Aliah's POVWala akong ganang kumain simula nung gabi hanggang ngayong tanghalian. Ayaw Kong buksan si shane kahit panay katok at tawag nya na sa pangalan ko.
Ayaw ko kasi na makita nya ako na ganito, Alam kong masasaktan sya.Naka off din yung phone ko dahil panay tawag si chester sakin.
Ayaw ko na syang kausapin pa nasasaktan Kasi ako kapag nakikita ko sya. Nag flaflashback sakin yung nangyare kagabi.Absent muna ako gusto kong mapag isa, gusto kong ilabas lahat ng sakit na nararamdaman ko.
Bakit ba ako nag kakaganito hindi panman kami? Kaya Wala akong karapatan na masaktan o pigilan sya sa mga bagay na gusto nyang gawin.
Pero nangako sya sakin na ako lang gusto nya at mahal nya.
Dapat ko bang bigyan sya ng pag kakataon para mag explain?
Siguro pag ok na ang lahat yung tipong di na ako masasaktan pag nakita ko sya.••••••••••••••••
Shane's POV
Dalawang araw na ang lumipas mabuti naman at lumabas na si aliah.
Ngayong araw kasi yung final exam namin. Ewan ko nalang kong may pumasok ba sa utak ko, bahala na nga may stack knowledge naman ako.
Nag alala talaga ako Kay Aliah akala ko mag tatagal sya sa kwarto nya, Kaya di ako maka pag focus sa pag i-study dahil inaalala ko sya.
Tapos na akong mag bihis kaya pinuntahan ko kaagad si aliah.
Pag dating ko sa kwarto nya naka bihis na sya."Ready ka naba sa exam?" Tanong ko.
Mugto parin ang mata nya mapapansin mo talaga agad yung mata sa subrang mugto.
"Ewan ko Lang" sagot nya.
••••••••••••••
Aliah's POV
Nandito na kami sa school exam Kasi Kaya napilitan akong pumasok.
Dalawang araw na din pala akong Hindi naka pasok Kaya good luck nalang sakin.
Ano Kaya isasagot ko sa exam?
At sana pag nakita ko sya makakayanan ko.Sa totoo lang kasi hindi pa ako ready na harapin sya o Makita sya dahil alam Kong masasaktan at iiyak lang ako. Kung pwede lang talaga na di ako mag exam ginawa ko na. Kaso final exam to dito malalaman Kong makapag graduate ba ako.
Pag pasok palang namin sa gate nag bulongan na ang lahat.
Nag patuloy lang ako sa pag lalakad diko sila pinapansin."So totoo na sila ni chester?"
"Siguro nakita mo naman yung video diba?"
"Ang lakas ng loob nya na sampalin si chester!"
"Oo nga buti nga sa kanya di sila bagay!"
Yan yung mga narinig ko dito pero Wala akong pake!
Nang makarating na ako sa tapat ng room, bumuntong hininga muna ako saka binuksan yung pinto.
Pag bukas ko ng pinto agad nag si tahimikan ang lahat.
Parang naka kita sila ng patay na muling na buhay.Diko naman sila pinansin at nag patuloy lang ako sa pag lakad papunta sa upoan ko.
Nag sibulongan sila at nag sitinginan sakin. Hindi naman bago yan sakin Kaya nasanay na ako.
Umupo na ako sa upoan ko at agad tumingin sa labas ng buntana.
"Ok Lang ba si aliah?" Rinig Kong tanong ni Shai.
"Mukhang Hindi pa" sagot ni Shane.
"Hayssssst! Kawawa naman sya"
"Sssssssh!" Sita ni Shane Kay Shai.
Hayssssst sana mabilis tumakboang oras para maka uwi na agad ako sa condo.
Bumukas yung pinto, nag si tahimikan naman ang lahat.
Hindi ko inalis yung tingin ko sa labas ng bintana, dahil pag tumingin ako sa pinto alam kong anjan si chester baka diko ma kayanan maiyak ako.Bumalik naman sa normal ang lahat nag si ingay na uli yung mga kaklase ko.
Bumukas uli ang pinto kaya tumingin na ako sa harap.
Pagtingin ko sa labas nakita ko ang likodan ni chester kaya nag teary eyes na ako.Shittttt! Likod palang yan pano na pag humarap na sya.
Huminahon ka aliah wag kang mag pahalata na nasasaktan ka.Nag umpisa na yung exam namin, pinasa na yung test paper samin kaya agad ko ng itinuon yung attention ko sa test paper.
Kahit ngayon lang aliah mag focus ka, kahit ngayon lang alisin mo naman sya sa utak mo.
••••••••••••
Natapos narin sa wakas yung exam half day muna daw kami ngayon bukas na raw yung ibang subject.
Buti naman dahil ayaw kong mag tagal dito, ayaw kong ma Kita sya.Agad ko namang sinabit yung bag ko sa likod at agad nag lakad palabas ng room.
Natigilan ako sa pag lakad ng may kamay na humawak sa braso ko.
Shittt! Alam ko kung kaninong kamay to kaya agad na namang nag teary eyes ang mata ko.
"Can we talk?" Saad nya
Automatic namang nag si daloy ang mga luha ko sa pisngi ko.
Pinikit ko yung mata ko para pigilan yung mga luha ko.
Kahit anong pigil ko patuloy parin ito."Wala na tayong pag usapan pa" lakas loob kong Sabi.
Sa totoo lang talaga gusto ko na syang yakapin at tanongin kung Sino yung babae na yon. Pero ayaw ko kitang Kita ko naman kasi, Hindi naman ako tanga para diko malaman kong ano yung ibig sabihin non.
"Please aliah kahit 5 minutes lang" pakiusap nya sakin
"Bitawan mo nga sya!" Umiksina si Shane at inalis yung kamay ni chester sa braso ko.
Hindi parin ako lumingon nanatili lang akong naka talikod sa kanila.
"Please Chester wag mo namang saktan kaibigan ko, Alam mo bang ikaw lang ang kakagawa sa kanya ng ganyan?" Saad ni Shane kay Chester.
"Shane please kahit 5 minutes lang gusto ko lang syang maka usap" pag mamakaawa ni chester.
"Tama na chester, Tama na di mo ba nakikita kong gaano na saktan si aliah dahil sayo? Nang dahil sayo nilabag nya lahat ng ayaw ng mommy nya dahil sayo! Kaya please lang chester parang awa mo din hayaan mo muna si aliah." Naiiyak na Saad ni Shane.
Iyak ako ng iyak Hindi ko na kayang pigilan pa yung nararamdaman ko ngayon. Kasi pag pinigilan ko to mas lalala ang sakit na mararamdaman ko.
Sa subrang iyak ko nang hihina na yung tuhod ko.
Dalawang araw din akong walang kain Kaya nanghihina ako ngayon.Nanginginig din yung buong katawan ko kaya natumba ako sa sahig.
Nanlalabo narin ang paningin ko dahil sa mga luhang patuloy lang na dumadaloy."Aliahhh!" Sigaw ni Shane at agad lumapit skain.
Nang hihina na din ang pandinig ko Kaya tuloyan na akong nawalan ng Malay.
_______________________
To be continue...........
BINABASA MO ANG
The Secret Fan Girl
Genç KurguKung ang isang secret fan girl na patago lang ang kanyang pag hanga sa kanyang mga inidolo ay makikilala sya Hindi lamang sa kanyang inidolo kundi sa lahat. Ano Kaya Ang mangyayari sa ating beda? Masaya ba sya na makilala sya ng ibang ka fan girl ny...