Poem #51

76 2 0
                                    

January 7, 2020

Takot
by: marinelove05

Takot na kung takot.
Duwag na kung duwag.
Ayoko lang na ang mundo ko'y mabuwag.
Ayokong ako'y mabulag.

Sa ilang araw na pagkakakilala,
Damdamin ay nadadala.
Pinagtutulakan nila ang tayong dal'wa
Biro naman pala.

Ayokong mahulog sa'yo.
Ayokong mahulog tayo.
Sa larong di sigurado,
Isa sa atin ang matatalo.

Di ko alam kung ano ang totoo.
Di ko alam mung merong ikaw at ako.
Ang tahimik kong mundong ginulo mo,
Tila magbabago na ang takbo.

Takot na kung takot.
Ayokong sumugal.
Ayokong mabalot ng poot.
Ayokong mahulog.

Tula KunoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon