ni Shai sa room para pumunta na sa canteen.
Lahat ng dinadaanan namin na studyante pinag bubulongan kami.

"Hindi kaba natakot Kay queen?" Tanong ni Shai habang nag lalakad kami.

"Hindi Sino ba sya para katakutan sya!" Walang gana na sagot ko.

"Iba pag ginalit si queen yan Ang Sabi nila dito"

"Wala akong paki! Iba din ako pag ginalit kakain ako ng tao aaaaarrrrr!" Saad ko saka tinakot si Shai.

"Buti pa kayo Ang lakas ng confident nyo para kalabanin si queen, Kasi ako natatakot ako sa kanila" Saad nya.

"Wag Kang matakot tao lang din sila katulad natin!"

Nang makarating na kami sa canteen kumuha na kami ng pag kain namin.
Pagkatapos umupo na sa bakanting lamesa.

Habang kumakain kami pinag titinginan kami ng mga studyante sabay nag bubulongan.
Hindi ko Yun pinansin!
Hindi ako pumunta dito para pansinin sila pumunta ako dito para kumain.

Habang kumakain ako bigla nalang akong napa balikwas dahil sa tubig na tumapon sakin.

"Hahahaha!" Taw'anan Ng lahat.

"Ano nagulat ka!" Napangisi nyang Sabi.

"Hindi ba halata!" Sarkastiko Kong sagot at nag punas.

*Pak*

Nahinto ako sa pag punas ng sinampal ako ni queen.

"Aaaaaaawwww!" Kanchaw ng lahat.

"Ano masakit ba?" Nang iinis nyang Sabi.

*Pak*

sinampal ko sya, na gulat ang lahat sa ginawa ko.

Nagulat sya sa ginawa ko lumaki pa nga yung mata nya.

"Sagutin mo ang tanong mo!" Sabi ko sabay umalis na sumunod Naman kaagad sakin si Shai.

Walang nangyare sa afternoon class nag discuss lang naman.
Wala namang shooting ngayon kaya umuwi na ako.

Nag alala din ako Kay Aliah kaya inagahan ko na ng uwi.

Pag ka baba ko sa taxi nakita Kong madaming nag aabang na fan ng xyz at may hawak silang water gun, itlog at kamatis.

Nakakainis pati ba naman dito nag aabang sila!
Nanganganib talaga si Aliah ngayon!
Hindi lang sa parents nya kundi sa mga baliw na fan ng xyz!

Nang makapasok na ako sa condo namin agad akong pumunta sa kwarto ni Aliah.

"Aliah"

Walang sumagot, Kaya binuksan ko na yung pintuan pag bukas wala akong nakitang Aliah.
Kaya nag papanik na ako hinalughog ko buong condo pero wala talaga sya!

Asan sya nag punta?

Nalaman na ba ng mga magulang nya??

_____________________
To be continue.........

Comment/share/vote

The Secret Fan GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon