Poem #76

85 0 0
                                    

September 24, 2020

Plano
by: marinelove05

Araw-araw ay nalilito, hindi alam kung saan tatakbo.
Hindi alam ang gagawin, lalapit o lalayo,
Natatakot na baka mundo ay gumuho.
Hindi ito ang plano.

Nang malaman ang iyong gusto,
Ano nga bang plano mo?
Hindi magiging madali sa oras na magkamali,
Ayusin muna natin ito.

Pareho man nating gusto ang ritmo,
Hindi ito sapat para isantabi ang maaaring mangyari.
Pag-iingat ang kailangan,
Nang hindi magkabiglaan.

Madaming pwedeng paraan,
Madaming pwedeng daan.
May mga mangyayaring di aasahan,
Plano ang kailangan.

Tula KunoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon