Poem #2

892 10 1
                                    

May 8, 2019

Kahit na
by: marinelove05

Mahal kita kahit na sa pekeng mundo tayo'y nagkakilala,
Mahal kita kahit malayo tayo sa isa't isa,
Mahal kita kahit na minsa'y wala kang pake,
Mahal kita kahit alam kong wala lang naman ako sayo.

Ikaw, ikaw na nagbigay ng saya'y sya ring nagdulot ng sakit.
Ikaw na nagparamdam sakin ng pagpapahalaga,
Ikaw na nanatili sa 'king tabi
Ikaw na Mahal ko.

Kahit na ikaw lang ang gusto ko
Kahit na sa'yo ako nakaramdam ng saya
Pero sa araw na ito pinili kong lumayo sayo
Kahit na ikaw ay Mahal ko.

Tula KunoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon