chapter 52

87 5 0
                                        


Mj's POV

Papunta ako sa classroom namin para puntahan si aliah at yayain mag lunch.

Palapit pa lang ako narinig ko na ang boses ni Kurt.

"Gago ka pala eh!" Sigaw ni kurt Kaya napa takbo na ako.

Pag pasok ko sa room namin nakita Kong naka upo si chester sa sahig na dugoan ang labi.
Si Kurt naman pinipigilan nila Sean at vishnu at galit na galit ang mukha nya.

"Sinaktan mo na nga sinaktan mo pa talaga!" Galit na sabi ni Kurt.

Anong meron bat nag aaway sila.
Ngayon ko lang nakitang galit na galit si kurt. Sya kase yung pinaka Bata samin kaya hindi Basta basta magalit samin pag walang malalim na dahilan.

Pero sa nakita ko ngayon galit na galit talaga ang hitsura nya.

"Bitawan nyo ko!" Sigaw ni Kurt kila Sean at vishnu.

"Anong nangyare dito?" Umiksina na ako.

"Mj " si angel at lumapit sakin.

"Tanongin mo kaya yang gago na yan! Kung bat nya sinaktan si aliah ng paulit ulit!" Galit na Saad ni Kurt.

Kumulo yung dugo ko sa sinabi ni kurt. Akala ko ba tapos na, na saktan nya si Aliah! pero ngayon maririnig ko na sinaktan na naman nya yung taong walang ginawa kundi mahalin sya!?

Nakakaputang*na!!

"Eh gago ka pala eh!" Sabi ko at sinuntok ko si chester.

"Tama na Yan!!" Sigaw ni Kim.

"Bakit ba! Bakit ba si aliah nalang lagi nyong kinakampihan! Sino ba ang kaibigan nyo! Diba si chester! Sya dapat kampihan nyo!" Si Kim.

"Tama si kim, dapat si chester ang kakampihan nyo!" Si angel.

"Shut up!" Inis kong Sabi.

"Kakampihan Lang namin sya pag nasa Tama sya! Pero ngayon mali sya Kaya Hindi sya dapat kampihan!" Inis na Sabi ni Kurt.

"Malandi naman kasi yung aliah nayon eh!" Si queen

"Hindi sya malandi!" Sagot ni Kurt.

"Hindi ba! Eh nilandi nya si mj at chester yun ba ang Hindi!" Si Kim.

"Hindi nya ako nilandi" sagot ko.

"Hindi kaba na awa kay aliah!" Si Kurt.

"Anong nangyare kay Aliah?" Kinakabahan kong tanong.

"Hindi sya dapat ka awaan!" Si Kim.

"Andun sa cr umiiyak" si Vishnu.

Tumakbo ako pa punta sa cr pagkarating ko don nakita ko si aliah tinutulongan tumayo ng mga kaibigan nya.

Basang basa yung damit nya at magulo ang buhok nya.
Naawa ako sa kanya aping api talaga sya.

"Anong nangyare kay Aliah?" Tanong ko sa mga kaibigan nya.

"Nag sambunotan sila ng satanas na Kim na Yun!" Galit na Sabi ni Shane.

Hindi ako makapaniwala na nakipag away si Kim.
Hindi kasi sya mahilig makipag away at mabait sya.
Pero siguro dala ng selos nya na baka maagaw ni aliah si chester Kaya nagawa nya siguro yun.

"Nagawa yun ni Kim" paninigurado ko.

"Opo nagawa nya Yun" napatingin ako sa nag salita sa tabi.

"Nakita mo ba" tanong ko.

"Oo kitang Kita ko na videohan ko pa nga po Ang buong pangyayari" sagot ng babae.

"Totoo ang sinabi nya mj! Nag bait baitan lang si Kim pero anak sya ni Lucifer!" Inis na Sabi ni Shane.

The Secret Fan GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon