Poem #13

220 3 0
                                    

August 6, 2019

Nagdaan
by: marinelove05

Sa ngalan mo palang ay apektado
Kirot sa puso ang dulot nito.
Ngiti sa 'yong mga mata
Ngayon ay para sa iba na.

Mga salita at pangako
Tuluyan ng napako
Pangarap nati'y naglaho
Luha ay nagsimulang tumulo.

Nagdaang kasiyahan
Nais ko ng malimutan
Sa bawat araw na dumadaan
Sakit ang patuloy na nararamdaman.

Nagdaan ay kailangan ng kalimutan
Puso'y ayoko ng masaktan.
Nagdaan ay kailangan ng iwan
Iwan at manatili sa nakaraan.

Tula KunoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon