MJ's POVNag lalakad ako sa tabing dagat nag papahangin nag iisip ng kahit ano.
Hindi pa ako inaantok Kaya napag pasyahan ko munang mag lakad lakad.Habang nag lalakad ako may nakita akong babae sa Hindi kalayoan.
Familiar yung katawan nya mukhang si aliah.Sinisundan ko lang sya hanggang may biglang may tumakbo na dalawang lalake na naka mask at hinawakan si aliah sa braso nya.
Nag pupumiglas si aliah hanggang nahimatay sya.
Tumakbo ako palapit sa kanila kaso na isakay na nila sa motor.Mabilis ang pag takbo ng motor Kaya binilisan ko ang pag takbo ko.
Kahit anong bilis ng pag takbo ko Hindi ko sila maaabutan.Pinagpatuloy ko lang ang pag takbo ko kahit pagud na pagud na ako.
Hanggang nawala yung motor sa paningin ko.
Napahinto ako hinahabol ko yung hininga ako.Hindi ko alam ang gagawin ko Kaya pinag patuloy ko ang pag takbo ko.
Nag babakasakali na makita ko pa yung motor.•••••••••••
Chester's POVTumayo ako Hindi ako papayag na Wala akong magawa para mahanap si aliah. Sa Hindi kalayuan may nakita akong sulat Kaya nilapitan ko yun at pinulot.
*Aliah mag Kita Tayo sa may cottage may sasabihin ako sayo
-chester" *Basa ko sa sulat na napulot ko.
Baka ito yung sulat na sinabi ni Shane na nakita ni aliah.Nag flashback sa isip ko kanina nakita ko si kim galing syang cottage.
May alam ba si kim Kaya nawawala si aliah?Tumakbo ako pabalik sa camp at hinanap si Kim.
Hindi ko alam kung anong magawa ko Kay Kim Basta ang alam ko lang gusto ko mahanap si aliah.Nakita ko si Kim naka talikod sya kasama ang fabulous girls.
Hinila ko braso nya at hinigpitan ang pag hawak nito."Ano to Kim!" Pinakita ko sa kanya yung papel na may sulat.
"Aray ches na sasaktan ako"
"Masasaktan ka talaga pag hindi mo ilalabas si aliah!" Galit kong Sabi.
Ngayon lang ako nagalit ng ganito at ngayon lang ako nagalit kay Kim ng ganito.
"Aray!!! Diko alam pinag sasabi mo" nasasaktan nyang Sabi.
"Anong Hindi alam! sayo 'tong sulat galing!"
"Hindi sakin yan!"
"Ilabas muna si aliah!" Galit kong sabi.
"Ano ba Chester diko nga alam pinag sasabi mo!" Tumaas na yung boses nya.
"Brooo.. Tama na yan!" Away ni Kurt sakin.
"Wag Kang makialam dito Kurt!" Inis Kong Sabi Kay Kurt.
Ang nasa isip ko lang ngayon ay si aliah, gusto ko masiguro na ligtas sya.
Hindi ko mapapatawad sarili ko pag may nangyareng masama sa kanya.Wala akong pake kung may nasasaktan akong tao ngayon Basta ang alam ko lang mahanap si aliah!
"Sabihin mo na Kim! Wag kanang mag sinungaling dahil alam ko alam mo Kung nasaan si aliah!"
"Aray...... Ches nasasaktan ako" naiiyak nyang Sabi.
*Blagggg*
Nabitawan ko si kim ng bigla akong sinuntok ni Kurt.
"Ano bang nangyare sayo chest! Sinabi na nga ni Kim na wala syang alam! alam mong nasasaktan na yung tao!" Saad ni Kurt.
Tumayo ako at sinuntok si Kurt.
Hindi naman nag patalo si kurt gumanti din sya ng suntok Kaya nag kagulo na.
BINABASA MO ANG
The Secret Fan Girl
Fiksi RemajaKung ang isang secret fan girl na patago lang ang kanyang pag hanga sa kanyang mga inidolo ay makikilala sya Hindi lamang sa kanyang inidolo kundi sa lahat. Ano Kaya Ang mangyayari sa ating beda? Masaya ba sya na makilala sya ng ibang ka fan girl ny...