Hindi na ako nakapag pa alam kay mj dahil hinila na ako agad ni chester.
Kitang Kita ko yung mukha ni mj na disappointed dahil sa ginawa ni chester.Wala akong nagawa kundi mag pahila nalang Kay chester.
Gusto ko sanang mag sorry Kay mj dahil sa ginawa ni chester kaso, Ang higpit ng pag ka hawak nya sa kamay ko kaya Hindi ako maka Wala."Ano ba chester nasasaktan ako"
Hinihila ko yung kamay ko dahil mahigpit ang pag kahawak nya at nasasaktan ako.Parang wala syang narinig, patuloy nya lang akong hinila hanggang maka labas na kami sa gate.
"Ano bang problema mo!?" Napa lakas na yung boses ko.
Hinila ko ng malakas yung kamay ko Kaya na bitawan nya.
"Ano bang problema mo?" Mahinahon Kong tanong sa kanya.
Lumingon naman sya sakin, masama yung tingin nya sakin Kaya kinabahan ako.
"Problema ko ikaw!"
"Huh? Bat ako?"
"Wag kang lalapit kay mj, baka sabihin nila na si mj na naman nilalandi mo" inis nyang sagot.
"At ayaw kong masira ang career ko, Kaya umayos ka" dugtong nya pa.
Hindi ako nakapag salita dahil sa sinabi nya.
Ganun na ba talaga ang tingin nya sakin nang lalandi?
Puro nalang sya career!"Anong tingin mo sakin malandi! Kailan ako lumandi!? Kung sa tingin mo nilandi kita! Parang wala akong na alala!" Lakas loob kong sabi.
"No I mean, wag kang lalapit kay mj baka sabihin nila na nilandi mo sya. Hindi ko..."pinutol ko Yung sasabihin nya.
"Ganyan na ba tingin nila sakin? Wala Naman akong ginagawang masama ah!"
"Ok, wag na natin 'tong pag usapan baka kung saan pa'to aabot" Sabi nya at binuksan yung pinto ng kotse nya para papasokin ako.
"Pumasok kana"
Pumasok naman ako.Kahit anong inis ko kay chester agad agad naman itong mawawala.
Pero na aawa ako kay mj na iwan ko Lang sya at hindi ako nakapag sorry sa kanya.Nang nakarating na kami sa hotel agad akong bumaba sa kotse.
Hindi ko na hinintay na pag bubuksan nya ako ng pinto.
Masyado na syang gentleman Kaya ako kinikilig sa simpling pag bukas Lang ng pinto.Wala namang tao dito kaya ok lang.
Na una na akong nag lakad pa pasok sa hotel hanggang sa elevator.
Walang nag sasalita samin ganun Naman palagi eh!
Tas na iinis ako sa kanya ngayon!Nang makarating na kami sa floor namin agad akong lumabas ng elevator sumunod naman sya.
Bubuksan ko na sana yung pintuan ng condo ko ng nag salita sya."Galit ka ba sakin?" Tanong nya.
"Huh? Hindi!" Inis kong Sabi.
"Halata nga na Hindi" natatawa nyang Sabi.
May nakakatawa ba don?
"Ok fine sorry sa sinabi ko kanina I didn't mean it"
"Kawawa naman kasi si mj, diba kaibigan mo yun sana Hindi mo sya ginanun!" Naka duko kong sabi.
"I'm sorry nagawa ko lang naman yun because of you"
Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi nya.
"Dahil sakin?"
"Ayaw ko kasi na makita ko kayo ni mj na mag kasama" sagot nya.
Aweeeeeee nag seselos ba sya?
In love na ba sya sakin?
Nakooooo! Assuming ka talaga aliah!
Baka prino-protiktahan nya lang yung career nya ano kaba! Mas mahalaga ang career nya!

BINABASA MO ANG
The Secret Fan Girl
Genç KurguKung ang isang secret fan girl na patago lang ang kanyang pag hanga sa kanyang mga inidolo ay makikilala sya Hindi lamang sa kanyang inidolo kundi sa lahat. Ano Kaya Ang mangyayari sa ating beda? Masaya ba sya na makilala sya ng ibang ka fan girl ny...