Poem #21

154 4 0
                                    

September 23, 2019

Muntik na
by: marinelove05

Kaibigan malapit ng matapos ang buwan
Magsisimula na ang kalungkutan
Sa pagitan nating magkaibigan
Magbabago na ang patutunguhan

Sa ilang taon na magkasama
Tila di na mapaghihiwalay pa
Pagsasama natin ay lumalim pa
Di ko lang masabi na ako'y may nadarama

Huling araw na ng ating pagkikta
Maghihiwalay na ang landas nating dalwa
Natapos na ang programa
At nilapitan kita

Buo na ang loob ko sinta
Sasabihin na sayo ang nadarama
Paglapit ko'y nagsalita ka
Sabi mo ika'y may ipapakilala

Natigilan ako sa sinabi mo
Ipinakita mo ang larawan niya
Siya nga ay maganda
At bagay kayong dalwa

Natigilan sa kadahilanang
Nakita ko sa'yong mata ang kaligayahan
Na kahit kailan ay di mo mararanasan
Kung ako ang makakasamang pangmatagalan

Muntik na
Muntik ng masabi ang nadarama
Pinigilan lang ang sarili na magsalita
Dahil ligaya mo ay di maipinta

Napansin mong ako'y natahimik
Sa iyong mata'y nakatitig
Ngumiti ako't nanahimik
Nagtaka ka kung bakit

Sabi ko'y may naalala
Na sa akin ay nagpaligaya
Sabi ko sa sarili ay
Muntik na.

Tula KunoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon