Poem #75

85 1 0
                                    

September 16, 2020

Tag-ulan (Spoken Poetry)
by: marinelove05

Sa tag-ulan ikaw ang aking naaalala,
Ang bawat patak na sa iyo'y nagpapasaya.
Nagtatampisaw gabi man o umaga,
Hanggang sa isang araw ay wala ka na.

Wala ka na at nabura na ang lahat ng alala.
Ala-alang nabuo sa ilalim ng madilim at umiiyak na kalangitan na ating pinagsaluhan.
Mahal kita, ngunit wala ka na.

Nakita kitang muli, tag-araw.
Tag-araw na ang sa iyo'y nagpapangitim
Ano ba ang mali?
Mali bang ikaw ang aking pinili?
Mali bang umasa sa kwento nating dalawa?

Sa pagbuhos ng ulan sumabay ang pag-agos ng luha
Walang tigil. Sunod-sunod. Animo'y nga langgam na naguunahan sa paggapang.
Tapos na?
Tapos na ang ulan pero bakit ang sakit sakit pa?
Ansakit sakit kasi mahal pa rin kita.

Tula KunoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon