Poem #73

87 1 0
                                    

July 15, 2020

Sa pagbalik...
by: marinelove05

Mga nagdaan, mahirap balikan
Ipilit man ng iyong puso't isipan.
Ang gulo na ng mundo
Ang gulo ng buhay mo.

Darating at daraan, 'di man lang tinagalan,
Aalis ng biglaan at 'di na babalik kailan man.
Lahat ng ito'y dahilan ng paggulo ng isipan,
Sumira sa daan na patutunguhan.

Sa bawat problemang nalagpasan,
Unti-unting nanghihina ang kalamnan.
Paulit-ulit, pabalik-balik, 'di na alam ang daan.
Ngunit isang araw ika'y nabuhayan.

Matapos ang lahat ng gulong dahilan ng pagkawala mo,
Isang umaga'y mumulat at maninibago.
Sa pagbalik sa daan patungo sa'yong pangarap,
Nagbalik din ang ikaw na handang humarap sa paghihirap.

Sa pagbalik mo'y muling natagpuan
Ang ikaw na siyang ilaw sa daan.

Tula KunoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon