Shai POV
Agad kong niyakap si kurt nang Makita ko sya. Akala ko di na ako makakaalis sa lumang cr na'to!
Andami panamang ipis at daga.Ilang minuto din akong naka yakap kay kurt oh diba chansing! Hahaha pabayaan nyo na minsan lang to sa buhay ko.
Humiwalay ako kay kurt at agad dumuko nakakahiya kasi.
"Sorry"
"Ok lang yun, uhhmm.. okay ka naba?" Tanong nya.
Nag tango lang ako bilang sagot.
"Bat ka na punta dito?" Tanong nya ulit.
"Si Bernadette kinulong nya ako, narinig ko kasi silang nag uusap tungkol kay aliah." Sagot ko.
"Ano naman pinag uusap nila tungkol Kay Aliah?" Tanong nya.
"Si Bernadette yung may kagagawan kaya muntik ng ma rape si aliah" sagot ko.
Na gulat si kurt sa narinig nya, siguro Hindi nya akalain na magagawa iyon ni Bernadette. Wala naman Kasi kaming napapansin na kakaiba kay Bernadette. Wala syang pinapakita na galit sya kay aliah.
"Narinig mo talaga yan?" Paninigurado ni Kurt.
"Oo dinig na dinig ko"
Agad akong hinila ni kurt.
••••••••••••••
Chester's POV
Papunta ako kay aliah para dalawin sya. Buti nalang okay na sya ngayon kung hindi sisisihin ko sarili ko.
Ayaw na ayaw ko na syang masaktan dahil lagi ko nalang syang nasasaktan.
Hindi ko na hahayaan na masaktan pa sya."Ches" may tumawag sakin
Nag init yung ulo ko ng marinig ko ang boses ni Kim.
Hindi ko sya pinansin nag patuloy lang ako sa pa lakad."Ches pakinggan mo naman ako" tumakbo sya at hinawakan ang braso ko.
"Please mag usap tayo" Saad nya.
Hinila ko lang braso ko at tinulak sya kaya napa bitaw sya at napa atras.
"Ano pang pag uusapan natin Kim?! Ayaw na ayaw ko ng makita yang pag mumukha mo! " Inis kong Sabi saka tinalikoran sya.
"Ches please let me explain" sabi nya sabay hawak sa braso ko.
Tinulak ko lang sya kaya na tumba sya sasahig.
Simula ng malaman ko na nag iba na si Kim at sinasaktan nya si aliah nag iba narin ang tingin ko sa kanya.
Hindi na sya yung Kim na kilala ko dati. Hindi na sya yung Kim na mabait maawain at hindi na sya yung kim na minahal ko. Nag iba na sya, malaki ang pinag bago nya.Wala na akong tiwala sa mga sinasabi nya. Ayaw ko naring marinig yung mga paliwanag nya na puro kasinungalingan lang.
Pag karating ko sa kwarto kung saan naka higa si aliah. Nakita ko si aliah na natutulog parin. Parang ang himbing ng tulog nya.
Nilagay ko muna yung mga prutas na dala ko saka lumapit Kay Aliah.
"Waaaaag! Waaaaag pooo!" Sigaw nya at bumangon ka agad.
"Aliah" hinawakan ko sya sa braso nya.
"Bitawan mo ko!!!" Sigaw nya
"Aliah ako to si Chester" Saad ko at pinapatahan sya.
Agad nya akong niyakap.
"Tahan na andito na ako" Saad ko at hinaplos ang likod nya.
Naramdaman ko yung pag hikbi nya da likod ko.
Subrang naawa ako ngayon sa kalagayan ni aliah, Kaya Hindi ko papalampasin ang may gawa nito sa kanya!
BINABASA MO ANG
The Secret Fan Girl
Novela JuvenilKung ang isang secret fan girl na patago lang ang kanyang pag hanga sa kanyang mga inidolo ay makikilala sya Hindi lamang sa kanyang inidolo kundi sa lahat. Ano Kaya Ang mangyayari sa ating beda? Masaya ba sya na makilala sya ng ibang ka fan girl ny...