Hindi parin maalis sa mga labi ko yung ngiti kahit andito na kami sa tapat ng condo ko.
Subrang saya ko dahil marami ng nag mamahal samin at tinanggap na nila ako bilang girlfriend ni chester.
Pero hindi rin maalis sa isip ko yung pag alala baka malaman nila na fake lang ang lahat.
Masasakta namin yung mga sumusuporta samin.
Alam Kong magagalit sila pag nalaman nila na niluluko lang namin sila.Pati ako masasaktan ako pag malalaman na nila ang katutuhanan.
Masasakta ako dahil Mahal ko na si chester at ayaw ko na syang pakawalan.
Kung pwede lang totohanin ang lahat ginawa ko na.Ano ba 'tong pinasok mo aliah masasaktan ka talaga sa mga ginagawa mo.
Wag ka talagang iiyak pag nasaktan ka! Ginusto mo to Kaya panindigan mo!"Sige una na ako" paalam ko kay chester
Tatalikod na sana ako para buksan yung pinto ng hinawakan ni chester yung kamay ko.
Napatingin ako sa kanya, seryoso na yung mukha nya."Aliah sana wag mong bigyan ng malisya yung ginawa natin sa interview" seryoso nyang Sabi.
"Ha? Ah hahaha.. oo naman alam ko naman na fake lang ang lahat ng yun ano kaba"kunwareng tawa ko.
"Salamat naman at na iintindihan mo" nakangiti nyang Sabi.
"Oo naman alam ko naman na ginawa mo lang yun para maniwala talaga sila saatin."
"At sana wag kang mahuhulog sakin"seryoso nyang Sabi.
Napatahik ako bigla pero nagawa ko paring mag salita.
Diko alam kumirot kasi bigla yung dibdib ko sa sinabi nya."Hahaha a-ako mahuhulog sayo? Hi-hindi no!" Na uutal kong sabi.
Shit! Yan na nga bang sinasabi ko masasaktan kalang!
Ano masakit diba?
Wag ka na kasing umasa na magustohan ka rin ni chester!"Sana nga, Kasi pag ganun diko alam ang gagawin ko." Saad nya at binitawan ang kamay ko.
"Sige pumasok kana, good night" nakangiti nyang sabi.
"Si-sige " Sabi ko saka agad pumasok sa condo at sinara.
Agad akong napa upo sa sahig dahil nang hihina yung tuhod ko sa sinabi nya.
Ang tanga tanga mo kasi aliah sabi ko na sayo diba na wag na wag kang umiyak! Ginusto mo to diba kaya wag Kang iiyak iyak!Pinahid ko yung luhang tumulo sa pisngi ko.
Kaya ko to! Bahala na kung nahulog at masaktan ako sa kanya basta ang alam ko lang Mahal ko sya.
Sabihin nyo na, na ang tanga ko pero pag mahal mo mag papakatanga ka talaga.•••••••••
Maaga akong nagising dahil kay Shane, Ang ingay ingay nya sa labas ng kwarto ko.
Binuksan ko naman yung pinto para tumigil na sya sa kakasigaw.Pag bukas ko pa lang agad nya na akong hinila pa puntang kama.
"Kyaaaaaah ang sweet nyo nakita ko yung interview nyo! Parang totoo!" Kinikilig na sabi ni Shane at umupo sa Kama kaya umopo narin ako.
Para akong lantang gulay dahil pinapaalala na naman ni shane yung kagabi.
"Hoy! Ok kalang ba!"
"Oo naman ang ingay mo kasi kulang tulog ko"
"Ay sorry naman excited lang ako, oh ano totoo na ata yang nararamdaman mo Kay chester no?"
Hindi ako sumagot sa tanong ni Shane, ayaw ko kasi na malaman ni shane na nahulog na ako kay chester.
Ayaw kong aminin yung tunay na nararamdaman ko kay chester.
Lalo na alam ko na ngayon na wala talaga akong pag asa kay chester.
![](https://img.wattpad.com/cover/197117067-288-k800863.jpg)
BINABASA MO ANG
The Secret Fan Girl
Fiksi RemajaKung ang isang secret fan girl na patago lang ang kanyang pag hanga sa kanyang mga inidolo ay makikilala sya Hindi lamang sa kanyang inidolo kundi sa lahat. Ano Kaya Ang mangyayari sa ating beda? Masaya ba sya na makilala sya ng ibang ka fan girl ny...