Shane's POVUmalis na ng tuloyan si aliah kahit labag sa kalooban nya ang bumalik sa leyte. Pero sa tingin ko yun ang kailangan nya, ang lumayo sa taong nanakit sa kanya.
Pag gising ko ngayon naalala ko yung mga bonding namin ni aliah.
Yung sabay kumain at sabay pumasok sa school.
Nakakamiss yung ganun.Dalawang araw na ang lumipas na umalis si aliah.
Lahat ng classmates ko nag tatanong Kong bakit Hindi na pumapasok si aliah, pero Hindi ko sila sinasagot.Dahil Kay chester kaya sya pinauwi ng mommy nya.
Gustong gusto kong suntokin si chester. para gantihan ang pananakit nya kay aliah, pero Wala akong karapatan.Tapos na akong kumain at nag bihis, lumabas na ako sa condo para punmuntang school.
Pag labas ko sa condo nakita ko si chester na naka tayo sa gilid.
Hindi ko sya pinansin at nag lakad lang papuntang elevator."Shane can we talk" Saad nya at hinigit ang braso ko.
Hindi ko na pigilan ang sarili ko at nasampal ko sya ng malakas.
Ang lakas ng loob nya na kausapin ako! Parang wala lang sa kanya ang lahat na nangyare kay Aliah.Nagulat sya sa ginawa ko kaya Hindi agad sya naka react.
Tinignan ko lang sya ng masama at hinila ang braso ko para mag lakad ulit."Alam kong galit ka dahil sa ginawa ko Kay Aliah. Perk sana pakinggan mo muna ako"
Humarap ako sa kanya at sinampal ko sya ulit.
"Para yan sa pananakit mo Kay Aliah! Hindi pa ma tutumbasan ng dalawang sampal ang sakit na nararamdaman ni aliah!"
"Alam ko, pero kailangan ko syang maka usap Shane Kaya sabihin mo sakin kung nasaan sya"
"Bakit! Para saktan mo na naman sya ulit!" Singhal ko sa kanya.
"Alam ko na ang lahat shane kaya kailangan ko syang maka usap para humingi ng tawad sa kanya"
"Alam mo subrang na saktan si aliah! Wala syang ginawa kundi mahalin ka lang! Alam mo ba Yun!" Naiiyak Kong Sabi.
Naiiyak talaga ako pag pinapaalala Kung gaano nasaktan si aliah.
Kaibigan ko sya at parang kapatid ko na Kaya nasasaktan ako para sa kanya! Ayaw Kong ma sasaktan sya!"Alam ko yun shane kaya gusto ko syang maka usap at mag paliwanag sa kanya"
"Hindi ko na hahayaan pang saktan mo sya kaya mabuti na siguro na Hindi ko sasabihin kong nasaan sya" Sabi ko at tumalikod na sa kanya.
"Please Shane sabihin mo sakin" sunod nya sakin.
"Tumigil ka na, Wala Kang makukuha sakin!"
Walang nagawa si chester hanggang sumakay na ako ng elevator.
Kapal ng pag mumukha nya para makipag kita kay Aliah! Para ano saktan na naman si aliah?!
Hindi ako makakapayag!Pag pasok ko sa room agad akong hinarang ni fabulous girls.
"Bat nag iisa ka nalang? Asan na ba yung hampaslupa mong kaibigan?" Sarkastiko Sabi ni queen.
"Hindi hampaslupa ang kaibigan ko! Bawiin mo Yan!" Inis Kong Sabi.
Binibeast mood talaga nila ako!
"Kung ayaw ko? E totoo Naman!"
"Sabing hindi yan totoo!" Napataas na yung boses ko dahil sa inis.
"Oww bat galit ka kung Hindi totoo! Parihas Kasi kayo mga hampaslupa na malalandi! Dapat sumama ka nalang sa kanya nag paiwan ka pa talaga!"
"Oo nga nag paiwan pa para ipag patuloy ang pag lalandi sa xyz!" Si angel.
BINABASA MO ANG
The Secret Fan Girl
Teen FictionKung ang isang secret fan girl na patago lang ang kanyang pag hanga sa kanyang mga inidolo ay makikilala sya Hindi lamang sa kanyang inidolo kundi sa lahat. Ano Kaya Ang mangyayari sa ating beda? Masaya ba sya na makilala sya ng ibang ka fan girl ny...