Continuation........Pasakay na sana ako ng escalator ng may tumawag sakin at familiar ito.
"Aliah!"
Kinabahan ako agad ng marinig ko ang familiar na boses na iyon.
Agad akong sumakay ng escalator pa baba, kunware diko narinig yung tawag nya.Bakit nakilala nya ako?
"Aliah wait!"
Hindi ako lumingon sa kanya, nag tuloy tuloy lang ko sa pag lalakad ko.
Wala pa akong lakas na loob para harapin sya.
Ngayon nga naiiyak na ako kahit boses nya lang yung na ririnig ko.
At mas lalong Hindi nya pwede malaman na fan nila ako.Binilisan ko mag lakad nakipag sabayan din ako sa maraming tao para di nya ako ma sundan.
•••••••••••••
Chester's POV
Habang kinakanta ko yung kanta na yun parang bumabalik yung mga masasakit na sinabi ko kay aliah.
Nag sisisi ako sa mga sinabi ko sa kanya. Gusto ko syang kausapin at humingi ng sorry sa kanya kahit di nya ito tanggapin.
Alam kong nasaktan sya ng subra sa mga sinabi ko sa kanya.
Ang tanga ko Kasi! Mahal ko na yung tao pinakawalan ko pa!
Sana sinunod ko kaagad ang puso ko, hindi sana ako nag pa talo sa utak ko!Huli na huli na ang lahat iniwan nya na ako!
Matagal ko na syang gusto noon pa nong naka pasok ako sa condo nya.
Oo Tama ang nabasa nyo naka pasok na ako sa condo nya nong nalasing ako. Akala ko Kasi condo ko yun, Yun pala kay aliah.Matagal ko ng alam na fan girl sya.
Kaya ko sya pinuprotiktahan dahil napaka special nya na fan para sakin.Subrang fan nya kami Lalo na ako, Kaya nung nakita ko ang loob ng condo nya natuwa ako sa nakita ko.
Kahit lasing ako matino pa ang utak ko para maalala ang lahat ng Yun.
Fan na fan sya Yung tipong lahat ng merch binibili nya.
Pati Yung mga standee namin kompleto yung sa kanya.Na appreciate ko yung pag papakahirap nya bilang Secret fan girl. Hindi nya Kasi Pinapahalata sa ibang tao na fan din sya, kaya na gustohan ko sya.
Hindi sya tulad ng iba na pinag landakan nila na fan sila.
Parang baliw na baliw sila samin pag nakita nila kami.Hindi tulad ni aliah na kahit nakita nya na ang iniidolo Hindi nya pinapakita sa ibang tao na kinikilig sya.
Habang kumakanta ako naagaw yung attention ko sa babaeng naka hoodie at naka mask.
Familiar sakin yung mask na soot nya, Yan ang laging soot ni aliah pag may fan signing at meet and greet.Lumakas din ang tibok ng puso ko ng Makita ko ang babaeng naka hoodie.
Malakas ang kutob ko na si aliah yun.Nang matapos ang kanta agad Kong sinundan ang babae pero palihim Lang ang pag sunod ko.
Sinisigurado ko na tama ang hinala ko na si aliah.Hindi nag sisinungaling ang puso ko tumitibok lang to sa kanya kaya sigurado akong si aliah Yun.
Nang pasakay na sya sa escalator pababa tinawag ko na sya, pero Hindi sya na kinig.
Binilisan ko yung takbo ko para maabutan ko sya, pero mabilis ang lakad nya.
Nahirapan din akong ma sundan sya dahil sa dami ng tao.Nag kagulo yung mga tao ng Makita nila ako, kaya Hindi ko na tuloy Makita yung babaeng naka hoodie.
Pinag kagulohang nila ako, kaya gumapang nalang ako sa sahig para maka takas sa kanila.
Nang makaalis na ako dun agad akong tumakbo palabas ng moa at nakita ko yung naka hoodie.
Agad ko syang hinatak sa braso at iniharap sakin.
Tinanggal ko yung hoodie nya pero Hindi sya si aliah.
BINABASA MO ANG
The Secret Fan Girl
Genç KurguKung ang isang secret fan girl na patago lang ang kanyang pag hanga sa kanyang mga inidolo ay makikilala sya Hindi lamang sa kanyang inidolo kundi sa lahat. Ano Kaya Ang mangyayari sa ating beda? Masaya ba sya na makilala sya ng ibang ka fan girl ny...