Poem #28

125 3 0
                                    

October 24, 2019

Kahit malayo ka
by: marinelove05

Kahit malayo ka
Ikaw ang nagbigay ng saya
Nalugmok man sa kalungkutan
Inahon mo naman

Nakilala ka sa kalayuan
Nagbigay ng kaligayahan
Pinakilala ng kaibigan
Una'y ayaw kong tignan

Di nagtagal ay nagustuhan
Pagkanta at pagasayaw ang yong kinagigiliwan
Bawat ngiti mong nakakabighani
Tawa mong sa puso'y nakakabuti

Sa pagtagal ay lalong nahulog
Nalunod sa pag-irog
Nakikita sa mata mo ang ligaya
At sa puso ko'y nagpapasaya

Kahit malayo ka
Mamahalin pa rin kita
Kahit na malayo ka
At ako'y di mo kilala

Marami kaming humahanga
Paghihirap mo'y nagbubunga
Kahit malayo ka
Mahal ka ng bawat isa.

Tula KunoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon