chapter 84

71 2 0
                                    


Shane's POV

Hindi na namin na sundan yung van na kumidnap kay aliah kaya hininto ni vishnu yung kotse nya.

Humagulhol na ako ng iyak dahil sa subrang takot na baka anong manyare kay aliah. Kasalanan ko kasi to lahat kung di ko lang pinilit na papuntahin si aliah kela chester sana hindi to mangyayare.

Diko alam kung paano ko sasabihin kila tita ang nangyare.

"Wag ka nang umiyak di mo naman kasalanan" si Vishnu sabay punas sa mga luha ko na nag si talonan sa pisngi ko.

"Kasalanan ko kasi lahat dapat di ko nalang sya pinilit na pumunta kila chester. HUHUHUHUHU" humagulhol na ako.

"Ssssshhh di naman Kasi natin alam kung mangyayare ito, kaya tama na wag mo nang sisihin sarili mo." Saad nya.

Pinunas lahat ni Vishnu yung mga luha ko pero patuloy parin ako sa pag iyak. Diko kasi alam kung ano gagawin ko.

•••••••••••••••

Aliah's POV

HMMM.......

Masakit ang katawan ko pati ulo ko sumasakit. Dinilat ko ng dahan dahan ang maga ko, nagulat ako sa nakita ko andito ako sa puting kwarto.

Bumangon ako ng dahan dahan.
Kanina lang andun pa ako kela chester ngayon naka bihis na ako saka andito na ako sa kwarto.

Anong nangyare ang naalala ko lang may tumakip sa bibig ko.
Nakidnap ba ako?
Hindi maaari makikiusap pa ako kay chester.

Tumayo ako at agad tumakbo sa pinto kahit nahihilo pa ako.
Pilit kong buksan yung pinto kaso ayaw ma buksan naka lock sya.

"Buksan nyo to!!!" Sigaw ko

Alam ko di ako maririnig dahil saradong sarado ang kwarto.
May bintana nga kaso subrang liit ng mga butas.

Pilit ko parin na buksan ang pinto pero ayaw talaga.
Hindi ako papayag na ganito nalang!
Mag mamakaawa pa ako kay Chester.

Di ko talaga ma buksan yung pintoan kaya give up na ako.
Napa upo nalang ako sa sahig at umiyak.

••••••••••••
Chester's POV

Di ako mapakali dahil sa nangyare sising sisi ako sasarili ko ngayon dahil sa nangyare kay aliah.

Wala akong paki sa kasal namin ni Erika bukas gusto kong mahanap ngayon si aliah.

Patakbo na sana ako para sundan yung van nang sumigaw si papa Kaya napa hinto nalang ako.

Shiiiit!! Bakit!? Bakit napaka hadlang mo sa lahat ng gusto ko!

"Wag mong subukan na magalit pa ako sayo!" Galit na Saad ni papa.

"Pero pa kailangan kong iligtas si aliah!" Inis kong sagot.

"Wag mong hintayin na magalit ako sayo chester! Wala akong paki kung ma kidnap yang aliah na yan! Ang gusto ko matulog kana at mag handa para bukas!" Pa sigaw na sabi ni papa.

Bakit ganun di ko kayang suwayun si papa! Napaka unfair nya lahat ng gusto nya sinunod ko kahit masaktan pa yung taong mahal ko sinunod ko para lang sa kanya.
Pwede ako naman bigyan nya ng chance para man lang kahit kunti naipag tanggol ko rin si aliah!

Shiiiittt! Gusto kong sapakin si papa pero di ko kaya, papa ko parin sya.

Napaka duwag mo chester!!

Wala akong nagawa kundi bumalik za bahay.

Pag pasok ko palang sa gate may humintong sasakyan kaya napalingon ako.

The Secret Fan GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon