chapter 83

75 2 0
                                    

Chester's POV

Andito ako ngayon sa kwarto ko nakatingin lang sa bintana.
Pinag masdan ko si aliah sa labas ng gate namin.

Wala akong magawa dahil pinag bawalan ako ng daddy ko na kausapin si aliah. Natatakot sya dahil kapag kinausap ko daw si aliah baka sisirain ko lang ang kasal namin ni Erika bukas.

Hindi ako mapalagay gustong gusto ko syang papasukin sa bahay kaso hindi pwede.

I'm a weak man! Hindi ko kayang ipag laban ang babaeng Mahal ko.
I'm so proud of aliah dahil Kaya nyang kalabanin ang parents nya para lang Hindi sya makasal sa taong hindi nya Mahal.

Ang hirap ng setwasyon ko ipit na ipit na ako! Lalo na ngayon na nahihirapan si aliah, gabi gabi akong Hindi nakakatulog ng mabuti dahil lagi ko syang iniisip.

Walang oras na hindi ko sya iniisip.

Mag aalas dose na pero hindi parin umalis si aliah.
Nag alala na ako dahil parang uulan.

Bumaba ako para kausapin si dad.

Pumunta ako sa kwarto ni daddy saka kumatok. Alam kong gising pa sya.

"Dad" tawag ko sa kanya.

"Wag kang makulit chester, pabayaan mo sya dyan" sagot ni daddy

"Pero dad uulan na di kaba talaga na aawa?"

"Why would I? Wag na wag mo sirain mga plano ko chester!" Galit na Sabi daddy.

"Dad"

"Bumalik kana sa kwarto mo!"

Wala akong nagawa kundi bumalik sa kwarto ko.

Pinag sabihan din ni dad yung guard namin na wag pag bubuksan ng gate si aliah kahit anong mangyare.

Babalik na sana ako kwarto ng makita ko si mommy.

"Mom" tawag ko.

"Baby gising kapa"

"I can't sleep mom, nag alala ako kay aliah" sagot ko

Kumulog kasabay ng pag ulan kaya subrang nag alala na ako kay aliah.

"Anong gusto mong gawin ko baby?" Si mommy.

"Mom pa uwiin mo na si aliah sabihin mo na Wala ako dito. Subrang nag alala na ako baka mag kasakit pa sya."

"Okay baby don't worry ako na bahala" si mommy at tinapik ang balikat ko.

"Salamat mom"

"Sige umakyat kana mag pahinga kana para bukas"

Umakyat ako sa kwarto ko at pinag masdan ulit si aliah.

Nakita ko na binuksan ni mommy yung gate agad naman tumayo si aliah. Basang basa na sya at nanginginig na sa lamig.

Binigyan ni mommy si aliah ng payong. Nag usap sila pero di ko rinig saka tinalikuran na ni mommy si aliah. Napahawak naman agad si aliah sa kamay ni mommy at lumuhod.

Nag mamakaawa sya pero agad naman hinila ni mommy yung kamay nya. Alam ko na naaawa din si mommy kay aliah kaya di nya kayang tignan ito.

Nag lakad naman si aliah gamit ang mga tuhod nya at hinawakan ang paa ni mommy.

Alam kong umiiyak na sya, sa subrang kalas ng boses ni aliah rinig na rinig ko yung sinasabi nya.

"Tita please parang awa mo na!!" Si aliah.

Tumulo naman ang mga luha ko ng marinig ko ang boses nya na nag mamakaawa.

"Umalis kana aliah! Wala nga dito ang anak ko andun sa magiging asawa nya!" Sigaw ni mommy.

The Secret Fan GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon