Poem #53

70 2 0
                                    

October 2019

SIMULAN MO NA
by: marinelove05 & JustIn27

Mga salitang pinag-ugatan ng lahat
Mga salitang sa aki'y nagpamulat
Sa pagkaligaw ko sa isang gubat
Na puno ng mga bagay na nakagugulat

Panibagong mundo ang nakita ko
Dala ang salitang sinabi mo
Sinimulan ko ang paglalakbay
Na kasama ka't kahawak kamay

Sinimulan ang pagbuo ng masasayang alaala
Sinulit ang bawat segundong ika'y kapiling pa
Kulitan, harutan, tawanan, biruan
'Di malilimutan ng puso kong ikaw tanging ang laman

Saya'y unti-unti ng mapapalitan
Ng lungkot at kasawian.
Unti-unti ng iiwan
Natakot na baka iyong kalimutan.

Bagong landas ay iyong tinahak
Sa iyo'y namutawi ang labis galak
Habang kami'y sa sulok na umiiyak
At umaasang pagbabalik ay iyo pang binabalak

Sa pagbabalik mo'y nasasabik
Sa yakap mo't halik
Nais ko'y makita kang muli
At magpatuloy hanggang sa huli

Tula KunoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon