chapter 23

102 5 0
                                    


"Kyaaaaaaaah! Ang pogi talaga Ni Vishnu koooo!" Kinikilig na Saad ni Shane.

Alam ko Naman na pogi sila pero hindi ko inulit ulit.
Nag bihis na kami dahil anjan na si ate Bela at ate aime.
Sila yung papalit samin.

Di talaga ako makapaniwalang  pumupunta pala ang XYZ dito.
Grabe na shook ako sa nakita ko kanina. Muntik ko na tuloy ma kalimutan na secret fan pala ako.
Grabe nung dati diko pa sila nakikita sa personal.
Sa YouTube at sa mga picture ko Lang sila nakikita.
Pero ngayon same condo kami tas same school.
Lage ko na silang nakikita kaso Hindi ko ma ipapakita na Isa ako sa fan nila.

"Hoy! Aliah!"

Nabalik ako sa reyalidad ng tinawag ako ni Shane.

"Bakit?"

"Nakikinig kaba? Kanina pa ako dada ng dada dito pero Hindi ka pala na kikinig?" Naiinis nyang Sabi.

"Nakikinig Kaya ako" pagsisinungaling ko

"Kyaaaaah Basta pogi ni Vishnu ko, pano Kaya Kung bibisitahin natin sila sa condo nila?" Lumiwanag yung mukha ni Shane.

"Hahahaha oo  nga no"

"Titinginan Lang natin Kung ano ginagawa nila" nakangiting Saad ni Shane.

"Nice one Shane"

"Baka Makita natin na nag huhubad sila diba yummy Yun pak na Pak siguro abs nila kyaaaaah!" Kilig na kilig na Sabi Ni Shane.

"Sige sige" pag sang-ayon ko nalang gusto ko rin Naman Makita yummy abs ni Chester my labsss.

Naka uwi na kami sa condo namin kumain na kami ng hapunan.
Andito ako sa kwarto ko nag babasa ng mga comment.
Inis na inis yung iba sa fabulous girls kesyo daw nilalandi Ang xyz.
Ako ngarin inis na inis lagi nalang Kasi silang dumidikit sa XYZ linta Lang Ang peg!
Siguro pag support sila mommy sakin sa pag fafan girl ko naipakita ko na Kung gaano ako ka baliw sa kanila.

"Aliah!" Si Shane sabay katok ng pinto.

Binuksan ko Naman Yung pinto at nakita ko si Shane na naka all black.

"Oh bakit?"

"Diba may usapan Tayo kanina"

"Huh? Ano Naman Yun?"

"Ang Dali mo Lang talaga maka limot"

"Ano ba Kasi?"

"Diba titingnan natin yung XYZ " naka ngisi na Sabi ni Shane.

"Seryoso ka talaga dun?"

"Oo Naman Kaya halikana" Sabi nya sabay hinila nya na ako palabas ng condo.

"Hoy tika Lang naka short Lang ako"

Naka short at naka over size t-shirt Lang Kasi ako nakakahiya Naman pag nakita ako Ng XYZ.
Pero Hindi parin nakinig si Shane hanggang makalabas nakami sa condo namin.

"Tika lang nakakahiya yung soot ko pano nalang Kung nakita talaga tayo?" Histirikal na Saad ko.

"Ayos Lang Yan sexy kanaman ma kinis Kaya no worries" si Shane habang palapit kami sa kwarto ni Chester.

Saktong naka bukas Naman Yung pinto Kaya hinila ako Ni Shane at dahan dahan kaming pumasok sa loob.

Shit kinakabahan ako habang papasok kami baka Kasi may makakita samin.
Para kaming mag nanakaw.
Nang makapasok na kami pinicturan Naman ni Shane yung loob Ng condo ni Chester.
Pati Yung mga gamit Ni Chester pinicturan nya.

Abalang nag pipicture si Shane sa mga gamit Ni chester, ako Naman humiwalay ako sa kanya.
Trespassing Ang ginawa namin pakshet talaga si Shane.
Pag kami napahamak sa ginawa namin malalagot ka sakin Shane.
Pumuta ako sa may kwarto inikot ko yung paningin ko.
Ang ganda at Ang linis ng kwarto nya nakaka proud Lang.
Mas malinis pa yung kwarto nya kesa sakin tambak Yung labahan at madaming kalat mamaya ko nalang Yun linisin.

The Secret Fan GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon